ederic@cyberspace » Bayani

Paghahatid kay Pangulong Cory
Bumuhos ang ulan nang paalis na ako papunta sa Manila Cathedral noong Miyerkoles para sumama sa paghahatid kay Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park. Sa kabila ng malakas na ulan, hindi ako tinanggihan ng driver ng taxing pinara ko. Titiisin daw niya ang baha at trapik dahil papunta ako kay Cory. Hindi kasi siya makakasama dahil sa kanyang pasada. Kumbaga, yun na lang ang sariling sakripisyo at kontribusyon niya.

Pumarada muna kami sa isang Jollibee store para makabili ako ng almusal namin. Doon pa lang, may mga nakita na akong nakadilaw rin. Nang nasa Luneta na kami, nakita ko kasama ng maraming tao, mga bandila, at mga dilaw at lobo ang mga pamilyar na banner ng mga aktibistang grupong sumama sa People Power 2 noong 2001. Doon na lang kako ako maghihintay dahil siguradong may mga kaibigan akong naroon.

Nang bumaba na ako at sumama sa mga tao, agad kong nakita ang mga kaibiga’t kakilala na mula pa sa panahon ng pagsuporta ko sa student movement sa UP. Kabilang sa mga naroon sina Oliver, Lengua, at Nato. Nakita ko rin si Caloy, at maya-maya’y dumating sa may amin sina Sarah at Kabataan Rep. Mong.

Nagmistulang People Power 2 reunion ang paghihintay kay Pangulong Cory sa Rizal Park. Naroon ang mga grupo at personalidad ng EDSA 2. Isa-isang in-acknowledge sa loud speaker ang mga grupong naroon, kabilang ang Bagong Alyansang Makabayan, Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, PCPR, Courage, Alliance of Concerned Teachers, Sanlakas, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Liberal Party, at iba’t ibang Catholic schools.

Ito rin ang mga grupong nanawagan ng pagbabago sa EDSA noong Enero 2001 kasama sina Pangulong Cory, Cardinal Sin, at mga kabataan. Hindi kataka-takang “Tuloy ang Laban” kontra diktadurya at katiwalian ang panawagan nila sa araw ng libing ni Cory.

Sa ilalim ng pabalik-balik na ulan at malakas na hangin, kumanta kami ng Tie a Yellow Ribbon, Bayan Ko, at iba pang awitin para sa dating Pangulo. Umulan ng dilaw na confetti at tuluy-tuloy ang pagcha-chant ng mga tao ng “Cory, Cory!” habang naka-Laban sign. Bumusina ang mga sasakyan, at maraming ring mga nakamotorsiklo at nakabisikletang nakadilaw ang dumaan. Hinawi ng mga pulis ang mga tao para makadaan ang prusisyon, pero walang nagkagalit o nagkasigawan.

Mayamaya’y dumating na ang trak na nagdala sa katawan ni Pangulong Cory Nasa tapat na namin ang kabaong ng lider ng EDSA, napapaligiran ng mga dilaw na bulaklak, tinatakpan ng watawat ng Pilipinas, at tinatanuran ng apat na di-gumagalaw na honor guards. Nakakapandig-balahibo ang muling pag-ulan ng yellow confetti at paglipad ng mga dilaw na lobo habang nagkakaingay ang mga tao. “Salamat sa lahat, Pangulong Cory,” siguradong iyon ang naisip ng marami sa amin.

Sumanib ako sa grupong sumusunod ako sa trak. Lakad-takbo ang mga tao. May pagkakataong naiwan ako’t natapat sa van na kinaroroonan ng pamilya Aquino. Inaabangan sila ng mga taong nagsisigawan at naka-Laban sign pa rin. Marami ring nakahanda ang cellphone o camera. Aninag sa nakasarang bintana ng van ang kumakaway na mga kapatid ni Kris, pati ang asawa niyang si James Yap.

Sa pagpapatuloy ng prusisyon, di naubos ang mga taong nag-aabang para masulyapan sa huling pagkakataon ang biyuda ni Ninoy, ang babaeng nakadilaw na tumugon sa hamong pamunuan ang labang di natapos ng ng kanyang asawa, ang ginang na di natakot na lumaban sa diktaduryang Marcos.

Sa Manila Bay, nagwawala ang mga along nag-unahang tumungo sa pampang. Wari’y nais din nilang sumaludo kay Cory, gaya ng maraming Pilipino.

