ederic@cyberspace » Buhay at Pag-ibig

Kaarawan
Nag-birthday ako nitong nakalipas na linggo. Sa weekend bago ang kaarawan ko, umuwi kami kina M at naghanda roon ng kaunting spaghetti at manok. Nakapanood din kami ng “Miss You Like Crazy.” Nag-leave rin ako sa trabaho nang dalawang araw para makapagpahinga, at medyo binawasan ko rin ang pagpo-post sa social networks ko. Nung Biyernes, nagamit ko ang palm card ng Pizza Hut at nagsalu-salo kami ng mga katrabaho ko sa pizza at chicken wings.

Samantala, ilang araw na akong nagrereklamo sa pabalik-balik na sakit ng ulo. Tanong ng isang sa mga kasamahan ko kanina nang mabanggit ko ito ulit habang nagtatanghalian. “Ilang taon ka na ba, Ederic?” Senyales na nga ba ito ng pagtanda?

Naalala ko tuloy ang payo ni Baz Luhrmann: “Enjoy the power and beauty of your youth.” Sabagay, considered pa naman akong youth. Kaso, wala yung beauty; at invisible pa yata ang secret power ko.

Kabaligtaran ng People Power
Maaari bang umusug-usog nang konti? Mula sa pinakalikod na upuan ng bus, nakunan ko ang mga taong ayaw umusog sa loob.

Habang nakapila sa hintayan ng bus sa ibaba ng opisina namin kanina, nasaksihan ko ang isang kabaligtaran ng isa sa mga pundasyon ng People Power.

Depende sa oras at suwerte, mga 15 hanggang 30 minuto ang pagitan ng mga biyahe. Kaya naman nang dumating at tumigil ang bus, pinakiusapan ng konduktor ang mga pumapasok na dumiretso lamang sa dulo para mas marami ang makasakay. But no, ang gusto talaga ng mga kababayan natin ay laging makababa agad. Nagkatrapik-trapik sa malapit sa pinto, pero anluwag-luwag sa dulo ng bus.

Itinuro na nga namin sa konduktor ang nakatayong babaeng pinagmumulan ng pagsisikip dahil ayaw umusog sa loob, pero deadma pa rin ang ale. Maginhawa na siguro siya sa kanyang pagkakatayo, kaya wala na siyang pakialam sa ibang pasahero. Na-bad trip kami. “Sarili lamang kasi ang iniisip!” na lang ang naibulalas ko. Ganyan din lagi ang eksena sa mga train ng MRT.

Di ba’t isa sa pinakabatayang elemento ng ating People Power ay ang “bayanihan”? Ang tuwirang kabaligtaran nito ay ang pag-iisip ng sariling kapakanan — ang ako muna mentality.

Sobrang hirap na nga ba ng buhay sa bayan nating pugad ng luha at dalita para asikasuhin lamang ang sariling kapakanan at wala nang puwang para isipin pa ang kapwa?

May kantang related sa topic na ito si Gary Granada, isa sa mga paborito kong mang-aawit. Ang pamagat ng kanta ay “Kahit Konti”. Di lang ito tungkol sa literal na pagbabahagi ng espasyo sa mga pampublikong lugar, kundi tungkol din sa pagbibigayan sa ating mga posisyon sa iba’t ibang usapin:

O kay raming suliranin araw-araw dumarating

Dahil di kayang lutasin, hindi na rin pinapansin

Subali’t kung tutuusin, ang kadalasang dahilan

Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti.

Mas maisasabuhay ang People Power kung papayag tayong umusog-usog kahit konti.

Ngayong 2010…
Ngayong 2010, sana’y bahain ng pagpapala’t putukan ng swerte ang ating mga pamilya at nawa’y maampat ang daloy ng karahasan sa ating bayan.

Manigong bagong taon!

Kahit di bagay ang snowman…
Kahit di naman talaga bagay ang snowman sa Pilipinas, hayaan na rin ninyong batiin niya kayo:

Kwentong Customs
Nang mabasa ko ang blog entry ni Abe na “How the Bureau of Customs Spoiled the Fun”, naalala ko ang aking sariling kwentong Customs.

Kahapon, pumunta ako sa Quezon City Post Office at kinuha ko yung in-order ko sa eBay na tatlong replacement styli para sa Palm Centro ko. Maayos naman ang transaction, at gaya nang dati, mababait pa rin ang mga empleyado roon, pati na ang mga nasa Customs section.

