Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalist–may mga gawain akong di maiwasan gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagay–may isang gawi ako na kahit paano’y maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang malatalumpating pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment:
Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama.
Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ‘ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa.
Mas malupit ang pagtrato natin sa likas na yamang-tubig. Tumingin ka lang sa alinmang ilog–sa Kamaynilaan man o sa mga probinsya–at makikita mong kadalasa’y mga basura mula sa mga tao ang nagsisilbing pampang ng ilog. Sa amin sa Marinduque, may dalawang dekadang literal na ginawang basurahan–tapunan ng dumi mula sa minahan–ang dagat.
Samantala, noong nabubuhay pa siya’y ikinukuwento ng lolo ko ang Ilog Pasig na nilalanguyan niya noong nakarating siya sa Maynila. Pakiramdam ko’y nata-time-space warp ako sa kanyang kuwento. Ibang-iba kasi ang ilog na nasa kuwento niya–malinis at malinaw; ang alam ko ay iyong ilog na naghihingalo’t pilit na isinasalba sa tuluyang pagiging isang malaking pusali.
Paulit-ulit na nating naririnig ang mga ganitong reklamo, ang mga ganitong paalaala: na kung magpapatuloy tayong mamuhay sa ganitong paraan, baka wala nang abutang malinis na tubig at lupa ang mga anak ng ating magiging mga anak.
Hindi lamang ang banta ng basura o polusyon ang panganib na kinakaharap ng ating planeta. Mayroon pang mas malalaking suliranin gaya ng pagkakalbo ng mga kagubatan at pagbabago ng klima (climate change). Ngunit para sa ating mga nakatira sa maliit at papaunlad na bansa, mahalaga ang ambag ng bawat mamamayan sa pagharap kahit sa simpleng problema sa basura lang muna. Malaking bahagi ng ambag na ito ay manggagaling sa kabataan.
Naniniwala akong ang tila napakasimple ngunit mahalagang gawi ng tamang pagtatapon ng basura ay dapat itanim sa isipan ng bawat bata. Kinakailangang gawin itong bahagi ng kanyang araw-araw na buhay–ng kanyang sistema–gaya ng paghinga at pagkain o paglalaro at pagdarasal.
Tila malabo nang maturuan ang marami mga nakatatanda. Para sa kanila, sadyang ang buong paligid ay isang malaking basurahan. Pero may pag-asa pa sa kabataan. Noong maliit pa ako, paulit-ulit na ipinaalaala ng aking mga guro at pamilya ang tamang pagtatapon ng basura. Nadala ko ito hanggang sa paglaki ko, at kahit ngayong nakatira ako na ako sa lungsod. Sinusunod ko ang slogan ng MMDA: “Ang maliit na basura, ibulsa na lang muna.”
Kung ituturo natin sa ating mga nakababatang kapatid, pinsan, kalaro, estudyante, at iba pang mga bata ang ganitong pananaw, malaki ang tsansang ito’y seryosong sundin at kalakhan na nila.
Kung magkakaganoon, malinis na Pilipinas ang iiwan nila sa salinlahing susunod sa kanila. — Ederic Peñaflor Eder, www.ederic.net
Note: Hindi ako makagagawa o makakapagpadala ng mga talumpati sa e-mail ninyo. Mangyaring pumili na lamang kayo ng alinman sa mga nasa Talumpati category ng ederic@cyberspace o mga talumpating nalathala sa Tinig.com.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 16, 2024
Greenpeace PH: no need for nuclear energy
Greenpeace comments on the PH-US nuclear pact and advocates for renewable…
June 9, 2023
Fair-gig at food pop-up para sa Martsa ng Magbubukid
Suporta sa mga magsasaka ang Bagsakan para sa Lupa, Hustisya, at Kapayapaan.
