Brian Gorrell sa News on Q

Ang blog ni Brian Gorrell, The NOT So Talented Mr. Montano?, ang itinampok kanina sa tech segment ng News on Q sa QTV-11.

Si Brian Gorrell ay isang Australyanong nagsasabing ninanakawan siya ng Pilipinong dati niyang boyfriend nang may 70 libong dolyar. Itinanggi naman ni Delfin Justiniano “DJ” Montano ang mga paratang ni Gorrell.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Naging kontrobersyal ang blog ni Gorrell dahil bukod sa kanyang panawagang mabawi ang kanyang “life savings,” puno rin ito ng makakatas na tsismis tungkol sa alta sociedad ng Maynila, particular iyong mga tinatawag na “Gucci Gang.” (Itong Gucci Gang, sa sobrang kasikatan online, ay na-spoof na nga — kaya mayroon na ring blog entries tungkol sa Buchi Gang o Butse Gang).

Alam n’yo naman tayong mga Pilipino, may pagkatsismoso. Basta tsismis at eskandalo, papatok.

Sa report ni tech guy Josh Villanueva ng News on Q, tinalakay ang kalayaan sa pamamahayag at ang pananagutang kaakibat ng kalayaang ito.

Noong kainitan ng cybercontroversy na ito, aminado akong ako man ay medyo nagtaka dahil ‘di agad pinatulan ng mainstream media ang istorya. Aba’y dahil kontrobersiya, tiyak na bebenta ito. Ngunit naliwanagan ako sa isinulat ng guro kong si Prof. Luis Teodoro sa kanyang kolum:

So some sneer, declaring that the newspapers and the networks are too scared to report the Gorrell case with any prominence, and have chosen to keep it in the entertainment pages. But it’s not a matter of being scared, but of the fact that that’s exactly where stories like this belong, and only once, please. In the nitty-gritty, what it’s all about is an Australian who admits to having been swept off his feet by one of those sweet-talking scammers of which Manila has no shortage, who lost his life savings in the process, and who hopes to recover them by shaming the alleged perpetrator and his cohort. This story deserves the front page?

Maaaring sa gaya nating lubog na lubog sa Internet at blogging community, nakakatawag pansin ang istoryang ito — dahil ginagamit ni Gorrell ang teknolohiya para ayon sa kanya’y maghanap ng katarungan. Siguro’y naisip nating malaking istorya ito dahil mataas ang traffic ng kanyang blog at ibina-blog ng iba pang bloggers at pinag-uusapan sa Twitter. Ngunit wika nga ni Sir, isa lamang ito sa mga kuwento ng onsehan kapag ihinanay sa iba pang malalaking istorya gaya ng ZTE scandal at krisis sa presyo ng bigas.

Ang mas malaking istorya sa kontrobersyal na blog ni Gorrell, ayon pa kay Prof. Teodoro, ay kung paanong ang nalubog sa katiwalian ang pag-uulat sa lifestyle section ng mga peryodiko.

“But there’s a real story in the Gorrell to-do, and it’s in how journalism — or what passes for it in the lifestyle pages — is so far gone in corruption and unprofessional conduct, among other reasons because many of the people who’re into it are there not for their skills as journalists but for their claimed connections with the high and mighty,” dagdag pa ng propesor.

Kung tutuusin, ang ganitong bulok na sistema ang siya ring nagbigay-daan sa mga gaya ng isa pang kontroberyal na si Malu Fernandez, na tinatawag na “journalist” ang kanyang sarili.

Anu’t anuman, kung talagang nagkaonsehan, maibalik nawa kay Brian ang kanyang pinag-ipunan.

5 Replies to “Brian Gorrell sa News on Q”

  1. Alam mo, Ederic, there already is censorship because the laws on libel constitute PRIOR restraint as they dictate what we CANNOT write about. And libel laws do NOT say that they only apply to the print media.

    Mas dapat pa nga na i-amend ang Revised Penal Code at tanggalin na lahat ng references sa libel — civil lang dapat yan, hindi criminal.

    Connie’s last blog post..Induced abortion is art?

Leave a Reply