Pero may naranasan ako sa tao ng Bureau of Customs (BoC) sa Taguig Post Office na medyo nagpapainit ng ulo ko kapag naaalala ko. Ang nangyari kasi, yung palpak nila, ako ang nagdusa.

Nag-order ako ng headset para pa rin sa aking Palm. Dahil akala ko ay malapit sa opisina at madaling puntahan ang post office sa Taguig, ang ginamit ko ay ang aming office address. Nasanay rin kasi ako noong nasa GMA-7 pa ako na sa office bumabagsak ang notices at packages ko. Nang dumating sa akin ang notice galing sa post office, medyo natagalan pa bago ako nakapunta roon.

Isang lunch break, sinadya ko ang Taguig Post Office. Hindi pala siya madaling puntahan dahil sa trapik, lalo na kung naka-taxi. Tapos na ang break nang makarating ako. Medyo namali pa ako ng estimate ng pamasahe, kaya medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, at tila pinagtaguan ako ng mga ATM sa araw na iyon.

Anyway, pagdating ko sa post office, binayaran ko ang P35 na fee at tumuloy na ako sa Customs section. Isang nagpapaka-busy na mama ang naroon, at sinabi niya sa akin na hindi raw pwedeng i-release ang package ko dahil wala yung taong in-charge! Pumunta raw sa main office nila sa BoC. Aba’y nagulat ako. Wala po ba kakong iba na pwedeng mag-check noon. Wala raw. Balikan ko na lang daw.

Kahit iritado na, magalang kong ipinaliwanag na sinadya ko pa iyon, at hindi ako talaga makakapunta sa ibang araw kapag office hours dahil may trabaho ako. Ngunit kahit siguro maglupasay ako roon, di niya ibibigay ang headset ko. Umuwi akong luhaan.

Pero naisip ko, dahil wala ang isang empleyado, matitigil na ba ang pagbibigay nila ng serbisyo? Taga-gobyerno sila, di ba? Hindi ba dapat, may sasalo sa gawang iiwan ng isa? Amf naman, binayaran ko na yung fee, di ba? At nakakasama pa ng loob ang di-friendly na pakikipag-usap sa akin nung isang taga-Customs.

Headset na may P500 lang ang presyo nung kinukuha ko, eh. Siguro naman, hindi na ako kukunan ng daan-daang buwis para lamang doon.

Pero di pa roon nagtatapos ang aking kwento. Pagkatapos ng malas na araw na iyon ay nagbaka-sakali pa ako. Tumawag ako at nakiusap ulit matapos na, siyempre, pagpasapasahan ang tawag ko hanggang sa makarating sa mga taga-Customs. Sa tingin ko, yung parehong mama ang nakausap ko dahil hindi raw siya ang dapat kong kausapin. Ipinasa niya ako sa babaeng wari ko ay siyang empleyado na wala noong pumunta ako. Nagtanong ako na dahil nabayaran ko na naman yung customs fee, di kaya kako pwedeng ipasama na lang ide-deliver ng kartero yung package ko? Di ko naman kako kasalanan na wala siya noong pumunta ako, so baka pwedeng gawan ng paraan na makuha ko pa rin ang headset ko.

Hindi raw talaga pwede kasi kailangan kong pumirma na natanggap ko yun. Sa puntong iyon ay pikon na pikon na ako at tumataas na ang boses ko. Nang tumawag ako ulit, ibinalik ako roon sa mama. Nang hinanap ko ulit yung babae, umalis na raw. Wala pang alas-singko noon. Kaya kahit sumigaw pa ako, na-realize kong kailangan ko talagang mag-invest ng ilang oras at ilampung piso para bumalik doon.

Suko na ako, pero may isa pa akong nakausap na mukhang matinong empleyado ng post office. Ang pwede ko raw gawin, alamin ang pangalan ng karterong naka-assign sa amin at pakiusapan siyang i-claim ang package ko on my behalf. Gawan ko na lang daw ng authorization letter kung papayag. Nagkaroon ako ng konting pag-asa.