March 2, 2023
PETA Celebrates Pamela Anderson’s Animal Activism
“From the Philippines to her home country of Canada, Pamela Anderson has made…
maraming salamat sayo dahil napakalaking tulong na nabigyan mo ako ng ideya sa pag talakay mo ng basura para makagawa naman ako ng akin at kahit ako napatanong din ako sa sarili kung responsable ba ako sa pagtatapon ng basura at ang masasabi ko lang sa sinulat mo ay ”very good”. 🙂
[…] ang mga sumasali rito na bitbitin ang advocacy na gusto nila, kahit sa pinakasimpleng bagay gaya ng tamang pagtatapon ng basura o pagboto nang tama. Pero kahit napakarami ng concerns na nais dalhin ng mga nakikiisa, may common […]
kua ederic. pwede po ba sent you po ako ng slogans poh, tagalog. nid q lang po sa projct ko. asap po plz. kahit anong kid po
Hi Beverly,
Ok lang, basta ilagay lamang ninyo na nakuha ninyo ito sa http://www.ederic.net.
Salamat,
Ederic
_kng pde lng po hiramin ung talumpati nio po kc needed q lng po sa proj.nmin,,,
_salamat po..
_god bless..
galing!!!!!!!!!
pde po ba pkisend nlang sa email ko? ty po ulit!
Pde po ba mkahingi ng reaksyon tungkol sa mga napapanahong isyu ukol sa populasyon ng Pilipinas? ty po!
ang itim ng leeg ko at ang laki ng tiyan ko pero babae po ako. Masyado po akong tsismosa at inggiterra. May buni din po aq sa puwit.
wala akong masabi kung wala. UN LNG.
just text me here’s my # linisin ko mga ilog jan sa inyo eh!
09108238016.
oo nga mga papancin lang kayo. Sipain ko muka niyo. sa noo. un lang.
che! ang aarte nio. Kulang lang kayo sa tulog. Mag situlog nalang kayo. ok
kung pwde po mkahingi ng talumpati tungkol po sa mga
“KABATAAN NGAYONâ€
..sana po wag msyadong mhaba..pero malaman..kailangan ko po this tuesday march 17 2009….wag nio po kakalimutan…tenx=))
kua ederic!! kung pwde po mkahingi ng talumpati tungkol po sa mga
“KABATAAN NGAYONâ€
..sana po wag msyadong mhaba..pero malaman..kailangan ko po this tuesday march 17 2009….wag nio po kakalimutan…tenx=))
kua ederic!! kung pwde po mkahingi ng talumpati tungkol po sa mga
“KABATAAN NGAYON”
..sana po wag msyadong mhaba..pero malaman..kailangan ko po this tuesday march 17 2009….wag nio po kakalimutan…tenx=))
pde pakopya ng talumpati mo pra sa filip ko nakakatamad gumawa ng sariling talumpati eh .. . lolol
pwede po ba pagawa ako ng Talumpati tungkol sa kalikasan.
kahit maikli lang po. salamat.
pa send na lang po sana sa email ko.
salamat po.
pwede po mkahingi ng talumpati about po sa business?pls po urgent
pwd po bang gamitin ang talumpati ninyo? hindi ko naman po aangkinin…
mayroon lamang po kaming palatutuntunan tungkol sa talumpati…
at maganda po ang talumpati ninyo kaya napili ko..
tanx po.
hi….uhmmm,,
elow po!
pwd po ba hiramin yung
talumpati nyo?
gawin ko lng pong guide
pra mka gawa ako ng
sariling talumpati…
dhl deadline nmin last week
pro hdi akq nka pass
dhl wla akng ma isip………
dhl sa talumpati nyo makakagwa na akq ng
sariling talumpati……
tnxpoh……
ui hramin ko
muna ang talumpati
mo huh?
kelangan lang
para sa project koh…
tnks poh….
hehehe.. ^.^
hello poh galing naman
pwede poh ba gawan din nyinyo ako ng talumpati
sana ung maikli lang kailang ko na sana ngayong friday
sana poh mapagbigyan nyo poh ako
salamat poh
kuya ederic..kahit hindi bukas..january 10 ang pasahan namin ng talumpati tungkol sa global warming. pede po ba kayo magpost dito? kelangan po sariling gawa pero hindi talaga ako marunong gumawa..please po..kelangan ko talaga tong project nato para sa midterm..para pumasa..pls…
pede po ba ako makahingi ng talumpati tungkol sa Global warming?
kailangang kailangan ko na po ngayon..bukas na ang pasahan namin..mportante po talaga ito para di ako bumagsak..maraming salamat po.
pde po buh mka hingi ng talumpati tungkol sa kabataan ngayon? .. i nid it po kasi eh .. sa tues. po .. qng ok lng sau .. enx po alotzz ,,
Hi charmain ang ganda nmn ng friendster mo ngiti nmn diyan!!! hehehe!
