ederic@cyberspace » Pinoy brands
Disenyong Pinoy at ang 3 Stars & a Sun
Noong 2005, nagrereklamo pa ako rito sa blog ko dahil sa kawalan ng disenyong Pilipino sa local clothing brands:
Hindi lamang sa wika may identity crisis ang ating lipunan. Pati sa mga disenyong inilalagay sa mga damit, sa palagay koâ€™y may problema rin. Halos wala kang makikitang disenyong taal na Pilipino sa mga damit na ibinebenta ng mga lokal na brands natin.
Pati ang Bench at Penshoppe na mga nangungunang Pinoy na tatak ng damit, tila nagpipilit maging mukhang dayuhan.
Pero iba na ngayon. Kahit saan ka pumunta, may mga makakasalubong kang may suot na damit na ipinangangalandakan ang ating pagka-Pilipino.
Para bang bigla na lang, it’s cool to wear Pinoy. Hala, napapa-Taglish tuloy ako.
Nitong nakalipas na ilang taon ko pa ito napansin: Ang Artwork, may mga Bonifacio at Rizal shirts. Sa Greenhills, mayroong Jewels ba yun? Pinirata ng marami ang limited edition na Adidas track jacket na may disenyo ng watawat matapos itong ipagbawal dahil sa isang batas na tingin ko’y dapat nang baguhin.
Pero last year, naging todo-todo talaga. Naging matunog at na-feature pa sa Time ang Team Manila. Lalong napansin ang Kultura. Mabentang-mabenta ang Collezione Pilipinas collection.
Pati ang Bench at Penshoppe, nakisali na rin sa “I Am Ninoy” (sabagay, Bench model nga pala si Kris Aquino).
Siyempre, tuwang-tuwa ako.
Pero palaisipan din sa akin kung saan nagmula ang ganitong biglang pagsulpot ng pagkamakabayan sa pananamit. Dahil ba sa naging sobrang instant hit ang Adidas jacket? Dahil ba sa pamamayagpag nina Manny Pacquiao, Charice Pempengco, at Arnel Pineda sa international scene?
Hanggang noong nasa Singapore ako, pinag-iisipan ko yan lalo na’t may pailan-ilan akong nakakasalubong na mga kababayang nakasuot-Pinoy. Isang araw, habang nagtatrabaho, napadpad ako sa website ng FrancisM Clothing Co, na ang logo ay may tatlong bituin at araw mula sa ating watawat.
Taong 2005 pa lang pala matapos makasama sa raket ang isang foreign clothing company, ay nabuo na nina Kiko ang konsepto ng isang brand ng damit at ang kumpanyang ang magiging misyon ay “to instill pride in our race and to Filipinize every corner of the globe”.
Kung gayon, sina Francis Magalona  pala ang nagpauso — o kung hindi man, kabilang sa mga nagpasimuno — ng cool na cool na fashion na ito.
Pagbalik ko sa Pilipinas, isang lunch break ay sinadya ko ang branch ng X-Print sa Market! Market! Gusto ko na rin kasing magkaroon ng 3 Stars & a Sun shirt gaya ng kapwa blogger na si Jonas Diego. Pero pagdating ko roon, out of stock na raw sila. Ganoon din daw sa Trinoma branch nila. Bubuwelo muna kako ako.
Hanggang sa daglian tayong iniwan ni Francis M. At kung paanong napakarami ang naghintay para masulyapan siya sa huling sandali, sobrang humaba rin ang pila sa branches ng kanyang 3 Stars & a Sun.
Wala pa rin akong 3 Stars & a Sun shirt. Sabi ng isang nag-comment sa FMCC site may purple and yellow raw ng classic 3 Stars & a Sun shirt na gusto ko. Isa sa mga darating na weekend, pupunta kami ni M sa Broadway at makikipila.
Habang isinusulat ito, sigurado akong may kahit isang designer — taga-FMCC man, o Bench, o Penshoppe, o baka nga taga-RRJ — na nagpupuyat para maperpekto ang isa na namang disenyong Pinoy para sa mga ibebenta nilang damit.
Hindi na ako nagrereklamo.