Sa kasamaang palad, wala palang regular na kartero na naka-assign sa area namin sa Fort Bonifacio nang panahong iyon. Hindi ko na rin naabutan yung proxy na naghahatid ng mga sulat sa opisina namin. Lumagpas na rin ang 30 days na claiming period para sa headset ko.

Sa susunod, sa residential address ko na lang ipapadala ang lahat packages ko.

Sa dako pa roon
Undas na naman. Marami sa atin ang bumisita sa mga sementeryo para alalahanin ang mga kamag-anak na nauna na sa dako pa roon. Namulat na tayo sa paniniwala sa kabilang-buhay. Pero ano nga ba ang pagkakaunawa natin dito?

Para sa karamihan ng mga Kristiyano, lalo na sa mga Katolikong tulad ko, may kabilang buhay. Kapag namatay daw ang tao, mapupunta sa langit ang kanyang kaluluwa kung namatay siya nang nasa ilalim ng grasya ng Diyos. Kung namatay naman siyang may mabibigat na kasalanan, sa mainit na impyerno ang byahe nila. Sa mga may mumunting kasalanan naman na kailangan pang linisin, bago sumalangit ay napupunta sa pansamantalang tambayan: ang purgatoryo.

May mga ibang pananampalataya naman na nagsasabing sa pagpanaw ng isang tao, muli at muli siyang babalik at mamumuhay sa mundo hanggang sa marating niya ang ispirituwal na antas ng perpeksyon at paglaya: ang moksha o nirvana.

Nung nasa kolehyo ako, nagsulat ako ng paper na nagsaad ng palagay kong ang cycle ng reincarnation o muli’t muling pagsilang ay maaaring pareho lamang sa konsepto ng purgatoryo. Ang mga ito’y parehong proseso ng paglilinis na iisa ang destinasyon. Ang beatific vision o pagtunghay sa Diyos na mararanasan ng mga Kristiyanong nasa langit ay tila kapareho rin ng moksha o Nirvana — ang paglaya ng mga Hindu at Buddhist mula sa pagdurusa at paulit-ulit na pagsilang.

May mga relihiyon namang naniniwala na kapag namatay ang isang tao, titigil na siya sa pag-iral. Walang kaluluwang mapupunta kung saan man. Pero sa katapusan ng mundo — sa Araw ng Paghuhukom — ang mga iniligtas ay muling mabuhuhay at makakasama ng Diyos sa Paraiso.

Interesting ang ganitong paniniwala dahil posibleng isiping walang konsepto ng impyerno o walang hanggang pagdurusa. Ang magiging kabayaran ng kasalanan ay kamatayang wala nang bawian. Di na parurusahan nang walang hanggan ang mga makasalanan, pero di na rin nila mararanasan ang di-matatapos na kaligayahang dulot ng pagiging kapiling ng Diyos. Para bagang dahil bukal ng awa ang Diyos, di niya maatim na hayaang masunog sa di mapupugnaw na apoy ang ilan sa kanyang mga nilalang.

May isa pang paniniwala hinggil sa kabilang buhay — o kawalan nito. Ito yung paniniwalang kapag namatay ang isang tao, katapusan na niya talaga. Wala na siyang malay.  End of the road. Wala nang kaluluwang mapupunta sa langit, maglalagalag, o susunugin sa impyerno. Sa madaling sabi, kapag namatay ang isang tao, forever na rin siyang titigil sa pag-iral.

Itong huling paniniwala, nagiging excuse ng ilan para i-enjoy ang buhay nang walang patumangga at pagsasaalang-alang sa kapwa-tao.

‘Pinaghirapan po namin ito’
Pinag-uusapan namin ni Myla kanina kung paanong nauuso na ngayon ang mga activities na ang objective ay mapangalagaan ang kalusugan. Sa opisina, nababanggit namin lagi ang paggi-gym, pagtakbo (habang umuulan), at mga pagkaing healthy. Isa sigurong factor dito ang pag-atake sa atin ng A(H1N1). Syempre, ayaw nating mabiktima nito.

Para naman sa mga praning na gaya ko, paraan ito upang labanan ang mga sakit na anumang oras ay maaaring biglang tumama — hmm, parang bolang ihinagis, ano? Feeling ko kasi lagi, may kung anong sakit ako na baka nakuha ko pa sa parents ko o sa parents nila, na bigla na lamang bubulaga sa akin. Pero sana naman, wala.

