Narito na ang BIO-DATA!

Karaniwan nang katwiran ng marami na pare-pareho lang ang mga kandidato. Lahat kurakot… lahat may baho!

Kaya nga ang iba, di na raw boboto. O kung boboto man, kahit na lang daw sino. Tutal, meron naman silang magandang palusot—malay naman nilang ganoon pala ang kanilang kandidato.

Pero ngayong 2004…di na puwede ang ganitong palusot!

Dahil sa ika-6 ng ENERO, ipapalabas na ang BIODATA!

KILALANIN AT KILATISIN ang mga tumatakbong Pangulo at Pangalawang Pangulo ng bansa!

Alamin kung paano sila tumanda…
paano nag-aral…
paano yumaman…
at paano nagpalakas ng impluwensiya at kapangyarihan!

Timbangin kung sino ang karapat-dapat bigyan ng inyong boto.

Tuwing Martes pagkatapos ng Saksi, hatid ng inyong mga pinagkakatiwalaang kapuso—Jessica Soho, Mike Enriquez, Arnold Clavio, Mel Tiangco at Vicky Morales—ang mga kuwentong maaaring ngayon n’yo lang malalaman.

Mula sa mga personal na detalye ng kanilang buhay…

…pagpapari na ambisyon ni FPJ…
…pagiging bus driver ng ama ni Ping…
…paglaki sa Iligan, Zamboanga ni GMA…
…pagiging producer ng pelikula ni Roco…
…at ang pagtatago ng dating aktibistang si Bro. Eddie.

…hanggang sa pinakamabibigat na kontrobersiyang ipinukol sa kanila.

Lahat `yan… kakalkalin at tatalakayin sa BIODATA!

Isa na namang Serbisyong Totoo para sa inyo, mga Kapuso.

***

Upang magbigay ng inyong palagay hinggil sa BIODATA, pumunta at
sumali lamang sa http://groups.yahoo.com/group/GMA7biodata.

Manood sana kayo tuwing Martes. Head researcher ako ng show na ito.

4 thoughts on “Narito na ang BIO-DATA!”

  1. please help me.. im currently conducting a thesis about “the influence of the program biodata in choosing the presidentiable for 2004 election” wer can i find the website of biodata? please email me… please,,, tnx

  2. Irerequest ko lang po sana kung pwede makuha ang contact number ni Mr. Eddie Gil. Gusto po kasi namin siya iguest sa programang “TAPATAN” sa
    UNTV 37.
    Maraming salamat po!!!

Leave a Reply