Bench Blackout at mini-EB ni McBilly
Larawan Mula sa Bench website
Sa gabi ng Biyernes, Hulyo 25, na ang Bench Blackout, ang denim and underwear fashion show ng Bench. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Isa sa mga modelong sasali sa palabas na ito ang Cebu-based blogger na si McBilly, at nais niyang samantalahin ang pagkakataong ito upang makasamang gumimik ang mga blogger na narito sa Kamaynilaan.
Dahil dito, isang bloggers’ mini-EB ang in-organize niya sa Hulyo 27, Linggo — dalawang araw matapos ang Bench Blackout — 7 p.m., sa SM Megamall. Dahil di pa nag-o-offer ang Bench na i-sponsor ang blogger’s EB, KKB muna ito.
Kasali ako dyan sa EB, at ang ilan pang mga ka-blog:
Allen of Silkenhut
Ambo of Pinoyambisyoso
Bien of Bienthoughts
Denis of Elclaves Blogspot
Ederic of Edericeder.com
FJordan of Hiraya.co.nr
Jehzlau of Jehzlau Concepts
Joni of Tainted Song
Marghil of Macuha.com
McBilly of McBilly.com
Sylv3rblade of AtmaXplorer.com
Namimigay (o namigay na?) rin si McBilly ng isang Bench Blackout Invitation. Kinukumpirma ko pa kung na-extend ba ito, pero narito pa rin ang detalye mula sa kanyang website:
Just to make things more juicy. Iâ€™m gonna give away one Bench Blackout invitation to the fashion show which you can exchange for a ticket during the said event. The event is on July 25, 2008 and will start 7pm.
All you have to do is blog about this mini-EB with a link to this post. So that more bloggers will know about our little SM Megamall escapade. Hopefully, more will come para the more the merrier! Haha
Iâ€™ll be collecting all the pinoy bloggers who participate and will randomly draw and announce a winner on midnight of July 19, thatâ€™s a sunday! Iâ€™ll contact the person via cellphone and personally give the invitation before the show.
Note: The Bench Blackout is an Underwear and Denim Fashion show so it is strictly R-18.
8-7000 Jollibee delivery
April 28 ,2009 update: Nagpapa-deliver na ulit kami sa Jollibee. Ilang buwan matapos kong isulat ang entry na ito, umayos na ang services nila. Mas ok na ang phone line, at kadalasan ay on-time na ang delivery. Nang minsang magka-problema ako sa delayed delivery, naging mahusay ang pag-aasikaso ng mga taga-National Bookstore/Quezon Ave branch sa akin. Nung nagkamali ako ng address na ibinigay, matiyaga nilang hinanap ang sa amin, kahit nagpabalik-balik ang rider. Bati na kami ni Jollibee, at nai-enjoy ko na ulit ang Jollibee Regular Yum with Cheese na may hot sauce.
Hindi na muna ako magpapa-deliver sa 8-7000 Jollibee delivery.
Ito’y kahit
bumili ako ng 2008 Jollibee planner
nangongolekta ng laruan at pocket calendar ng Jollibee at gusto ng Jollibee mug
nagpapa-picture kasama si Jollibee at pinipicturan ang iba pang mga mascot
tinuturuan ang mga bata na bigkasin nang tama ang Jollibee
nangangarap maging model ng Jollibee; at
ipinagtanggol ang Pinoy fastfood na ito sa mga  nang-iinsultong dayuhan.
Noong Biyernes, hindi ako nakasali sa Yahoo Messenger conference ng Bloggers’ Kapihan dahil nagkaproblema — gaya nang dati — ang delivery ng inorder kong pagkain sa Jollibee.
Sa pagtawag pa lang sa 8-7000 Jollibee delivery, kailangan na ng tiyaga. Pagkatapos mong mag-dial, kakailanganin mong maghintay ng ilang segundo bago ka sagutin — kung masuwerte kang masagot ang tawag mo sa unang ring.
Nang magkausap na kami ng Jollibee call center agent, sinabi niyang medyo choppy ang dating ng tawag ko. Naka-cellphone ako noon at medyo mahina ang signal. Pero kahit kapag landline ang gamit ko sa pagtawag sa Jollibee, kadalasa’y malabo talaga ang linya nila. Sa pagkakataong iyon, dinig na dinig ko ang maingay na usapan sa kanilang panig.