Sa may Roxas Boulevard, dumaan sa tapat ko ang van na sinasakyan ng ilang mamamahayag. Nakita ako nina Ma’am Malou Mangahas at Tita Valderama ng PCIJ at niyayang sumama sa kanila. Sa loob ng van ko na itinuloy ang pagpapadala text messages sa country editor namin bilang contribution ko sa Twitter updates ng @yseanewsroom.

Natanaw namin si Manila Mayor Alfredo Lim na kasama ng mga taong nag-aabang sa pagdaan ni Cory. Mabagal ang pag-usad ng convoy dahil sa dami ng mga taong naghihintay sa magkabilang panig ng kalsada. Ang iba’y nagsipag-akyatan sa LRT station, at sa may SLEX, sa Skyway, para makakita nang maayos.

Bandang ala-una ng hapon, may nadaanan kaming isang grupo ng mga kababaihang kasapi ng Center for Community Transformation, isa sa mga microfinance groups na tinulungan ni Cory. Ala-sais ng umaga pa raw sila naghihintay roon. May nadaanan din kaming isang nagpakilalang konsehal ng barangay sa Maynila na nakasuot ng lumang Ninoy shirt — hindi yung IAmNinoy ng Bench at Penshoppe — at may dalang campaign stickers nung tumakbo si Pres. Cory at si Doy Laurel sa 1986 snap elections. May 23 taon na ang mga stickers na iyon!

Buhay na buhay ang spirit of People Power noong araw na iyon. Bukod sa taxi driver na di nagreklamo sa kabila ng ulan at trapiko, nasaksihan ko ang pagbibigayan ng pagkain at tubig, pagtulong ng mga karaniwang tao sa pag-ayos ng trapiko, at ang mabuting pakikitungo sa kapwa Pilipino. Sa isang gasoline station, may mga nag-assist sa mga taong gustong mag-CR. Hindi pa pala patay ang bayanihan sa ating bayan.

May mga nagsasabi, lalo na ang Malakanyang, na huwag daw bigyang kulay-pulitika ang libing ni Pangulong Aquino. Ngunit ang dilaw ni Cory ay pulitikal na kulay — naging simbolo ito ng lakas ng bayan sa paglaban sa panunupil at katiwalian, ng paglaban para sa kalayaan. At ang mga tao mismo ang nagpapahayag — kasabay ng pasasalamat at pagluluksa — ng kanilang saloobing pulitikal. May mga nadaraanan kaming nagcha-chant ng “Gloria, Resign!” habang naghihintay sila kay Tita Cory.

Sa biyahe , narinig ko si Ma’am Ellen Tordesillas na kinakausap ang mga taong naghihintay sa daan. Tinatanong niya kung ano ang dapat gawin kay Gloria, at may mga sumagot sa kanya ng malakas na “Gloria, Resign!” May nadaanan din kaming banner ng Akbayan na may nakasulat na “Ipaglaban ang EDSA, Tapusin si Gloria!”

May isang grupo naman ng mga kabataang nag-display ng “Kris for President” na nakasulat sa mga dilaw na papel.

Sa kanyang pinakahuling pahayag sa publiko, ganito ang sabi ni Pangulong Cory:

Nang mapalayas natin ang diktador, hindi ba’t ipinangako nating hindi na tayo papayag na mawala muli ang ating kalayaan? Subalit, narito muli tayo, sa gitna ng walang-hiyang pang-aabuso ng mga makapangyarihang nagnanais na sirain ang mga pinakapayak sa ating mga batas.

Hindi ito ang pamumunong nararapat para sa atin. Hindi ito ang lipunang nais kong ipamana sa mga susunod na henerasyon, kaya sa ngalan nila at ng aking sarili bilang mga mamamayang Pilipino, tumututol ako sa nais ng mga tiwaling miyembro ng kamara na palitan ang ating Saligang-Batas sa pamamagitan ng isang Constituent Assembly. At nananawagan ako sa inyo at sa lahat ng mga Pilipino na magpahayag ng ating pagprotesta rito.

Base sa nakita ko noong libing ni Cory, naniniwala akong diringgin ng mga Pilipino ang kanyang panawagan at itutuloy ang kanyang laban. Sabi ko nga sa Twitter noong isang araw, “Good luck na lang sa mga gusto pa ring mag-con-ass.”

