Mga balitang techie

Dahil napagana ko na ang koneksyon ng Macbok ni Mhay at ng Nokia phone niya, at gamit ko na ngayon ang Smart 3G sa pamamagitan nito, narito ang ilang balitang techie:

  • Update: Kababasa ko lang ng balitang ito sa PC World–binili raw ng Google ang Zingku, isang mobile social networking site.
  • Maaari nang sa Western Union kunin ang kinita sa Google Adsense ang mga Pilipinong publishers. Nalaman ko ang magandang balitang ito tungkol sa tinatawag na “Philippine Google Economy” sa blog ni Yuga.
  • Mula naman sa blog ni J. Angelo, nabalitaan kong puwede na ring tumanggap ng pondo ang PayPal accounts ng mga members na nasa Pilipinas. Masama ito para sa Xoom, na hindi nagbayad dati ng referral fee ko.
  • Nasa www.makapalm.com na ang Palm blog ko. Ang latest entry ko ay tungkol sa bagong Palm Centro.

Samantala, balik muna ako sa pananaliksik.

ZTE ringtone

From TXTPower.org

Mobile activist group TXTPower last night launched the AB-ZTE-FG protest ringtone, as it called on the public to remain vigilant over the US$329-million scam involving persons closely linked to President Arroyo.

TXTPower President Anthony Ian Cruz encouraged the public to download, use, re-post and forward the ringtone “as a sign of our collective anger over the latest scandal to hit the Arroyo administration and demand that the investigation result in the prosecution of bribers, bribetakers, fixers and influence-peddlers.”

Continue reading

Mas murang tweeting

(Note: nang malapit ko nang matapos ang entry na ito, naisip kong mag-search muna kung ang tip na naiisip kong i-blog ay naisip at naikuwento na ng ibang blogger. Tama ang hinala ko. Kaya kung ayaw ninyong basahin ang mahabang kasaysayan ng pagtu-Twitter ko at sa pamagat lang kayo intresado, puntahan na lang ang Markcas.com. Pero kung bored kayo at walang magawa, sige tuloy lang.)

Nang ipakilala ng PinoyExchange noon ang wireless journal service, isa ako sa mga naadik dito. Nagustuhan ko kasi ang ideyang makakapag-post ako sa isang journal ng kahit ano gamit ang cellphone ko kahit saan ako naroon: maging sa jeep man, MRT o sa kubeta. Pero kalaunan, natigil ang WJ ng PEx. Sinubukan ko itong ituloy sa Blogger, pero iba pa rin ang WJ.

May iba pang mga dumating na serbisyong kahawig ng WJ, ngunit karamiha’y pumalpak din. Hanggang sa malaman ko ang tungkol sa Twitter sa site ni Jayvee. Siyempre, na-excite ako at agad ko itong sinubukan. Continue reading

My Palm Treo 650


(Photo courtesy of my friend Bing)
Here’s a photo of my newly acquired Palm Treo 650. I got this second-hand unit for only P9,500 last July 21 in one of the stalls in Greenhills.For those who are not familiar with Palm products, the Palm Treo 650 is a cellphone, personal digital assistant, portable MP3 and video player, digital camera, ebook reader and “game and watch” in one.

You could also use it to write and edit documents, send and receive e-mail and browse the Web. It has a full QWERTY keyboard (parang sa computer), speakerphone, infrared and bluetooth (but no WIFI).

Here are more information that could probably convince you to swap your cellphone that keeps on freezing (Ano ba yan, nag-hang na naman?) with a Palm Treo:

Continue reading

Ederlyn's fans, may EB mamaya sa NTC

(Update) May kitaan mamayang hapon sa sa National Telecommunications Commission ang mga fan’s ni Ederlyn–na kilala rin bilang mga Globe subscribers na bad trip sa bagong unlimited texting rates.

Magkakaroon kasi ng public hearing sa NTC mamaya, Pebrero 9, ika-2 ng hapon, sa NTC office sa Quezon City upang talakayin ang reklamo ng TXTPower laban sa bagong unli promo ng Globe. Niyayaya ng TXTPower ang mga subscribers na dumalo at magsuot ng kulay pula. Continue reading

TXTPower vs Globe's new unli

Bad trip ang mga texters sa Globe Telecommunications dahil sa pagbabago nila sa Unlimitxt promo para raw mabigyan ng “wider choices” ang mga texters. Ang kaso, dumami nga ang options, pero nagmahal ang presyo ng unli. Puwede na sana yung P50 for five days, kaso ngayon P10 pa rin per day, kaso kalahating araw na lang. Tsk tsk, kawawa naman ang mga fans ni Ederlyn–kilala n’yo ba si Ederlyn? Hehe.

Nasa ibaba ang online petition ng TXTPower sa National Telecommunications Commission. Continue reading