Lumipat ako sa may bintana para mas luminaw ang signal ko. Pagkatapos kong ibigay ang address nina Mhay, pina-hold ako at titingnan daw niya kung ano ang branch na magde-deliver. So, naghintay ako ng mga ilang segundo. Nang ibinigay ko na ang pangalan ko, hindi niya maintindihan. Ilang beses kong inulit at binaybay, pero ang kinalabasan, Pederic Peder! Kahit na ipinrotesta ko, si Mr. Pederic pa rin ako para sa kanila.
Ang order ko: dalawang Regular Yum with Cheese (Magpapa-cheeseburger ako!) with Coke Light at large French fries. Wala raw Coke Light, kaya Sprite na lang. Hold daw ulit, check daw nila kung available ang mga ino-order ko. So, naghintay ulit ako. Kapag praning ka, iisipin mong binabaan ka na ng telepono, kasi sobrang tahimik ang linya kapag naka-hold. Nang bumalik sa linya ang kausap ko, nag-order din ako ng dalawang mayonnaise at nag-request ng apat na ketchup at apat na hot sauce. Sarap na sarap kasi ako sa burger nila kapag may hot sauce.
Nang itinanong ko kung abot na ito sa minimum order nilang P200, hindi raw niya makuwenta dahil may technical problem sila. So, sabi ko’y dagdagan na ng isang Peach Mango Pie para siguradong aabot sa P200. Dahil hindi nga makuwenta ang total bill ko, tatawagan na lang daw ako ng branch na magde-deliver para ipaalam ang total bill ko. Magdala na lang kako sila ng change for P300.
Ang naka-register sa cellphone, around 9:45 p.m. ang tawag, at tumagal ito ng siyam na minuto. Malapit nang mag-10:30 p.m., wala pa ring tumatawag mula sa branch. Maya-maya, bumaba na ako sa labas para tingnan kung naroon na ang delivery. Baka kako di niya nakita ang doorbell, at tama ako.
Ibinigay na niya ang pagkain sa akin. Medyo nagulat ako dahil marami. Baka kako sa pagkakasilid lang. Magkano kako lahat? P400+ ang sinabi niya. Nagulat na talaga ako! Ha?! Paano nangyari yun? “Kasi, Sir, nagpa-additional daw kayo.” Nang i-check ko ang dala niya, may apat na cheeseburger meal, apat din yata yung Peach Mango Pie, at nalaman ko later na lima yung mayonnaise, pero wala yung ni-request kong apat na hot sauce. Ipinaliwanag ko na dalawang cheeseburger lang ang in-order ko, at ang additional order ko lang ay yung isang Peach Mango Pie, at humingi lang ako ng maraming ketchup at hot sauce.
Binayaran ko na muna siya ng P300 at nagkasundo kaming ibabalik na lang ang sukli kapag naayos na yung tamang bill ko. Inulit ko ulit kung ano talaga ang in-order ko. “So, Sir, dalawa po yung pie?” sabi niya. Isa lang kako, at idinagdag ko lang iyon para nga makasigurong aabot sa minimum ang order ko. “Ah, so dalawa nga po yung pie!” Nagtago na ako sa gate, at tumingin na lang kay Mhay, na by that time ay nasa gate na rin para siguro tingnan kung bakit antagal kong umakyat, at siya na ang nakipag-usap sa delivery boy.
Nang maakyat na kami, tumawag ako sa 8-7000 Jollibee delivery. Tiniyak kung ano ang nakatala sa kanilang in-order ko. Naisip ko kasing baka hindi ko na naman pinakinggan nang maigi ang order recap kaya nagkaganoon.  Nalaman kong tama naman ang naka-record sa kanila. May sobra, pero isang mayonnaise lang — sa halip na dalawa, tatlo ang nasa record nila.
Kumain na kami habang nanonood ng Philippine Idol. Mabuti na lamang at may hot sauce pala si Mhay sa kusina niya, kaya’t nakakain pa rin kami ng Regular Yum with Cheese — and hot sauce. May nag-text para itanong kung naipadala na ang sukli, at ng sumagot kaming hindi pa, di na rin nag-reply. Kaya lang, natapos na’t lahat ang Bubble Gang, di pa rin dumating ang nagdadala ng sukli.