Ang ganda ko noh joke lng hehehe!!!
Tnx kung d dhil sa talumpati moh wla aqng mailalagay sa term paper qouh…
pwede pong pahingi ng talumpati tungkol sa mga kabataan at mga magulang…. nid ko lang po sa friday. tnx.,.,.,
AhMM.. pAhinGe poH ng iDea.. tOpiC ko pOh.. iTs sEm-BreAk AgAin.. wAit kOh.. T.Y AsAp pOh… pLz….!♥☻☺♠♣♦•◘○
ALooHa pOh!
Hmmp.. i Love uR toPic-
I need the Ideas fOr mY aRticLe kC..
Im aN EdiTorial WrittEr iN ouR cAmpuS..
LooKinG fOrwaRd fOr Some hOt TopiCs on uR sitE!
hellow ang ganda ng talumpati…nakakanosebleed……galing galing……….
kuya, gagamitin ko ang talumpati mu ha!! kailangan ko kasi. . . . . maraming salamat ha. . . . sori poh ha! kailangan ko tang talaga. . . tinatamad kasi akong gumawa
hi po maganda ang pas kagawa ng talumpati^^
kuya, gamitin ko ung talumpati mo ah> ang cute eh.. hehehe, kailangan lang po sa finals namin ngaun, haha..
pero kasi kailangan sariling gwa namin.. haha! e aun sa katamaran, naghanap sa internet at nakita ko ung sayo.. mukha naman na gawa ko lng eh, haha! kunwari lang. kuya pahiram ah? slamat!
kuya ederic i need bably your help to my talumpati nagagawin namin para sa final namin kakalungkot nga po na wala akong maisip tungkol sa tatalumpatiin ko… sana magawa nyu ako ka-hit anung impormasyon sa nagaganap sa pang arawaraw nating buhay^^…sana po matulongan nyu ako^_^
paki gawa naman po ako ng talumpati tungkol po sa patay o kaya sa hangin?….. o kaya naman sa GATAS (bakit natin kailangan ang gatas) yan po kuya ederic…
nakaka inspire po un talumpati nyu…
Salamat poh!^^
Astigin pong talumpati. Umm, gagamitin ko lang po sya sa klase namin kaya kung pwede po sana mahingi ang author’s name.
bakit po wala pa ung pinagawa ko na talumpati,,,, kay langan ko na po kc…
pEdE pUh bAnG hUmingi ng talumpati … tungkol sa suliranin ng ating gobyerno sa ating bansa!!! pls po .. pkisend nlng po sa email ko.. iyonakoh_17@gmail.com… salamat po.. need badly
napakaganda ng gawa mo… padi ….
ang ganda ng mensahe nito sana
lahat ay may pagkakataong bumasa nito….
kua ederic pwede po bang humingi ng talumpati tungkol sa misyon at bisyon ng isang unibersidad???? pro kaylangan po maipakita iyung pagkakaruon ng christian spirit…. thanx poe aasahan ko po yan…….
kua ederic hiramin ko po ung talumpati u ha??kc po klangan ko po bukas sa exam ko sa Filipino sana maka2long ka pa po sa nangangailangan…eheheh thnks po!!!
galing mo bro..kala ko wala nang kagaya mo sa panahong ito.. Godblsu.
mgaling!…
hindi naman talumpati yahn ah!!!
kahanga hanga poh ang mga talumpati,
na inilalagay dito makatotohanan at
akmang-akma poh sa ating bansa
nakaka2wang isipin na may kagaya nio
poh na gagawa ng ganito,ang laking
pahiwatig poh nito hindi man poh
magustuhan ng mga matatanda ngunit bilang
isang estudyanteng kagaya ko n22wa poh ako
salamat poh!!!