Para magsilbing preventive measure,  at para na rin sa peace of mind ko, knowing na may ginagawa ako to protect my health — gaya ng laging sermon sa akin ng mahal kong mga tiya — nakiuso na rin kami ni Myla sa mga gawaing na-mention ko.

Lumalakad (o tumatakbo) na rin kami sa makinang di naman nagdadala sa amin sa kung saan. Kontra-high blood. “Bordering” ako dati, di ba?

Nangingiwi na rin ako sa pagbubuhat, pagtulak, o paghila ng mga pabigat na bakal para ma-exercise ang mga braso at balikat ko. Medyo mahirap. Pinaghihirapan talaga.

Naalala ko tuloy ang mga artista na nagpo-promote ng pelikula sa TV: “Panoorin po sana ninyo ang movie namin. Napakagandang pelikula po. Pinaghirapan po namin ito.” So kung ang mga taong may magagandang katawan ay magbilad nito — sa magasin man, sa Internet, o sa entablado — puwede rin ba nilang sabihing “Titigan po ninyo ang katawan namin. Asteeg ho, di ba? Pinaghirapan po namin ‘yan!” Na totoo naman.

Siyempre, matutuwa ako kung kumupis ang lumalaki ko nang tiyan at mabalik sa college days ang size ng bewang ng mga pantalon ko. Ayos din kung magkalaman nang konti ang payat kong mga braso. Pero secondary lang yan. Bonus kumbaga. Ang mahalaga, masunod ko ang mga sermon ng aking mga tiya at ng dating company doctor namin: mag-exercise, huwag kumain ng mamantikang pagkain, at iba pa. (Pero sa pagkain ng matatamis, hmmm, puwedeng exempted muna ako rito? Sarap ng doughnut eh!) Ang mahalaga, hindi ako umabot sa dating naranasan ng paborito kong si Ely Buendia.

Sana nga lang, hindi ito maging ningas-kogon.

Makapatid-litid-sa-lalamunang ubo
Makapatid-litid sa lalamunan. Ganyan ang tawag ko sa ubong kumapit sa akin sa nakalipas na mga araw. Nagkaroon pa ng bonus na lagnat.

Hindi, hindi ito A(H1N1). At huwag sanang magbibiro ng ganyan — hindi nakakatawa.

Biyernes, Araw ng Kalayaan. Nagising akong inuubo. Hindi nga ako nakadalo sa Dog Tag Day ng Ako Mismo. Kinabukasan, Sabado. Nakitambay lang ako kina Myla. Pagdating ng hapon, nilagnat ako. Ganoon din nung gabi, hanggang sa kinabukasan. Buti na lang at nawala na rin ang lagnat noong Linggo–salamat sa TLC ng Mahal ko.

Nagpa-check up ako sa Delgado Hospital, at pagkatapos nang may isang oras na pagdiskubre sa Yahoo! Go application sa Sony Ericsson habang naghihintay ng resulta ng blood test, sinabi ng doctor na mukhang viral [infection] lang daw. Niresetahan niya ako ng gamot para sa ubo.

Isang linggo pang kumapit sa akin ang ubo. Grabe, ayoko ng feeling na magigiba ang lalamunan ko sa kakaubo. Parang ano ba, wala nang maibibigay ang baga ko!

Naalala ko tuloy si Tatay Andoy, ang lolo ko. Naawa ako noon sa kanya kapag inuubo siya. Kaya pala may mga weird sounds siyang ginagawa dati, yun pala yung kapag pinipilit niyang pigilan ang pag-ubo.

Meron pang konting pag-iinarte ng lalamunan, pero sana naman ay tuluyan na akong gumaling. Pangako, di na ako maglalakad sa ilalim ng ulan sa Fort Boni (kahit cool at masaya ito), tatapat sa napakalaking electric fan (kahit puwede namang lumipat ng upuan) kapag nasira ulit ang centralized aircon, at magsusuot na ako ng makakapal na damit (at gagamit ng patung-patong na kumot) kapag sobrang malamig ang aircon sa kuwarto. Bibili na rin ako ng kumpletong vitamins at mag-i-exercise lagi.

Dito na muna. Happy New Year, hehe.