Sa buong biyahe papuntang Manila Memorial Park, walang patid na pagpapahayag ng pagmamahal at pasasalamat kay Cory ang aming nasaksihan mula sa napakaraming tao, mula sa maliliit na batang karga-karga pa ng mga magulang, hanggang sa matatandang kailangan nang alalayan.

Bilang pasasalamat, patuloy na dumungaw at kumaway ang mga anak at apo ni Cory, kabilang si Baby James, sa mga tao. Nakunan ko si Jiggy Cruz na nagpapasalamat sa mga tao nang mapatapat ang sasakyan nila sa amin.

Bago dumating sa may Sucat, nakita naming sumama sina Noynoy at Bambam Aquino sa maraming mga taong naglalakad. Dahil sa dami ng mga taong nag-aabang, matagal bago nakapasok ang convoy sa Manila Memorial Park. Mag-a-alas-otso na nang makarating kami sa loob.

Nasaksihan namin ang military honors na iginawad sa kanya. Kasama ng pamilya Aquino sa huling pagsulyap kay Tita Cory si Jose Ramos-Horta, Pangulo ng Timor Leste, na gaya rin ng ating dating pangulo ay nagsulong din kalayaan sa kanyang bayan.

Nang gabing iyon, nasaksihan ng mundo ang pamamaalam ng Pilipinas sa isang minamahal na lider.

Mga dilaw na laso para kay Tita Cory
Sa kanyang paglisan, ihinatid natin si Pangulong Corazon Aquino  sa pamamagitan ng mga dilaw na laso . Noong Agosto 1983, yellow ribbons din ang ipinansalubong ng mga Pilipino sa kanyang asawang si Ninoy.

Pinangunahan ni Salvador Laurel — na pagkatapos pagsapit ng 1986 ay magiging vice-president ni Cory — ang pagsalubong kay Ninoy. “Tie a Yellow Ribbon ‘Round the Ole Oak Tree” ang naging theme song ihinandang welcome, ayon kay  Angela Stuart-Santiago, may-akda ng EDSA: The Original People Power Revolution.

Nagtali ang mga tagasuporta ni Ninoy ng yellow ribbons sa airport, sa mga poste at puno sa gilid ng kalsada para makita ni Ninoy kung gaano kasaya ang mga Pilipino sa kanyang pagbabalik. “It was sad that Ninoy never saw those ribbons,” ani Stuart-Santiago said. Pinatay si Ninoy pagbaba niya sa eroplano.

Ginamit ni Cory ang dilaw bilang kulay ng pagsalungat. Ito na rin ang naging kulay ng kanyang presidential campaign at ng unang EDSA Revolution na nagpabagsak sa diktaturang Marcos.

Nang mapabalita noong isang linggo ang paglala ng kalagayan ni Pangulong Cory, nanawagan sa mga tao ang kanyang mga kaibigan na magtali ng dilaw na laso bilang tanda ng suporta at pagmamahal sa democracy icon. Kumalat ang text message na ito: “Rekindle the flame of democracy that Cory began. Believe that the Filipino is worth dying for. Tie a yellow ribbon today: Cory hindi ka nag-iisa!”

Maging sa Internet ay kumalat ang yellow ribbon. Sa kanyang blog, isinulat ni Stuart-Santiago na nauna nang nanawagan si Reyna Elena sa mga kapwa bloggers na mag-post ng yellow ribbons sa kanilang blogs para kay Cory.

“I might not agree with some of the things that she has done but that is beside the point. My respect is unconditional and I will thank this great woman for the biggest and most valuable gift that she has given us Filipinos — giving back our freedom and liberty,” ani Reyna Elena. Dinala rin ng kanyang group blog na Barrio Siete ang panawagan.

Bukod sa blogs, kumalat din sa social networks ang yellow ribbon. Sa mga Facebook friends ko, si Jonas Bagas ang una kong napansing naglagay ng yellow ribbon. Ang official website ni Tita Cory, nag-upload na rin ng yellow ribbon file na pwedeng gamitin sa social networks.

