Bikoy.net para sa Bloggers' Choice ng Philippine Blog Awards

Shari, Sarah, Martin, Bikoy, Ederic, at Mong ng Bloggers' Kapihan Crew
Kami ni Bikoy at ilang kasama sa BK Crew

Si Bikoy ng Bikoy.net ang pinili ko para sa Bloggers’ Choice ng Philippine Blog Awards.

Ilang taon na ang nakalilipas, noong di pa ganoon karami ang ang nagba-blog dito sa atin, isa na si Bikoy sa mga bloggers na binabasa ko. Nasa Vicrenzo.com pa siya noon. Pagkatapos ng apat na taon sa UP MassComm, at kahit sobrang abala sa buhay sa law school, nariyan pa rin si Bikoy. Kahit paminsan-minsan lang, patuloy siyang nagkukuwento, nagbabahagi, nanghahamon.

Si Bikoy ay kasamahan ko sa Bloggers’ Kapihan. Nasa kaliwa ang kuha namin (na galing sa blog ni AnitoKid) noong unang BK sa Pisay.

Bukas, Setyembre 20, Sabado, 11:20 p.m. (Manila time) pa ang deadline ng botohan. Sana makaboto rin kayo para kay Bikoy.

May pagkakataong manalo ng Nokia N82 ang bawat boboto sa Bloggers’ Choice. Huwag kalimutang ipadala sa PBA ang URL ng inyong blog entry/vote sa gamit ang submission form.

Ang ederic@cyberspace ay nominated sa Bloggers’ Choice at sa Best Blog – Commentary category. Salamat po sa nomination.

Ang PBA ay hatid sa atin ng mga sumusunod na sponsor:

Co-Presentors

Gold Sponsors

Media Partners

Leave a Reply