Kinabukasan, hindi pa rin dumating ang Jollibee hanggang sa pumunta na ako sa Bloggers’ Kapihan event at umalis si Mhay pauwi sa probinsya. Kaninang hapon, nag-text daw ulit sa kanya yung  taga-Jollibee. Sinabi raw na apat na beses na silang bumalik pero walang tao. Naman, hindi naman puwedeng maghapon na lang kaming tutunganga kina Mhay para maghintay sa sukli ng Jollibee. Di ba mas mabuting tumawag o mag-text muna sila bago pumunta?
Habang ihinahanda ko ang post na ito, nag-order ako ng hapunan sa 8Mcdo.com. Pagkatapos kong i-submit ang order ko, pakalipas ng anim na minuto ay may tumawag na taga-McDonald’s para i-verify ang order ko. Pagkalipas ng may 15 minuto, dumating ang order ko — at maliban sa straw, kumpleto ang order ko.
Matatagalan muna siguro bago ako mag-order sa Jollibee delivery, hangga’t di nauubos ang mga karanasang gaya ng sa akin. May nakita akong isang magandang karanasan, pero mas marami ang horror stories:
Jollibee Delivery…Grrrrrrrrrrrrrrrrrrr!
Food Delivery…Mc Donald’s, Jollibee, Tapa King, North Park, Shakey’s, Pizza Hut, Max’s Restaurant
8-7000 Jollibee delivery
8-7000 jollibee delivery
Goodah!!!
Noong Biyernes na gabi, pagkagaling sa opisina ay naglakad lang ako pauwi. Hindi kasi ako agad makaisip ng lugar na makakainan. Lumampas na ako sa tapat ng tirahan ko, kaya’t kako’y sa isang manukan malapit na lang sa amin ako kakain. Nang patawid na ako, saka ko naalala na may Goodah!!! malapit sa doon. Nilakad ko ang direksyon papuntang Goodah!!! Kamuning.
Noong mid-90s at nasa kolehiyo pa ako, kumakain kami paminsan-minsan ng isang kabarkada ko sa Goodah!!! sa Katipunan. Kung hindi ako nagkakamali ng pagkaalala, naisama pa namin minsan ang isang magandang kaklase namin sa Social Work (na nabanggit ko sa post na ito) na noo’y problemado sa puso, at inaliw namin siya sa Goodah!!! O baka naman nag-iimbento na lang ang alaala ko. Kalaunan ay nagsara ang branch na ‘yun.
Anyway, doon ako kumain ng late na hapunan. Kako’y pagkalipas ng maraming taon, makakatikim na ako ulit ng lutong Goodah!!! Kaso lang, wala ang specialty nilang tapa. Adobo rice na lang ang nilantakan ko. Busog akong umuwi.
Konti lang ang kumakain sa Goodah!!! Kamuning. Sayang, sa pagkakaalala ko’y okay pa naman ang tapa nila. At isa ito sa maraming mga ugnay natin sa 1990s.
Nasupalpal
Posted by mobile phone:
Tip para sa mga namimili ngayong Pasko: huwag basta-basta kukuha ng mga larawan ng mga paninda. Baka kayo masupalpal na gaya ko.
Sa isang nakalipas na entry ay binanggit ko ang mga kakaibang disenyo ng pambabaeng brand ng damit na Bayo–kakaiba dahil sa dami ng mga local brand na nagkukunwaring Stateside, may mga disenyo silang Proudly Pinoy na matatawag.
Napadaan kami kanina sa isang tindahan nila at nang tangkain kong kunan ang isang damit na may mga print ng monumento ni Rizal para mai-post dito, pinigil ako ng nagtitinda. Bawal daw kasi.
Akala ko sa mga museo lang bawal ang ganiyan. Sa mga tindahan din pala. Nasupalpal ako. Hindi kasi muna nagtatanong, hehe.
Gaya nang dati, ang naisip ko na lang: Kung ayaw nyo, e di huwag.
Mga naisip habang nasa mga mall
Kahapon, namili kami ni Mhay sa Trinoma ng ilang pangregalo. Kanina naman, sa Gateway kami. Narito ang ilang random thoughts ko habang nagmo-malling at comments tungkol sa ilang produkto at brands. Dapat ay imo-moblog ko, kaso baka matalisod ako habang nagta-type sa Treo ko, kaya tinandaan ko na lang.
Concerned ang pamunuan ng Landmark o Trinoma sa customers nila. Ihinahatid ang mga mamimili hanggang sa sakayan ng taxi at istriktong binabantayan ng mga gwardya ang pila sa taxi para masigurong maayos na makakasakay ang customers.