Samantala, noong July 28, nagtanong si Edwin Soriano kung paano madaling makapaglalagay ng yellow ribbon sa kanilang picture sa Twitter ang mga Pinoy. Ipinost din niya ang link papuntang Twibbon.com. Tiningnan ko ang site atsaka ini-upload ang file ng yellow ribbon image galing sa WikiPedia para masimulan ang “Yellow Ribbon for Pres. Cory” campaign.

Hatid ng mga panalangin at mga dilaw na laso, noong Sabado, unang araw ng Agosto ay pumanaw ang dating Pangulo.

Sa gitna ng pagdadalamhati sa kanyang paglisan, lalong kumalat ang mga dilaw na laso para kay Pangulong Cory. Sa World Wide Web, ang mastheads at logos ng mga websites ay nagkaroon ng yellow ribbons. Lalong dumami ang gumamit ng mga dilaw na laso o larawan ng dating Pangulo bilang main profile picture sa Facebook. Libu-libo ang sumali sa kanyang Friendster fan page.

Libu-libo naman ang sumali sa Yellow Ribbon for Pres. Cory. Na-feature din ito sa telebisyon:

This page requires a higher version browser
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Habang sinusulat ito, makikita pa rin sa mga lansangan ang yellow ribbons na tanda ng pagmamahal at pasasalamat natin sa kahangahangang babaeng namuno sa laban para sa pagbabalik ng demokrasya. Samantala, ang Twibbon campaign sa Twitter para sa kanya ay sinusuportahan na ng mahigit 16,000 tweeple.

Noon at ngayon, ang dilaw na laso para kina Ninoy at Cory ay bahagi ng ating kasaysayan — at patuloy pa ring gumagawa ng kasaysayan.

Mga pamana ni Pangulong Cory Aquino
Pangulong Corazon Aquino (© AP / Yahoo!)

Kagabi, in-overtake ang sinasakyan kong taxi ng mga motorsiklong may wang-wang. Kasunod nila’y ilang magagarang kotseng may wang-wang din. Napilitan pang huminto ang isang  bus para bigyan sila ng daan. Malamang ay may sakay na VIP — posibleng opisyal ng gobyerno.

Naalala ko si Pangulong Cory Aquino. Marahil ay hindi niya magugustuhan ang ganoon. Nang papunta siya sa Club Filipino noong 1986 para manumpa bilang bagong pangulo, ang kanyang sasakya’y “maingat na tumitigil sa bawat pulang ilaw kahit halos walang trapiko,” ayon sa aklat na “Walang Himala” ni Angela Stuart-Santiago.  Pagkatapos ng seremonya ng paglilipat ng pagkapangulo kay Gen. Fidel Ramos noong 1992, tinanggihan ni Tita Cory ang presidential car na dapat sana’y maghahatid sa kanya sa bahay. Ganyan sana ang mga lider natin ngayon.

Dahil sa paglala kanyang kalagayan, gaya ng maraming Pilipino’y lagi ko ring naiisip ang dating pangulo nitong mga nakalipas na araw. At kaninang umaga, balita ng pagpanaw niya ang gumising sa akin. Umuwi na si Pangulong Cory, at siguro’y dilaw rin ang nangingibabaw na kulay sa lugar na kanyang pinatunguhan at masaya siyang sinalubong ng kanyang asawang si Ninoy. Nakakaharap na niya ang Lumikhang naging bukal ng kanyang lakas at pananampalataya.

Kapag pinag-uusapan namin ni Nanay Diding si Pangulong Cory, ang sinasabi ng lola ko — na gaya ng dating pangulo ay napakamadasalin at ipinauubaya ang lahat sa Panginoong Diyos — ay parang ganito: “Sino bagang lalaki ang matapang na humarap noon kay Marcos?”

Sino nga ba? Di nga ba’t si Tita Cory ang nagtuloy sa laban ng kanyang asawa? Sinamahan at pinangunahan niya ang sambayanang Pilipino pakikibaka laban sa panunupil ng diktador at sa pagbawi sa ating kalayaan. At siya’y naging unang babaeng pangulo ng Pilipinas at nakilala sa buong mundo bilang simbolo ng demokrasya.

Nang siya’y maging pangulo, bagong pag-asa ang dala ng biyuda ni Ninoy. Ibinalik niya ang mga institusyong ginahasa’t winasak ng Batas Militar at pinangunahan ang pagbuo ng bagong konstitusyong nagbibigay sa proteksyon sa mga karapatan ng mamamayan, kabilang ang malayang pagpapahayag at pamamahayag.

