Biyaheng Marinduque

Bumibiyahe ako papuntang Marinduque ngayon para sa binyag ng panganay ng pinsan at kaibigan kong itago na lang natin sa pangalang Jay. Ito na rin ang pagkakataon kong dalawin si Nanay bago mag-Pasko dahil ‘di ako makakauwi ngayong taon.

Pero lilinawin ko lang na ‘di ako nagrereklamo na magtatrabaho ako nang Pasko kasi ginusto ko ito. Pinili ko ito. Noong tinanggap ko ang trabahong ito, alam ko ang pinasok ko. Alam kong ang mga sakripisyong ganito, bahagi ng buhay sa media na niyakap ko.

So ‘yun. Dahil sa nitong mga nakalipas na araw ay liveblogging at social media aggregation ang inasikaso ko sa office para sa coverage namin ng Bagyong Ruby, naisip kong i-liveblog din ang biyahe ko. Ia-update ko ang entry na ito hangga’t nakikisama ang baterya at Internet signal ng aking smartphone.

2:19 p.m. Home sweet home! Kuwentuhan muna kami ni Nanay. 🙂

Salamat sa pagbabasa!

1:51 p.m. Tricycle na pa-Ipil. Tama na muna. Baka malaglag ang phone ko kapag nalubak kami. Hehe.

1:44 p.m. Ang simbahan ng Parokya ng Banal na Krus (Holy Cross Parish):

IMG_0565.JPG

12:47 p.m. Now in Sta. Cruz poblacion. May ilang daraanan lang, tapos sasakay na ako sa tricycle papuntang Ipil.

11:51 a.m. Nakasakay na ako sa van papuntang Sta. Cruz. Biyahe na ulit.

11:42 a.m. Nasa Balanacan Port na kami!

Ito ang Our Lady of Biglang Awa, patron ng lalawigan.

IMG_0561-0.JPG

11:29 a.m. Malapit na kami sa Balanacan. Kita na ang mga isla. 🙂

10:07 a.m. Nagsimula na ang biyahe ng ferry!

10:06 a.m. Umaandar na ang makina ng barko. Mukhang aalis na kami.

May taga-Coast Guard na pumasok kanina at nag-video.

10:02 a.m. Ang schedule, 10 a.m. Pero siyempre, Filipino time. Siguro aalis ito pagkatapos ng mga ilang minuto pa.

Natuwa naman ako nang makita kong may seat numbers na. Dati, labo-labo na pagsakay sa barko. Improving, di ‘ba?

Tapos, GMA-7 pa ang palabas sa TV nila. 🙂

9:36 a.m. Nakasakay na ako sa M/V City of Dapitan ng Montenegro Lines. A few minutes ago, tinawag na ang mga pasahero ng fast craft. Binilisan ko ang pagpunta sa barko. Bale pangatlo ako sa mga pasaherong pumasok.

IMG_0559-0.JPG

9:23 a.m. ‘Di naman ako lumipat ng building, pero sobrang bagal na ng Internet connection ko. Mamaya na lang ulit.

9:00 a.m. Isang oras na lang! 🙂

8:50 a.m. Nagkakape.

May nag-on kanina ng TV rito sa terminal. Nanonood ngayon ‘yung mga nagtatrabaho rito at ilang pasahero. Mga eksena sa basketball ang ipinakikita. Tawa nang tawa ang mga nanonood.

Continue reading

Unang buwan ng 2012

Enero 2012Parang kakasimula pa lang ng taon, pero patapos na ang unang buwan ng 2012. Parang naghahabulan lamang ang mga araw, at habang patuloy ang mga ito sa pagtakbo, minabuti kong balikan at itala ang aking Enero.

Siyempre, ang maraming oras ng bawat weekdays ko ay ginugol sa trabaho. Ganado at masaya pa rin ako sa Yahoo! sa kabila ng maraming pagbabago gaya ng pagkakaroon namin ng bagong CEO at pag-alis ng aming co-founder na si Jerry Yang.

Ang oras na natitira mula sa pagtatrabaho ay ginugol namin ni Myla sa pagkukuwentuhan, pagbibiyahe, pagbabasa, at pagkain. May ilang biyahe kaming binabalak ngayong taon. Kung may panahon nga lang, puwede na kaming makagawa ng travel and food blog. Pareho rin kaming nangongolekta ng digital copies ng mga gusto naming magazines.

Continue reading

It's more fun in the Philippines

It's more fun in the Philippines

Pansamantalang nawala ang atensyon ng mga Pilipinong netizen kina Gloria Arroyo, Renato Corona, at Jovito Palparan kahapon matapos ilunsad ng Kagawaran ng Turismo ang bago nating tourism slogan: “It’s more fun in the Philippines.”

Sa unang dinig, di ito kasing simple at catchy ng “WOW Philippines.” Pero kung pakaiisipin, swak na swak ang slogang ito. Di nga ba’t kilala tayo sa pagiging masayahing mga tao? Kahit na nasa gitna ng rebolusyon o trahedya, nagagawa pa rin nating magpatawa at bumungisngis. Sa kabila ng ilang hindi kaaya-ayang bagay sa ating bansa, dahil sa magagandang tanawin at mainit na pagtanggap nating mga Pilipino, nag-i-enjoy ang mga turista sa Pilipinas. At bukod sa 7,107 pulo sa ating bansa, napakarami pang mga dahilang maaari nating ibigay kung bakit “it’s more fun in the Philippines.”

Continue reading

Kariton ng mga pangarap

Noong isang Sabado, naging saksi ako sa katuparan ng isang pangarap. Malaking bagay ito sapagkat ang kaganapan ng pangarap na ito’y kakanlong at magpapayabong sa marami pang mga pangarap.

