Bulate docu

Galing sa GMANews.tv:

Kadiri ang tingin ng karamihan sa mga bulate. Ang popular na paniniwala, sila’y mga peste na kailangang patayin. Ngayong Lunes sa I-Witness matutuklasan ni Howie Severino na ang mga bulateng inaapi, may natatangi palang silbi.

Makikilala ni Howie ang mga taong tila inalay na ang kanilang buhay sa mga bulate. Isa na rito si Tony de Castro na umuwi sa Pilipinas mula Amerika para maipalaganap ang mabuting balitang hatid ng mga bulate. Sa tulong ng milyong-milyong bulate, nabuhay muli ni Tony ang tuyong lupain sa Tanay, Rizal.

Matapos makatanggap ng isang kilong bulate mula kay Tony, si Howie ay dadayo ng Compostela Valley upang mas maunawaan ang silbi ng mga bago niyang alaga. Mula sa Mindanao, isasama si Howie ng isa pang maka-bulateng mama sa SONA ng Pangulo sa Kongreso. Makumbinsi kaya nila ang mga makapangyarihan na bigyang pansin ang mga bulate?

Panoorin sas ika-23 ng Hulyo, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi, ang isa na namang kakaibang dokumentaryo mula kay Howie Severino.

2 thoughts on “Bulate docu”

  1. pinanood ko ito. nakatulugan ko. hehe.. di naman kadiri ang mga bulate eh. grade three pa lang ako, ginagawa ko nang pain ito sa pangingisda ng tilapia. tapos, naging laruan ko ito. paano? kumuha ka ng rock salts (o kahit iodized siguro para mas healthy, hehe) tapos ibudbod mo sa katawan ng bulate. araaaaaykupooo…

  2. ay. no offense meant kay kuya howie. kase docu nya yun. nakatulog ako hindi dahil boring yung docu kundi dahil pagod talaga ako kahapon at antok na antok na… 🙂

Leave a Reply