May mga desisyon siya bilang lider na para sa akin ay hindi tama, ngunit ang mga ito’y bunga ng kanyang katauhan at pinagmulan. Naniniwala akong tapat sa loob ang paglilingkod ni Pangulong Cory at di niya inilagay ang sariling interes sa ibabaw ng kapakanan ng bayan. Para sa marami sa atin, ang katapatan ng kanyang loob at matuwid na pamamahala ay mas matimbang kaysa sa ilang mga kamalian.

Kahit tapos na ang kanyang panunungkulan, kapag nanganganib ang demokrasya’y matapang niyang ipinaaalala ang kahalagahan nito. Sa mga panahong lugmok ang moralidad ng pamunuan ng bansa, si Tita Cory ay isa sa mga naging inspirasyon ng sambayanang sumisigaw ng pagbabago.

Habang nakikipaglaban siya sa kanser, naramdaman niya ang suporta niya sa kanya ng mga Pilipino. At sa mga panayam sa mga ordinaryong taong nakasalamuha niya sa mga taon ng kanyang buhay, nakita natin ang isang Kristiyanong marubdob ang pagmamahal sa kapwa.

Sa paglisan ni Pangulong Cory, pag-ibig, pananampalataya, at pag-asa ang iniiwan niya sa atin.

Sa pagpanaw ng simbolo ng demokrasya, muling napupukaw ang mga alaala ng isang maningning na yugto ng ating kasaysayan nang tayo’y nagkaisang bawiin ang ating kalayaan at maghangad ng bagong Pilipinas. Nawa, ang kanyang mga pamana’t alaala’y magpahigpit sa ating paghawak sa kanyang sinasagisag at mga hangarin.

Wika nga ng kanyang apong si Jiggy, “My Lola believed in the Filipino people. She fought for democracy, it’s up to us to preserve it.”

Sapagkat sa isang demokratikong lipunan, malaya nating mairereklamo ang mga umaabusong sakay ng mga sasakyang may wang-wang.

Francis Magalona, 44
Francis Magalona (Photo from Wikipedia)

Nang pumanaw si Francis Magalona noong March 6, gaya ng marami ay nagulat at nalungkot ako. Ang inaasahan ko’y mababalitaan na lang nating magaling na siya at naghahanda nang lumabas sa ospital.

Ngunit iba ang nangyari.

Pero sa gitna ng pagluluksa ng bansa, lalo namang nangibabaw ang impluwensiya ni Francis M sa henerasyong ito.

Binaha ng comments ang kanyang blog at napakarami ng nag-search ng pangalan niya sa Web.

Kahit saan ka pumunta, maririnig ang kanyang mga awitin, lalo na ang Kaleidoscope World — sandaang libo ang nakikanta nito sa pinakahuling concert ng Eraserheads.

Sa mga mensahe ng kanyang mga kaibigan at tagahanga, mababasa ang pasasalamat sa inspirasyong ibinigay niya. Napanood ko rin sa Eat Bulaga kung paanong may mga kabataang dati’y walang magawa, ngunit nagkaroon ng direksyon ang buhay mula nang matagpuan ang kanyang uri ng musika — ang rap.

Kung tutuusin halos naging credo ng isang henerasyon ang kanyang “Mga Kababayan Ko”, na tuwirang sumalunga sa nangingibabaw sa kaisipang kolonyal at nagpahayag ng paniniwala sa kakayahan ng mga Pilipino.

Pagmamahal sa bayan at pagka-Pilipino rin ang tema ng iba pa niyang rap pieces: “Three Stars And A Sun”, “Man from Manila”, at “Tayo’y Mga Pinoy”.

Francis M at ang cover ng '1896: Ang Pagsilang'

Sa kanyang mga awitin, ang paborito ko’y ang “1-800 Ninety Six”, na kontribusyon niya sa album na “1896: Ang Pagsilang”.

Nilikha ang album bilang bahagi ng pagdiriwang ng sentenaryo ng Himagsikang Pilipino. (Kung tama ang pagkakaalala ko, nakuha ko ang CD ko nito sa Greenwich sa Ever Commonwealth — libre o discounted ata kasama ang isang pizza meal).