Marami talagang mapagpipillian sa Landmark.
Mahina ang aircon sa Bench stores, lalo na sa Gateway branch. Ilang minuto pa lang kaming tumitingin ng mga damit, pinagpapawisan na ako at kailangang tumapat sa electric fan.
Pero asteeg yung eco-friendly bag nila in gold and silver. P35 lang. Napuna at nagustuhan nga ng mga taga-Dickies.
Si Rayver Cruz ang modelo sa pocket calendar na ibinigay sa amin. Meron na rin ako ng kay Iya Villania.
Mas mahal ang mga damit sa Penshoppe kaysa sa Bench.
Base sa mga kakaiba at Pinoy na disenyo nito, masasabing ipinagmamalaki ng Bayo na ito’y produktong Pilipino.
May planner na rin ang Jollibee. Mas intresado ako rito kasa sa Starbucks planner.
Kadalasa’y palpak ang delivery ng Jollibee. Mas maayos yung sa McDo.
Mas gugustuhin kong mag-kape sa Figaro kaysa sa Starbucks. Tatak-Pinoy ang Figaro at tumutulong sa muling pagpapaunlad ng kapeng barako.
Mas nakakairita ang pagtambay sa Starbucks dahil mas marami ritong cono kaysa sa Figaro.
Mas masarap ang Kopi Bun ng Kopi Roti kaysa sa Coffee Bun ng French Baker. Parang kadiri yung malambot sa loob ng sa French Baker.
Masarap ang Spicy Chicken sa Kimchi. Tamang-tama ang anghang–yun bang konti na lang ay halos di mo na malalasahan, tapos may tamang lahok ng tamis.
Nakakaaliw ang maniking naigagalaw ang mga daliring kahoy. Masayang paglaruan.
Pangit ang location ng National Bookstore sa Farmer’s. Mahirap hanapin.
Gusto ko ng mug ng Mr. Donut. Kaso lang, kailangan ko pang bumili ng isang dosenang donut.
Mas masarap ang glazed donut ng Krispy Kreme kaysa sa iba.
Be Bench
September 12 update: Panalo sina Regine at Carlo!
Grand finals na ng Be Bench Model Search sa September 11. Sa mga babae, pinaka-okay si Regine Angeles. Panlaban naman ang katawan ni Michelle Carbonell. Sa mga lalaki, mahusay si Ron Morales pero bagay ring Bench model ang pinakabatang si Carlo Guevarra.
Nasa bagong Bench commercial nga pala ang paborito kong Kimerald (Kim Chiu at Gerald Anderson):
<object width="360" height="297"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/Oe6L8jlfWPg"></param><param name="wmode" value="transparent"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/Oe6L8jlfWPg" type="application/x-shockwave-flash" wmode="transparent" width="360" height="297"></embed></object>
Dati, sa Jollibee lang sina Kimerald. Ngayon, pati Bench na.
Teka, speaking of Jollibee, sa tingin ninyo, ito ba ay galing din sa isang Jollibee commercial?
Sana Maulit Muli–ang pagwawakas
Kagabi, sa pagwawakas ng Sana Maulit Muli, siguradong masasaya ang Kimerald fans–o mga tagahanga nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero ang maraming mga manonood, naasar naging takbo ng huling bahagi ng kuwento.
Lagi kong sinasabi na ang magandang ending ng isang palabas ay ‘yung hindi ini-expect. ‘Yun bang tipong masasagasaan ng bus, tapos tapos na. Parang ganoon din naman ang nangyari sa SMM. Naaksidente rin sila ng isang trak o van na nawalan ng preno.
Sa episode bago ang pinakahuli, namatay  si Travis Johnson, at tumalon naman mula sa rooftop ng isang gusali si Jasmine Sta. Maria. Akala ko tuloy, mamamatay sila pareho. Siyempe, malungkot iyon, pero okay na rin sana–at least magkasama pa rin sila.
Pero nailigtas pala si Jasmine ng tatay niya–nahawakan siya bago tuluyang mahulog. Kaya ang akala kong mangyayari, patay si Travis at buhay si Jasmine. Sabi ni Mhay, para raw ‘yung sa sine na “If Only,” namatay ‘yung lalaki sa halip na ‘yung babae dahil sa pang-aano nila sa tadhana. (Papanoorin pa lang namin ‘yung DVD noong sine na ‘yun.)