May tinatapos ako sa Yahoo! nang hapong iyon nang mag-tweet si Andrew, ang makisig at maalalahanin kong pinsan. Papunta raw siya kay Efren Peñaflorida, Jr. sa Cavite. Araw iyon ng pagbubukas ng Kariton Building ng organisasyon ng Pilipinong CNN Hero. Dahil kaladkarin ako nang araw na iyon — at talaga namang bilib sa Dynamic Team Company (DTC) ni Kuya Ef — agad akong sumagot na sasama ako.

DapithaponMahaba-haba ang biyahe namin ni Andrew dahil sa trapik. Itinuloy na lang namin habang kumakain ng libre niyang McDo meal ang mga kuwentuhan at talakayang kadalasa’y sa YM at Twitter lang namin ginagawa. Natawagan pa namin si Tita Mila at nagkumustahan sila.

Natuwa rin kami’t sa daan ay nakalanghap kami ng sariwang hanging probinsya at in-enjoy namin ang tanawin habang kami’y nasa gitna ng papalubog na araw at tabing dagat. Wari’y inalis nito ang pagod sa matagal na biyahe.

Continue reading

E0h p0h!

Gusto ko nang makabalik sa blogging kaya isinulat ko ito habang naka-taxi sa EDSA. Kung maghihintay pa akong maging in the mood para sa isang grand welcome-me-back entry ay baka abutin na naman tayo ng limang buwan.

Kaya para ma-test kung may naliligaw pa rito, tanungin ko muna kayo: sa inyong palagay, paano maso-solve ang problema natin tra sobrang trapik sa Kamaynilaan?

Trapik, nakaka-bad trip

Di gumagalaw ang mga sasakyan sa EDSA.

Di gumagalaw ang mga sasakyan sa EDSA.

Kapag umaga — lalo na kung Lunes — nagiging isang napakahabang parking lot ang EDSA. Paano ba naman, di na halos gumagalaw ang mga sasakyan!

Kanina, binalak kong ituluy-tuloy na hanggang Ayala ang biyahe ng sinakyan naming provincial bus. Pero hindi ko ito kinaya dahil baka uwian na bago ako makarating sa Ayala. Wala akong choice–bumaba ako sa bus at naglakad papuntang Santolan MRT station.

Continue reading

Blogging from home

May mga dalawang oras na mula nang makarating ako rito sa bahay namin sa Marinduque, pagkatapos ng may kalahating araw na biyahe. Umalis ako sa Kamuning around 8am: Jeep -> bus -> tambay sa port kasi naiwan ng barko -> barko -> jeep -> tricycle, at nakarating sa bahay around 8pm.

Nakahiga na si Nanay Diding nang dumating ako. Patulog na yata sila, pero nabulabog sa pagdating ng panganay niyang apo. Nung birthday pa niya earlier this year ako huling nakauwi. After kong ibigay ang mga pasalubong kina Nanay, kumain muna saka kami tumawag sa mga tiya ko sa Germany.

Sa ngayon, nakadapa ako sa banig na nakalatag sa sahig na kawayan ng munti naming bahay. Ayoko sanang magkulambo pero mukhang mapipilitan ako dahil nagpapakitang gilas na ang mga lamok. Tila gusto pa ngang makipag-agawan ng kanilang ugong sa huni ng mga kuliglig sa paligid.

Share ko lang: Dati’y pangarap ko lang siguro na balang araw ay magkakaroon ako ng Internet connection at makakapag-blog habang narito’t padapa-dapa nang ganito. Nagkatotoo rin. Salamat sa Yahoo! at sa Smart Bro! 😀

Continue reading

Bloggers' Kitaan (Singapore Edition) 2

Leonard, Ederic, Alex, Anna, and JR sa Clarke Quay

Leonard, Ederic, Alex, Anna, and JR sa Clarke Quay

Biyernes noon, isang araw bago mag-a-trese. Pagkagaling sa opisina, kumain muna ako, umuwi sa hotel, at pagkatapos ay sumakay na sa MRT papuntang Clarke Quay.

Ito na ang araw na pinakaaabangan ng isang segment ng Pinoy blogosphere sa Singapore (at least lima katao ang part ng segment na yun, hehe) — ang Blogger Friday Riot Night.

Naunang dumating sa kitaan sina JR at Anna. Pagdating ko, naghihintay na sila sa amin. Sabi ko, dahil late kami,mag-date muna sila, hehe. Naglakad-lakad muna kami para maghanap ng makakainan.

Maya-maya, nag-grand entrance na sina Leonard at Alex. Sinalubong sila ng banda (na may tatlo katao na walang dalang instrumento). Nagkasundo na rin sa kakainan. Hooters! Hooters! (Naalala ko tuloy ang paborito kong pelikulang Big Daddy ni Adam Sandler.)

Continue reading

Nung isang linggo…

Sa tradisyon ng sinaunang blogging, noong mas ginagamit itong personal journal (gaya ng ginagawa ni Jon), narito ang mga kuwento ko para sa nakalipas na linggo.

Matapos naming maligaw noong Martes, kinabukasan ay naganap ang malungkot na pangyayari sa kumpanya. Bakit ba laging may mga pamamaalam?

Kinabukasan, binusog ang sarili sa masarap na pagkain sa Pepper Lunch kasama ang isang katrabaho’t kaibigan. Hahanapin ko ang branch nito sa Maynila pag-uwi ko para makakain kami ni Mhay roon.

Continue reading