Eraserheads Live!: The Final Set
Hindi kami nakapunta sa unang reunion concert ng Eraserheads noong Agosto. Masyado kasing malapit sa payday yung date ng concert. Nakibalita na lang ako noon sa Internet, nagulat nang maputol ito, nag-alala dahil sa nangyari kay Ely Buendia.

Kaya naman ipinangako kong di namin palalagpasin ang part two ng concert. Noong Marso 7, kabilang kami ni Myla sa sandaang libong E-heads fans na naki-jamming sa Mall of Asia concert grounds sa sinasabing huling concert ng pinakamalaking banda sa kasaysayan ng Pilipinas. Dahil medyo may kamahalan ang para sa mga VIP, nagkasya na lang kami sa silver tickets.

Sa jeep papuntang MOA, napansin kong halos lahat yata kaming nakasakay ay papunta sa concert. Nag-Binalot muna kami bago namin hinanap ang venue, at isang oras at kalahati bago ang magsimula, naroon na kami. Mainit at nakatayo ang mga tao, pero okay lang. Excited ang lahat. Halatang inip na ang mga tao. Nang mag-fireworks, akala ko’y bahagi yun ng programa. Pero hindi pala.

Mayamaya pa, pagkatapos ng mga patalastas ng MTV DJs tungkol sa MTV at Smart, ipinalabas sa higanteng monitors ang isang maikling docu tungkol sa Eraserheads. Napataas pa nga ang kamay ko nang ipakita ang Unibersidad ng Pilipinas, at naghiyawan din ang malamang ay mga taga-UP din sa crowd.

“Magasin” ang una nilang kinanta, na sinundan ng iba pang mga sikat nilang awitin kabilang ang  “Huwag Mo Nang Itanong”, “Alkohol”, at “Torpedo”. Napansin ko lang na mas alam ko talaga yung mga Tagalog na kanta ng E-heads.

Halos lahat ata ng mga naroon, sumabay sa pagkanta. Yung mga katabi namin, anlalakas pa ng boses. Sa maniwala kayo’t sa hindi, pati ako nakikanta rin nung bandang huli. Okay lang, wala namang makakarinig.

Sa pagitan ng sets, siguradong di lang nagbibiro ang mga tao, pati na ako, kapag sinasabi naming sana’y walang mangyayaring announcement. Sa awa ng Diyos, wala naman. Nairaos nang maluwalti — at sobrang asteeg — ang ikalawang Eraserheads reunion concert.

Gusto ko yung ikalawang set. Yung nakaupo sila — parang yung nung Agosto 30 raw, ani Karla R., na dumalo sa dalawang reunion concerts at kumuha ng magagandang larawan. Ang galing nung pagkakaayos ng stage, pati ang ilaw at ang kulay ng suot ni Ely. Senti rin ang set na ito, na kinapalooban ng mga kantang gaya ng “Julie Tearjerky”, “Tikman”, “Wishing Wells”, at “Pare Ko”. Pinakagusto ko yung pagkanta ni Ely ng “Kailan”:

<object width="400" height="250" data="http://vimeo.com/moogaloop.swf?clip_id=3935301&server=vimeo.com&show_title=1&show_byline=1&show_portrait=0&color=&fullscreen=1" type="application/x-shockwave-flash"><param name="allowfullscreen" value="true" /><param name="allowscriptaccess" value="always" /><param name="src" value="http://vimeo.com/moogaloop.swf?clip_id=3935301&server=vimeo.com&show_title=1&show_byline=1&show_portrait=0&color=&fullscreen=1" /></object>

Kailan from Smart Buddy on Vimeo.

Sabi nga ni Pam Pastor ng Inquirer, napaka-intimate ng dating ng bahaging ito. Sang-ayon ako roon. Aliw nga nang humirit si Ely na kung may requests daw, ibigay lang sa waiter. Sabagay, sa buong concert, habang tumatagal, nabuo yung feeling na close kaming lahat: kami at ang banda, at kami at ang iba pang mga manonood.

Dapat yata, hanggang dalawang set lang ang concert. Pero syempre, di puwedeng ganoon lang. Kaya naman bumalik sa entablado ang Eraserheads. At sa wakas, kinanta nila ang hinihintay ko: “Minsan”, na sumundo sa alaala ng unang taon ko sa UP.  Bago magtapos, nagpugay sila, kasabay at kasama ang sandaaang libo, sa makabayang hari ng Pinoy Rap, si Francis Magalona. Sinundan ito ng akala namin ay siya nang Huling El Bimbo sa gabing ito.