Pero kinutuban ako na magkakaroon ng happy ending itong SMM. At ang totoo n’yan, sa kabila ng pagsasabi ko nga na okay ‘yung mga kakaibang pagwawakas, umasa akong maging happy ending ang SMM. Putris, halos dalawa sa tatlong eksena ata, umiiyak si Kim Chiu, dapat nama’y maging masaya ang pagwawakas. Saka tutal, may fantasy element naman ‘yung istorya–nakakabalik sa panahon, may tadhana personified–eh ‘di pangatawanan na ng mga manunulat.  Na siya naman nilang ginawa.
Noong inilibing si Travis sa kuwento, sabi ko, sana ma-time space warp si Jasmine, at mabalik siya sa piling ng mahal niya. ‘Yun bang tipong sa isang hakbang lang niya, nasa nakalipas na siya ulit. Nagawa nilang suwayin ang panahon, kaya’t dapat magawa nila ulit. Kumbaga, nabutasan nila ang pagiging solid ng batas ng panahon. Sa mala-parallel universe na eksenang kapwa naggigitara at nagluluksa sina Jasmine at Travis, kako’y sana’y magsanib na lang ang dalawang magkaibang panahong ito. (O, puwede na ba akong writer ng ganyang mga kuwento, hehe?)
Nangyari naman ang gusto ko. Ang susi pala ay ang relo–teka, puwede bang maging susi ang isang relo?–na bigay ni Mang Andres, aka Tadhana. Ito ang nagpabalik kay Jasmine sa panahong buhay pa si Travis. Sabi ni Mhay, mala-Somewhere in Time (na paborito ko rin). Parang Moments of Love rin. Siyempre, nagkita ang dalawang bida. At sa lahat ng lugar na puwede silang pagtagpuin ng binalikang panahon, sa Jollibee pa!
Okay na sana ‘yung ending. Kahit hindi ikatutuwa ng mga kritiko, masaya naman. (At kaya naman tayo nanonood ng TV para malibang at sumaya, di ba? Kung gusto nating magpakalalim, manood tayo ng art o historical films) Ayos rin lang na sa Jollibe ang setting ng ending. Malaking sponsor sila ng mga artista at palabas, eh. Kaso lang, napasobra. Sabi nga ni Rickey, Sana Maulit Muli Finale is a Jollibee Commercial.
Pero huwag ka! Naghahapunan kagabi habang nanonood nito. At hulaan ninyo kung ano ang kinakain ko? Hindi naman Chicken Joy–Amazing Aloha at fries lang. Hehehe. Nakakatawa. Noong magpa-deliver kami, sa halip na McDonald’s ay Jollibee ang pinili ko. Subukan ko lang kako kung maayos na ang kadalasa’y palpak na delivery nila. Tapos na ako nag na-realize ang nakatatawang sitwasyon ng panonood ng SMM habang kumakain ng Jollibee. Kagagawan kaya iyon ng power of advertising? Sub-conscious mind ko kaya–na apektado ng SMM commercial–ang nagdikta na Jollibee sa Jollibe kami magpa-deliver?
Bench, Jollibee naman sa I-Witness
Kanina, nang ihatid kami ng Kuya ni Mhay sa terminal pabalik sa Maynila, dumaan ang kotseng sinasakyan namin sa Jollibee sa tapat ng terminal, at ang kasama naming dalawang taong gulang na nakababatang kapatid ni Migmig ay napabulalas ng “Jollibee!”–pero siyempre, hindi pa buo ang salita. Sa tingin ko, ang Jollibee ang isa sa mga salitang may tatlong pantig na pinakaunang natututunan ng mga batang Pinoy, lalo na ng mga taga-lungsod.
Naalala ko tuloy si Piolo, ang anak ni Ate Nikki na may-ari ng carinderia na kinakainan ko dati sa Novaliches. Mula sa Jabi, naturuan ko siyang bigkasin nang buo ang Jollibee. Tunay ngang bahagi na ng panlasang Pilipino ang Jollibee.
Sana nga lang, ayusin nila ang kanilang customer service, ang kanilang delivery, at gawing pare-pareho ang lasa ng kanilang mga pagkain kahit sa magkakaibang branch.