..hihiramin ko lng po ung speech niyo kailangan po kasi sa school para sa prelims..sana ok lang po un sa inyo..na-inspire po kasi ako dun sa message nung speech niyo..salamat po!!
hi poh….hingiin ko po tong talumpati nyo ah…thanks…30% ng exam kc namin to eh…tnx…
yupz. . . sure. . .. thanx agen. . .. maybe i can add u up in my friends list in friendster,, ,, , how old ar u??? sori just asking but its up to u if u dont want. . . . anywayz!!!!! ur very nice!!!!!! ur ‘talumpati was so great i enjoyed reading it towads the end!!!!!! chEeerz.. .. !!!!! ingat!!
hey men i will just borrow ur speech ill use it tomorrow. . .. tenkyu. . . .
galing. . .. . .. . .. yeah
pwd ba humingi ng talumpati tungkol sa mga nangyayari ngaun sa pilipinas cge na pfuh kailngan ko sa thursday hehe ^^ ty
panalo ah…ang galing… kakanosebleed.
elow pow..,,puede pu bng mhiram ng ginawa mung talumpati..,,i urgently nid it lng pu kxe ei..,,kea eun..,,cung okei lng pu seo..,,tenks pow a lot..,,
=j
pare ang galing moh
hingi po sana ako ng talumpati tungkol sa mga patay!! pls.
pede pong humingi ng maikling talumpati…
kailangan lng po…..
kailngan ko na po sa monday…
pls….po
maaari ko po bang gamitin ang inyog talumpati?
kailangan po kasi ay yong hindi namin gawa…ito po kasi ay magsisilbi naming halimbawa…
sana po ay ok lang
@kaila: Tingnan mo yung About page.
what is the whole name of Ederic? , Ederic wat??
pwd po ako humingi ng khit maikling talumpati,cge na po.kailangan na kailangan ko po nagun.ipapas ko na po kc bukas.ung pong d hlatang kinuha ko s internet,sna po maasahan ko po kau..tlgang kailngan ko lng po..slmat po.
Bakit di natin ipatupad ang mga kuwentong naririnig ko tungkol sa bansang Singapore bawal daw ang ngumuya ng buble gum sa public places at mabagsik na parusa sa di tamang pag tapon ng basura. Siguro umpisahan ng gobyerno at susunod ang mga tao.
Lunch break tapos na akong managhali nakaupo ako sa may ilalim ng puno sa may Ayala avenue. Sumindi ako ng isang stick na hope at stork candy. Sa may di kalayuan dalawang magandang chicks ang sumisindi rin at tipong office girl ang dating. Upos na lang aking hope at may kalayuan ng konti ang tamang tapunan di bale nilakad ko at itinurok ang upos sa tamang tapunan.
Pabalik nakita ko ang dalawang magandang chicks walang kiyeme na hinulog ang kanilang upos, inapakan sa semento at umakyat na sila para magtrabaho. Nakapangingilabot na tanawin…!
Nakakalungkot nga isipin na ganoon ang kilos at pananaw ng ibang mga bata ngayon. Pero para sa’kin, mas nakakalungkot isipin na kahit matatanda na ay ganun pa din ang kanilang pananaw. Kung iisipin mas may pananagutan na sila ngayon dahil may gulang na sila at kaya ng mag-isip. Pero magtataka ka dahil bakit nila pinipiling hindi isipin iyon gayong alam naman na nila kung ano ang tama at ang mali? Hindi rin naman tamang isipin hustong paliwanag na ganoon ang kanilang pananaw dahil kinalakhan na nila iyon at iyon na ang itinuturing nilang tama. Matatanda na sila at may kakayahang magmunimuni tungkol sa kung ano ang ikinatama o ikinamali ng isang bagay. Sa palagay ko, may mga tao lamang na pinipili nilang huwag isipin ang bahagi na ito ng kanilang pagkatao. Iyon ang nakakalungkot, sa tingin ko.