Bakasyon

Kahit nakakapagod, masaya ako’t nakauwi’t nakapagbakasyon ako sa Marinduque nitong nakalipas na Semana Santa. Bago ito, hindi bababa sa tatlong magkakasunod na Holy Week na ang lumipas na hindi ko nagugol sa amin sa Marinduque dahil sa trabaho ko rito sa Maynila.

Sa pagkakaalala ko, ang huling Semana Santa na ginugol ko sa Marinduque — maliban sa ngayong taon nga — ay noon pang 2002. Umuwi ako kasabay ang mga kaibigan ko sa Peyups.com. Medyo napahiya nga ako dahil parang penitensya ang biyahe. Matapos maghintay nang mahigit kalahating araw yata sa pier, nagmukha kaming mga refugees na may katiting lamang na espasyo sa sinakyan naming bapor. Pagdating sa Marinduque, namalagi kami sa isang isla at nag-overnight doon.

Continue reading “Bakasyon”

Narito na naman ako

Akyat

Halos dalawang linggo rin pala akong hindi nakapag-blog. Umuwi ako sa Marinduque noong isang linggo para makipaglibing kay Tiya Maria, kapatid ng lolo ko.

Nitong nakalipas na weekend, nasa Marinduque na naman ako para naman sa isang istoryang ginagawa namin sa opisina. Kuha nga sa niyugan sa amin ang larawan sa itaas. Umaakyat sa puno ng niyog ang isang batang pinsan ko.

Matapos ang mga biyaheng iyan, balik-lungsod na ako ulit, at sana, balik-blog din.

Our friends' wedding pics

Share ko lang ‘tong pics namin sa wedding nina Sharon at Roel. Ito ‘yung unang buhos ng mga larawan na kaakibat ng kuwento sa Biyaheng Baguio. Salamat kina Alex V (na nawawala sa mga larawan dahil siya ang kumuha ng pics sa kanyang Nokia 7650 at ‘di na sumama sa amin sa Vigan at Baguio dahil may hinabol na trabaho sa Maynila) at Karla (na pagdating sa Cebu ay kaagad ipinadevelop, ini-scan, at ipinadala sa amin ang mga larawan mula sa camera niya). Yung mula sa camera nina Don at Bing ay sa susunod na lang.
Continue reading “Our friends' wedding pics”