Bomba at SARS

Nang marinig ko ang balita tungkol sa pagsabog sa Davao, hindi na ako nagulat. Parang, e ano’ng bago? Ganoon at ganoon pa rin. Bomba, dose-dosenang mamamatay, mga rebelde’t mga militar, at pangulong Kano, este, tigasin pala.

Pero nakapanlulumo. May bombahan sa Iraq, may bombahan sa Pinas. (Buti kung laging sina Maui at Aubrey ang magbobomba.)

At nakakatakot. Nakakatakot ang balitang may namatay na sa SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) dito sa Pilipinas. Ambata ko pa, ayoko pang madedo! Shit, parang may sipon ako!

13 thoughts on “Bomba at SARS”

  1. sabi nga ng isang kaibigan, mas pipiliin na yata niyang makaharap ang mga abu sayyaf kesa sa madapuan ng SARS virus. at least sa una, me chance ka pa mabuhay. with SARS? meron nga ba?

  2. Huwag mo akong takutin, Eric, at nakakabagnot na ang mga balita dito sa Pilipinas. Hehehe.

    Naalala ko pa, kararating lang dito ng dati kong kaklase mula sa Singapore (sabi niya) at ngayon kalalaman ko lang eh bagong empleyado sa opisina namin. Ewan ko, pero sabi niya wala na siya doon sa bansang iyon nang mangyari ang SARS doon.

    Hihintayin ko pa kung babahangin pa siya sa susunod na mga araw.

    Salamat nga pala sa pagbati mo sa akin sa guestbook.

  3. ngapala, maapektuhan kaya ng SARS ang ukay-ukay business? may bumili pa kaya sa ukay-ukay?
    natanong ko lang… whachathink, hmmm? 🙂

  4. Bing,
    Oo nga. Pag napahuli mo pa ‘yung Abu, may reward ka pa! 😀

    Sheila,
    Tama na… 🙁

    Gio,
    Salamat din sa pagdalaw. Medyo lumayu-layo ka muna sa kanya, heheh.

    Chinito,
    Aba eh hindi pala puwedeng hindi pupunta sa Alabang, eh 😀

    Abel,
    Ako, sana magka-GF muna ulit ako, hehehe. No to ukay-ukay na. baka ma-SARS pa tayo, heheh.

  5. May ubo at sakit ng ulo ako nung Miyerkules. Natulog lang ako maghapon. Pahinga. Meron pa rin ako ubo. Nagsimula nung Martes. KAASAR pag may sakit. Ayoko magka-SARS. Na-aalala ko tuloy yun pelikula tungkol sa Ebola, ano nga ang titulo nun? ahhh…OUTBREAK…yung nagsimula sa unggoy? Saan kaya nagsimula ang SARS?

  6. Dalawa sa aking mga katrabaho sa isang magasin ang nagpaiwan nang isang araw sa Baguio matapos ang aming conference at nag-ukay-ukay roon.

  7. Wala pang SARS sa Pilipinas pero pakiramdam ko, di lalaon at aabot din sa atin yan. Awa ng Diyos at trangkaso lang ang sakit ko ngayon, at dahil mapalad ako at andun ang tita-ninang ko na doktor, di na ako kelangan magpa-ospital at magbayad sa gamot, kaya medyo magaling-galing na ako… nga pala, may nagfoforward ng Shaider article mo sa email. Natanggap ko dati. Wala atang credit sayo eh. Sayang nabura ko kaagad, di ko nakuha kung sinong unang nagpakalat nyan…

  8. Tingin ko rin talagang dadating din yang SARS dito sa Pilipinas pero I think na the officials are doing a good job on trying to prevent it from entering the country for now. Masyado yata silang natakot kaya sobra sila magcheck ng kung anu-ano. Tsk-tsk… may sipon ako ngayon. Nahawa ko sa kapatid ko. Hmph. Tinukso ko pa naman siya na may SARS na siya – ayun, hinawahan ako. =P

  9. no to SARS! oops… maling reaksyon yata yun.

    nakakatakot nga yang SARS, tsktsk…nung una puro joke lang tungkol dun sa “killer pneumonia” eh pero habang tumatagal (at lalong lumalapit sa atin) mas nakakatakot na talaga. hay nako…di naman natin maiiwasan kung naririyan na talaga. OH NOoOooooo…

  10. hello po… salamat sa pagdaan sa aking blog. (Wow. Basta pala Tagalog ang blog mo, nakakahawa ring mag-Tagalog sa comments. Nakakahiya kasing mag-Ingles. :)) Nga pala hindi ko po prof si Mr. Capili. Hindi na s’ya nagtuturo sa UST eh. Nahawa lang ako sa kaibigan kong tiga-Varsitarian, na Sir Wendell ang tawag. Kaya ayun. 🙂

    Tama ka, nakakapanlumo nga talaga yung balita du’n sa Davao..lalo na sa tulong ng mga kuha ng PDI. Corny pero naiyak ako nu’ng nabasa ko yung “‘Ma, take me to the hospital;’ ‘Son, there’s no car'” na news… wala lang. Saka yung sa storya ng madreng volunteer worker na nasabugan? Galing kasi akong Catholic school. May “soft spot” pa rin ako sa mga madre, weird as that sounds…

    Yung SARS, medyo wala akong pakialam…ang dami kasing nagsasabing wag `yang katakutan. Marami namang masyadong idinuduldol sa mukha mong dapat kang manginig sa takot. Ewan ko ba. Pero totoong may SARS na sa Pinas. Sa Makati Med po. Inside information yan. :p Meaning, kumalat sa text. hehe. Basta ako, kung tamaan ka ng SARS, e di tinamaan ka. There must have been a reason.

    Yikes, ang haba ng comment ko. Mas mahaba pa ata sa entry mo ah. Sorry…

Leave a Reply