Chip Tsao, pararangalan ng Palasyo!

Gagawaran daw ng Palasyo ng Presidential Medal of Merit si Chip Tsao, ang Tsinong kolumnistang pinagkakaguluhan ngayon sa Philippine cyberspace.

Ayon sa source, sobrang impressed ang Panggulo kay Tsao dahil sa galing niya sa pagsusulat, lalo na ng satirika. Sa kanyang kolum sa HK Magazine, tinawag ni Tsao ang Pilipinas na “a nation of servants”, na ikinagalit ng mga Pinoy.

Kaugnay nito, binawi na ng Bureau of Immigration ang ban sa kolumnista. Darating sa bansa si Tsao pagkatapos ng Holy Week. Mismong anak ng Panggulo, si Mickey Mac, ang napaulat na sasalubong kay Tsao.

Continue reading