Sa “1-800 Ninety Six”, sinuma ni Francis M ang karanasan natin sa tatlong dayuhang mananakop at idinaing ang patuloy na pagiging mailap ng tunay na kalayaan.

Sa “Kabataan Para sa Kinabukasan”, ang panawagan niya’y kapayapaan, kalikasan, kabataan, at  “maging tunay na bayani”.

Pinakahinahangaan ko si Francis M sa pagsusuot ng kanyang pagkamakabayan. Unti-unti nang pinatataob ng kanyang FrancisM Clothing Company at ng sagisag nitong 3 Stars & a Sun ang imported mentality na dati’y gumagabay sa mga Pinoy sa pagpili ng mga damit na susuutin.

Naging matibay siya sa kanyang pakikipaglaban sa leukemia. Sa pagitan ng gamutan ay nagtrabaho pa siya’t patuloy na nagbigay-inspirasyon sa kanyang mga tagahanga. Ang tatag ng loob na ipinakita niya ay ipinakita rin kanyang pamilya sa kabila ng kanyang pagpanaw. Lumisan si Francis M., ngunit di siya natalo sa laban.

May pagpupugay kay Francis M ang Tinig.com: Tribute to Francis Magalona.

May malawak na koleksyon naman si Tonyo Cruz ng Francis Magalona links.

Share ko lang ang lyrics ng “1-800 Ninety Six” na kinopya ko sa album CD jacket ng “1896: Ang Pagsilang”:

1-800 Ninety Six

(Francis M)

Sumaludo sa harap ng bandila

Kastila ka bang umaalipin sa alila

Sinakop ng puti ang mga kayumanggi

Pinagnanakaw ang lahi at sila’y naghari

Hanggang ngayon pa rin sila pa rin ang nakaupo

Ilang daang taon mula noon, nakagapos

Ang ating mga kamay, nakapiring ang mga mata

Dila’y pinuputol pag ika’y nagsasalita

Tulad ni Rizal na panulat ang pinairal

Si Andres ay pinatay ng kanyang mga kakulay

Yo hablo espanyol,

Si senyor, Conio

Ako po ay isang mestisong indio po

You are a friend of Uncle Sam,

Yo my man I am

I don’t speak Tagalog but I try to understand

Pilipino ka ba, Bansai, Shinjimai

Dorobo kedo moto oto kumai

Dugong inialay para sa bayan

Sayang naman ang kanilang pinaglabanan

Dugo’y bumaha at naging pataba

Bulok na bunga, tumulo ang luha

Perlas ng Silanganan ung tawagin ang ‘Pinas

Sinilang sa Silangan ang angkan ni Malakas

Anak ni Bathala at ako’y nababahala

‘Di ako naniniwala na ako ay malaya

Akala ko ba Philippines 2000

Pero bakit ganoon parang walang patutunguhan

Kung buhay lamang ang ating mga bayani

Alam kong sila ang unang-unang magsasabi na

Kahit kailan man bayan muna bago sarili

Sa pagnanakaw ang nakaupo’y nawiwili

Kapuna-puna ang mga anomalya

Ang kakapal nila mga walanghiya

Barong Tagalog pa ang suot ng mga gago

‘Pag nag-Tagalog, baku-bako anlabo

Ilan sa liderato dapat sa krus ipako

Alam ba ninyo kung sino ang mga tinutukoy ko?

Parke ni Bonifacio
Lagi naming nadaraanan ang monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Balintawak kapag pabalik kami sa Maynila galing Pampanga. Ngunit di gaya ng bantayog ng ibang mga bayani — gaya ng kay Gat Jose Rizal sa Luneta, halimbawa — o ng mas malaking Bonifacio monument sa Grace Park, Kalookan, ang nasa may Balintawak ay parang hitsurang napabayaan. O pinabayaan.

Hindi nililinis ang paligid. Luma ang mga watawat. Parang monumento limot na bayani. At tinatambayan ng mga walang matirhan sa lunsod. Sa unang tingin, parang kawawa ang monumento. Pero kung pakaiisipin, di nga ba’t sa kanyang buhay, ang kasama ni Bonifacio ay ang masa? Di ba’t ayos lang na ang kanyang bantayog ay maging pahingahan at kanlungan ng mga kinakawawa ng lipunan?

Ano sa palagay ninyo? Ang ganitong kalagayan ba ng munting parke ni Bonifacio sa Balintawak ay pambabastos o pagbibigay-pugay sa kanyang alaala?

