Nanay Diding, 89

Noong Nobyembre 22, 2016, tuluyan nang lumisan si Nanay Diding.

Nang hagkan ko si Nanay Diding bago ako umalis pa-Maynila noong Oktubre, dumampi rin ang pangambang maaaring iyon na ang huli kong pagpapaalam sa kaniya. Sa kabila nito, nanaig ang aking pag-asang lalakas pa si Nanay at muli pa kaming magkikita.

Subalit dahil sa kaniyang edad at sakit, ilang panahon na ring mahina si Nanay. Noong Nobyembre 22, 2016, tuluyan na siyang lumisan. Sa pagpanaw ni Nanay, naging ulilang lubos na ako, na panganay niyang apo.

Continue reading “Nanay Diding, 89”

#KiligMoments: Iba’t ibang mukha ng pag-ibig

Isang araw bago mag-Valentine’s Day, niyaya ng YouScoop ang mga magsing-irog na magbahagi sa Twitter ng mga paborito nilang couple photos gamit ang hashtag na #KiligMoments. Narito ang mga larawan ng ilan sa mga tumugon sa panawagan.

Kapag tinamaan ka na raw ng sibat ni Kupido, maging sino ka ma’y lulukuban ka na ng misteryong tinatawag na pag-ibig.

Isang araw bago mag-Valentine’s Day, niyaya ng YouScoop — ang citizen journalism arm ng GMA News — ang mga magsing-irog na magbahagi sa Twitter ng mga paborito nilang couple photos gamit ang hashtag na #KiligMoments.

Narito ang mga larawan ng ilan sa mga tumugon sa panawagan. Tunghayan ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig.

Continue reading “#KiligMoments: Iba’t ibang mukha ng pag-ibig”

Hello, world!

Parang unang post, ‘di ba?

Hindi na ako magkukunwaring back-to-blogging post ito. Baka kasi sa isang buwan na naman masundan ang post na ito. Napadaan lang ako dahil nitong mga nakalipas na araw ay may mga pagkakataong naiisip itong blog ko, ang Tinig.com, ang iba pang mga gawain ko noon online.

Naaalala ko ang mga dating mambabasa, ang mga naging cyberfriends, at ang masayang pamayanan ng blogging bago mapuno ng Google Adsense ang ating mga pahina at kunin ng Facebook at Twitter ang malaking bahagi ng mga araw natin.

Naaalala ko ang blogging noong panahong ito’y parang personal journal na talaan ng mga nangyari sa nagdaang mga araw kung saan nahuhulma’t ginagawang mga salita ang mga mapagpalayang buntung-hininga.

Continue reading “Hello, world!”

Unang buwan ng 2012

Enero 2012Parang kakasimula pa lang ng taon, pero patapos na ang unang buwan ng 2012. Parang naghahabulan lamang ang mga araw, at habang patuloy ang mga ito sa pagtakbo, minabuti kong balikan at itala ang aking Enero.

Siyempre, ang maraming oras ng bawat weekdays ko ay ginugol sa trabaho. Ganado at masaya pa rin ako sa Yahoo! sa kabila ng maraming pagbabago gaya ng pagkakaroon namin ng bagong CEO at pag-alis ng aming co-founder na si Jerry Yang.

Ang oras na natitira mula sa pagtatrabaho ay ginugol namin ni Myla sa pagkukuwentuhan, pagbibiyahe, pagbabasa, at pagkain. May ilang biyahe kaming binabalak ngayong taon. Kung may panahon nga lang, puwede na kaming makagawa ng travel and food blog. Pareho rin kaming nangongolekta ng digital copies ng mga gusto naming magazines.

Continue reading “Unang buwan ng 2012”