Nabanggit ko sa taas ang batang si Piolo, kaya’t naalala ko naman si Piolo Pascual–na masayang panoorin kapag katambal si Judy Ann Santos (at hindi si Sam Milby, hehe). Nang tumambay ako noong isang linggo sa updated website ng clothing brand na Bench, na may Forums page na, nagulat ako nang makita ko ang larawan niya. Akala ko noong una, si Milby iyon. Si Piolo pala talaga. Mabuti nama’t may pamalit na sila kay Richard Gomez, na nakiuso na sa pagtakbo ng mga artista sa Senado.
Nang ikuwento ko ang balitang Bench na ito sa pinsan kong si Jay, na fan din ng proyektong ito ni Bench Chan, naikuwento rin niya sa akin ang di-kamurahan niyang sinturong Bench na mahigit isang buwan pa lamang ay halos maputol na. Payo ko tuloy sa kanya, mga shirt at pantalon na lamang ang bilhin namin sa Bench, dahil siguradong japorms na, matibay pa.
Naikuwento ko ang dalawang astig Pinoy brands na ito–na di lamang malaking bahagi ng negosyong Pinoy, kundi nakaukit na rin sa kultura at kamalayang Pilipino–dahil pagkatapos ng kwento naming mga magniniyog sa Coco-Loka, ang mga Pinoy brands naman ang itatampok ng I-Witness mamayang gabi. Kabilang nga sa mga ito ang mga paborito kong Bench at Jollibee, at ang National Bookstore.
TATAK NG BAYAN
Sa I-Witness ni Sandra Aguinaldo
Ngayong Lunes: Ika-5 ng Marso, 2006
Papaano nagiging tatak ng bayan ang isang maliit na negosyo?
Alamin ang sagot ngayong Lunes sa I-Witness ni Sandra Aguinaldo.  Babalikan ni Sandra ang simpleng simula ng mga higanteng kumpanya ngayon gaya ng Jollibee, National Bookstore at Bench.
Mula sa isang maliit na tindahan ng sorbetes sa Cubao ay naging pinakamalaking fastfood chain sa Pilipinas ang Jollibee, na binuo ng pamilyang Tan Caktiong.  Aalamin ni Sandra Aguinaldo kung paano napalapit ang Jollibee sa puso ng  Pinoy â€“ mula sa kinaaaliwang mascot ng mga bata hanggang sa pagkaing â€œlanghap-sarapâ€ sa nakatatanda.
Makikilala rin ni Sandra Aguinaldo ang nanay sa likod ng tagumpay ng National Bookstore. Taong 1942 nang buksan ni Socorro Cancio-Ramos ang kauna-unahang National Bookstore sa Escolta, Manila. Dinanas na ang giyera, pinagdaanan ang martial law at tatlong EDSA revolt, pero hindi natinag ang National bilang â€œbookstore ng bayan.â€
Datiâ€™y imported lamang ang gustong sinusuot ng mga Pinoy teenager, pero nagbago ang lahat nang mauso ang Bench ni Ben Chan.  May mga katangian ang damit na tatak Bench na nakahuli sa kiliti ng Pinoy.
Ang sikreto sa likod nitong mga â€œTatak ng Bayanâ€, abangan sa I-Witness ngayong Lunes ng hatinggabi sa GMA.
Showbiz Linggo
Kahapon, oras na ng meryenda nang makabalik ako sa bahay galing sa pamimili ng mga aklat at ilan pang mga bagay. Sinabayan namin ng panonood ng telebisyon ang pagkain. Dahil Linggo, ang palabas nang oras na iyon ay balitang showbiz. At siguro’y dahil ilang araw nang bina-bash ng mga kasama ko sa bahay ang isang partikular na aktor na kinaaasaran namin, siyempre’y nasa mood manood ng mga kuwentong showbiz habang kumakain. At dahil puro “Kapamilya” ang mga kasama, ‘di na ako nagtangkang ipilit na panoorin ang programa sa paborito kong network.
Ibinandera ng palabas ang pinakaunang pahayag daw ni James Yap tungkol sa pagbubuntis ng asawang si Kris Aquino — na para bang ito na ang pinakamahalagang pangyayari sa bansa sa linggong ito. May balita rin tungkol sa reaksyon daw ni Sharon Cuneta sa pagkikita nina Gabby Concepcion at anak na si KC. Pero ang balitang nakapagpaalala na tumatanda na ako ay ang pagpapakasal nina Mark Anthony Fernandez at Melissa Garcia.