Mga bayani at mga nagpapakabayani
Marahil dahil katatapos lang nating gunitain ng Araw ni Senador Ninoy Aquino at ng Araw ng mga Bayani, tungkol sa mga bayani ang bagong article ng guro kong si Prof. Luis Teodoro — na kakapagdiwang lang ng kanyang kaarawan. Ganito ang bahagi ng isinulat niya:

Heroes all in the public mind and eye, what Rizal, Luna, Bonifacio, and Aquino seem to have had in common was how far they were from the perfection people assume heroes to be.

But there’s another sense in which they seemed to have been so much like the rest of us, and it’s in their having shared the same impatience, anger and outrage over injustice and misery many people do experience.

At dagdag pa niya, na sinasang-ayunan ko rin:

What made them different, however, was that they did something about it, and they did so despite the peril to life, liberty and fortune that writing a book, organizing a revolutionary organization, taking up the gun and leading men in battle, and even the simple act of coming home offered.

Apparently that’s much more than what most people are prepared to do, however. In the Philippine age of apathy, so few are prepared to risk much less than life, liberty or fortune to contribute their warm bodies to a demonstration or to even write a letter to the newspapers, outraged as they may be over high prices, poverty, corruption, injustice, and putrid governance.

Sobrang totoo iyan. Gaya nito:  ‘I wanna go out! Stupid rally.’

Di na nga yata uso ang mga bayani sa panahon natin. Di nga ba’t kapag may mga nagmamagandang-loob na tumulong, pinagtatawanan at tinatawag na “nagpapakabayani”? At kapag may mga taxi na driver na nagsosoli ng mga naiwan ng mga pasahero, sa pagiging kakaiba (oddity) ng pangyayari ay nagiging news item ito?

Sa kabilang banda, may natitira pa ring Bayani — yung nakikita nating ang mga tauhan ay nanghaharibo ng mga nagpipilit magpakabuhay na mararalitang taga-lungsod sa kalsada, may mala-Big Brother posters sa EDSA, at kumakanta nang may ka-duet sa telebisyon. Balita ko, gustong maging pangulo ng Bayaning ito.

Sa araw ni Ninoy
Sa araw ni Ninoy, nauubusan ako ng mga salita. Buwan pa naman ng pambansang wika. Pagod lang siguro ako sa mga balita. Giyera at bagyo. Paulit-ulit.

Sa trabaho, kinakailangan kong balikan ang mga pangyayari sa Mindanao sa nakalipas na taon. At t nakita kong paulit-ulit lang. Away-bati ang GRP at MILF. Walang hanggang traiduran.

Samantala, sa may may Ilog Pasig, may nakaluklok pa ring mga maharlikang huwad — tulad din noong kapanahunan ni Senador Benigno Aquino, Jr.

Ito pa rin ba ang bansang pinag-alayan ng buhay ni Ninoy?

Andres Bonifacio bilang unang Pangulo
Hanggang ngayon, hindi pa rin natatapos ang usapin tungkol sa unang pangulo ng Pilipinas.

Itinuturo ng opisyal na kasaysayan–na bunga na kolonyal na edukasyon–na si Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo. Ngunit may mga historyador, gaya nina Dr. Milagros Guerrero, na nagsasabing si Andres Bonifacio ang tunay na unang naluklok sa posisyong iyan na hanggang ngayon ay pinag-aagawan pa rin.

Ang tungkol sa pagiging unang pangulo ni Bonifacio ay isa sa mga isyung tatalakayin sa susunod na labas ng I-Witness. Nasa ibaba ang article mula sa GMANews.tv:

Kilala mo ba si Andres Bonifacio?

Dahil kakaunti lang ang mga sulat, dokumento at kahit litratong iniwan niya, misteryo para rin kung sino talaga ang Ama ng Rebolusyon.

Sa kabila nito, isa ang tiyak: maaring wala na ngang bayani, maliban kay Rizal, ang makatutumbas sa lalim at tindi ng paggunita ng mga Pinoy kay Bonifacio.

Para makasama sa kanyang paghahanap sa natatagong Bonifacio, sinamahan si Howie Severino ni Atty. Gary Bonifacio, apo ni Gat Andres sa kapatid niyang si Procopio at ang unang abogado sa pamilya.