<object type="application/x-shockwave-flash" width="250" height="188" data="http://www.flickr.com/apps/video/stewart.swf?v=71075" classid="clsid:D27CDB6E-AE6D-11cf-96B8-444553540000"><param name="flashvars" value="intl_lang=en-us&photo_secret=db1dbf9bc1&photo_id=3463167880&flickr_show_info_box=true"></param><param name="movie" value="http://www.flickr.com/apps/video/stewart.swf?v=71075"></param><param name="bgcolor" value="#000000"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><embed type="application/x-shockwave-flash" src="http://www.flickr.com/apps/video/stewart.swf?v=71075" bgcolor="#000000" allowfullscreen="true" flashvars="intl_lang=en-us&photo_secret=db1dbf9bc1&photo_id=3463167880&flickr_show_info_box=true" height="188" width="250"></embed></object>

Pero siguradong alam nina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro na sobrang na-miss sila ng mga tao. At marahil, na-miss din nila tayo. Kaya naman nang nagsisilabasan na ang mga tao, nagulat ang lahat nang biglang may magsalita sa mic — bitin pa raw sila. At natuloy ang “Ligaya” sa gabing sana’y di na nagwakas, kahit pa mag-”Sembreak” na sina Toyang.

Nang kantahin nila yung “Walang Nagbago”, sa may bandang simula ng concert, humirit ako sa Twitter ng “Walang nagbago. Sana nga.” Pero sa “Julie Tearjerky”, sabi naman nila’y “Nothing stays the same…” Sabagay, tayo pa rin naman yung dating tayo, pero di na gaya nang dati.

Sobrang masaya yung concert. Sa tunog ng musika ng Eraserheads, nakapag-senti tayo nang hindi sinasakal ng mga alaala. Sumilip tayo sa kahapon, ngunit gising sa mga realidad ng kasalukuyan.

Kaya nga pagkatapos ng concert, pagkatapos magtiyaga nang ilang minuto sa pila sa tindahan ng souvenir items, nagpasya kaming umalis na lang nang sa dami ng tao’y di na kami maasikaso ng nagbebenta. Nagpadala na lang kami sa agos ng mga tao palabas, at in-enjoy ang late dinner bago kami kontentong umuwi.

Trapik, nakaka-bad trip
Di gumagalaw ang mga sasakyan sa EDSA.

Kapag umaga — lalo na kung Lunes — nagiging isang napakahabang parking lot ang EDSA. Paano ba naman, di na halos gumagalaw ang mga sasakyan!

Kanina, binalak kong ituluy-tuloy na hanggang Ayala ang biyahe ng sinakyan naming provincial bus. Pero hindi ko ito kinaya dahil baka uwian na bago ako makarating sa Ayala. Wala akong choice–bumaba ako sa bus at naglakad papuntang Santolan MRT station.

Buti na lang at medyo maluwag na sa MRT kanina. Kadalasan, tulakan at balyahan ang aabutin mo pagkatapos pumila nang napakatagal papasok sa station.

Naaalala ko pa yung panahong gumagalaw pa ang mga sasakyan sa EDSA. Noon, may mga bus pang pwedeng dumaan sa mga underpass. Sa kasamaang palad, nagbago ang kalakaran. Ayaw na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na makasabay ng mga kotse ang mga bus sa underpass. Dahil dito, nagsisiksikan ang mga bus — na ang ilang segundo dapat na pagbaba at pagsakay ay ginagawang ilang minuto — at di gumagalaw ang trapiko.

Tuloy, ang middle class at masang di makabili ng kotse, nagsisiksikan sa MRT. Kung ayaw nila ng limang oras na biyahe sa EDSA, nakikipagbalyahan na lang sila sa MRT.

Ang mga may kotse, nahihirapan din naman sa trapik, di nga lang sintindi ng mga nasa bus at MRT.

Salamat sa MMDA.

Sabagay, ano ba naman ang aasahan mo mula sa isang ahensiyang bawal magpapasok ng mga mamamayang nakatsinelas, o sa opisinang ang mga tao ay nagsasaboy ng gaas sa mga pobreng illegal vendors?