Teenager ako noong panahon ng kasikatan ng mga Gwapings na kinabilangan ni Mark Fernandez — kasama sina Eric Fructuoso at Jomari Yllana. Lagi nila noong kapareha si Abby Viduya, na kalauna’y naging si Priscilla Almeda.
Sa aming mga kabataan sa probinsya na hindi exposed sa Hollywood, ang Gwapings ay kabilang sa mga idolo noong panahong iyon.
Hindi ko alam kung jologs sila para sa mga taga-Maynila, pero noon, sa amin ay sila ang standard ng cool na porma. May mga kaeskuwela akong gumagaya sa kanilang pananamit — naging image model sila ng Bench, ang pinakakilalang local brand na tinatangkilik kapwa ng middle class at ng masa. Pati na rin sa one-sided na hawi ng kanilang buhok ay ginaya ng halos lahat ng mga kabarkada ko, pero di ako nakagaya dahil matigas talaga ang ulo ng buhok ko, hehe. Ang mga Gwapings ang cover ng mga notebook — lalo na ng mga babae kong kaeskuwela, at sikat din ang dance step nila (Rump Shaker).
Naalala ko yung panahon ng kasikatan ng Gwapings, kasi iyon din ang mga panahong umaasa akong tulad ng mga kabataang idolong ito, balang araw ay magiging matagumpay rin ako sa buhay. Noon, naisip kong hindi man ako maging kasing suwerte nina Mark sa mismong panahong iyon, darating ang araw na matutupad din ang mga pangarap ko — hindi kabilang doon ang pagiging sikat na artista, ha? Simple lang ang mga pangarap ko noon. Ang mga ipinagdarasal ko noon ay mag-champion sa Math Olympiad, mapasagot yung nililigawan kong campus beauty queen, at makapasa sa Unibersidad ng Pilipinas. Hmmm, sige aaminin ko nang pinangarap ko ring medyo mapantayan ang uri ng maalwang buhay na kahawig ng inaakala ko noong nararanasan ng mga sikat na celebrity.
Sa mga pangarap ko, may hindi natupad, at mayroon din namang nagkatotoo. Di na ako naging champion sa Math Olympiad sa probinsya namin, pero naging malapit na kaibigan ko naman noong mga unang taon ko sa kolehiyo yung nakakuha ng pangarap kong iyon.
Di rin kami naging kami kahit kailan ni Miss Campus Queen, pero ngayo’y maligayang maligaya ako kapiling ang beauty and brains kong Lakambini.
Ang pagpasok sa UP, nagkatotoo naman. Di ko na matandaan kung buo pa ang Gwapings noon, pero noong freshman na nga ako sa UP at nag-shooting sina Mark at Claudine Barretto (na sikat na sikat din noong high school ako), sumilip ako sa shooting at pinanood ang mismong sine. By that time, itinuturing na ng mga kritiko na isa sa pinakamagagaling na aktor ng aming henerasyon si Mark, pero bigla siyang nawala nang maaliw siya sa ipinagbabawal na gamot. Kamakailan ay nagbalik siya, at ngayo’y muling nagsisimula.
At kahapon nga, malaking balita sa showbiz ang kasal ng isa sa mga Gwapings. Hindi ko alam kung dumalo sina Eric Fructuoso (na Friendster friend ko), Jomari Yllana, at Abby Viduya (o Priscilla kaya ang nakasulat sa imbitasyon?) sa kasal ni Mark. Sa kaso ko, gaya nang ikasal si Claudine Baretto, di naman nakarating ang imbitasyon, hehe.
Nakakaaliw. Pati balitang showbiz, nakapagpapaalaala sa akin ng mga batang pangarap. Siguro dala na rin ng panahong punong-puno ng mga kabataang nagnanais mag-artista. Kahapong tanghali, bago ko pa man mapanood ang mga balitang showbiz, nadaanan ko sa may Kapuso Network ang ang timbon ng mga kabataang gustong makasali sa StarStruck. Mula sa malayo, natanaw ko ang tayog ng kanilang mga pangarap at namasdan ang liyab ng pag-asang bumabalot sa kanilang batang kamalayan.