Sa kanya, natuklasan ni Howie na ang pagpatay sa Supremo ng Katipunan ay nagkaroon ng mabigat na epekto sa pamilya na ramdam pa nila kahit ilang henerasyon na ang lumipas.

Ilang Bonifacio na raw ang nagpapalit ng pangalan at marami ang ayaw pa ring lumantad ngayon.

Habang binabagtas nila ang mundo ng kabataan ni Gat Andres, natuklasan ni Howie na ang kinilalang Bayani ng Masa ay marunong mag-Kastila at may mestizang ina, nagtrabaho para sa mga multinational companies, at hindi mahilig maglakad ng nakapaa tulad ng karaniwang imahe niya sa sining.

Pero dumating ang pinakamalaking rebelasyon matapos mabasa ni Howie and ilang piling dokumento at makausap ang ilang nag-aral ng kasaysayan: Si Bonifacio nga ba – at hindi si Emilio Aguinaldo – ang unang pangulo ng Pilipinas?

At totoo kayang ang kinikilalang unang halalan para sa pagka-Presidente ng ating bansa ay may bahid ng pandarayang hindi binabanggit sa mga libro ng kasaysayan?

Ang tunay na buhay ni Gat Andres Bonifacio, ilalantad na ngayong Lunes, Nobyembre 26, sa I-Witness – ang 2007 PMPC Star Award winner para sa Best Documentary Program at Best Documentary Program Hosts. (GMANews.tv)

Cinematography: Egay Navarro

Field director: JJ Villamarin

Field producer: Mavie Almeda

Executive producer: Ella Evangelista

Sigma Rho, itinakwil ni Jovito Salonga
Nagbitiw na kahapon sa Sigma Rho Fraternity si dating Senate President Jovito Salonga dahil sa pagkakadawit ng kapatiran sa pagkamatay ni Cris Anthony Mendez. Ayon kay Salonga, wala raw hazing noong panahon nila. Panoorin ang report ng GMANews.tv sa ibaba.

Sa pahayag ng isang Sigma Rhoan na si Ike Señeres, lumabas ang tunay na kulay ng ilang fraternity at ang sinasabi ni Prof. Luis Teodoro na pagbibigay ng mga fraternity ng “network of support and patronage from fraternity alumni in strategic positions in government, the professions and industry.”

“Hindi na niya kailangan siguro… Hindi na siya pulitiko. Hindi na siya tumatakbo. Hindi na niya kailangan ‘yung tulong ng frat… Sana magbilang siya kung ilang beses siyang tinulungan,” pambabaoy ni Señeres kay Salonga.

Sabi pa niya: “Mali nga siya. Ba’t siya naghusga, hindi naman siya judge.”

This page requires a higher version browser

Labing-anim na taon na mula ngayon, isa si Salonga sa tinatawag na Magnificent 12–ang 12 senador na bomoto para wakasan na ang pananatili ng base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Kasama rin ni Salonga sa grupong iyon sina dating Senador Wigberto Tañada, Teofisto Guingona, Aquilino Pimentel at Joseph Estrada.

Ang iba pang kasama sa Magnificent 12 ay sina Butch Aquino, Sotero Laurel, Victor Ziga, Juan Ponce Enrile, Rene Saguisag, Ernesto Maceda at Orlando Mercado.

Sina Guingona at Pimentel, kasama sina Raul Roco, Loren Legarda, at Sergio Osmeña III naman ay bomoto laban sa US-RP Visiting Forces Agreement noong May 27, 1999.

Ninoy
I cannot in all conscience remain silent while a ruthless dictator rules in my country which has become a garrison state. –Benigno “Ninoy” S. Aquino, Jr.

Ayon sa Asiaweek: “Of all the emotions that coursed through Filipinos in the days after that Aug. 21, 1983 assassination, perhaps the strongest was sadness.”

Sa paggunita natin sa kamatayan ni Ninoy, bayani at martir ng demokrasya, nawa’y maalaala rin natin ang kanyang pagtangging manahimik sa gitna ng unos at ligalig.

Ang larawan ay binago mula sa pabalat ng “Ninoy Aquino Portrait of a Hero” ni Teodoro Benigno. Ang “Bayan Ko” midi file ay kinopya ko mula sa Tribute to Ninoy website.

Related Link: A Mass Requiem in Manila.