Base Militar

Statement of the President on Military Bases (June 2, 2002):

“Our Constitution prohibits foreign military bases in our territory. This is known to all nations.”

Sure, sure. Pero gagalangin ba ng boss mo ang Konsti natin? Kung international law nga, tinatapakan nito masunod lamang ang layaw, e.

Kaya nakakaalarma pa rin itong ulat ng LA Times na inilathala ng Today na nagdala ng bulung-bulungan hinggil sa posibleng pagbabalik ng base militar ng Kano at nagtulak kay Ate Glo na maglabas ng ganyang pahayag:

Pentagon wants to base U.S. ground troops in R.P

By ESTHER SCHRADER Los Angeles Times News Service

WASHINGTON – The Pentagon is planning a broad realignment of troops in Asia that may include moving Marines out of Japan and establishing a network of small bases in countries such as Australia, Singapore and Malaysia, where the United States has never had a permanent military presence, senior administration officials say.

Part of the plan is to seek permission to base ground troops in the Philippines, they said.

Napapa-react tuloy si Ka Satur Ocampo na “$356 million (in US military assistance pledges) is not worth selling our national sovereignty.”

Kaso lang, nabenta na ata. Mai-exempt pa nga ang GIs sa International Criminal Court kung magloko sila rito sa atin. Basahin ninyo ang excuse ni Foreign Affairs secretary Ople.

Ay, hirap ng lideratong wika nga lang ni Mart ay tsinelas ng Kano!

11 thoughts on “Base Militar

  1. Babalik sila rito para tulungan daw tayong sugpuin ang “terorismo” (matagal-tagal na tayong may problema sa depinisyon nila nito).

    ‘Tapos, pag may umatake talaga, magma-MacArthur sila at magsasabi ng “I shall return,” at babalik na lang pag tayo na mismo sa isang malaking himala ng tadhana, o matapos ang isang napakadugong labanan, ang nakatalo sa kalaban.

    Tingnan mo ‘tong henyong si MacArthur. Nang bumalik sa Pilipinas, puro lagalag na lang ang natitirang Hapones sa Pilipinas dahil patay na si Yamashita at bihag na si Homma. ‘Tapos, sasabihin nilang iniligtas nila tayo sa Hapon? Mga ulol sila!

    Hindi ba sabi nila, hindi sila siguradong matutulungan tayo sakaling makalaban natin nang totohanan ang China tungkol sa Spratlys? Kaya bakit pa natin aasahang siguradong ipagtatanggol tayo sa terorismo?

    Ang napakalinaw ay malaking pakinabang sa kanilang strategic interests sa iba’t ibang parte ng mundo ang mga base militar. Diksiyunaryo mismo ng Department of Defense nila ang nagsasabi kung para saan ang base militar: lunsaran ng operasyon o balon ng ayuda sa operasyon. Samakatwid, pag may base militar sila rito sa atin, automatic na sangkot tayo sa giyera nila kahit hindi natin ito sang-ayunan. Y’ong mga atake nila sa Biyetnam, sa Subic at Clark inilunsad.

    Para sa ganyang klaseng “proteksiyon,” kakainin natin muli ang isinuka natin pag nasunod ang plano nina Bush.

    Pag hinayaan nating mangyari ito, baka bumangon sina Mabini sa libingan at sabihing hindi sila Pilipino. Naaalala ko y’ong sinabi ni dating Senador Bobby Ta?ada nang manalo sa Senado ang VFA: “Today, I am ashamed to be a Filipino.”

  2. Sige ako na lang ang magbabalita. Sa susunod na taon daw ay mas mapapadalas ang isasagawang balikatan military exercises. Halos dalawang beses na raw ito kada buwan. Haay….

  3. I just wanna share to you one of the entries i wrote in my diary in 1991. high school pa lang ako noon.

    “Kaya ba natin without the Americans? We are a poor and small country and our culture has a lot of flaws. We just wait whatever what the government gives us. We just watch whoever commits mistakes and bring ourselves to the streets and demand for many things beyond our capacity. We look for a utopian society… pagod na ako sa paghahanap ng perpektong presidente. Sa totoo lang, wala naman talaga, eh. demokrasya natin sa Pinas inaabuso na. Wala na tayong patutunguhan kung palagi na lang tayo reklamo. Hindi pa nakaupo ang opisyal may bumabatikos na. sawang-sawa na talaga ako.”

    When I read these words last night, naiisip ko parang sinulat ko ito noon para sa panahon natin ngayon. Pero alam mo, masarap pa rin mabuhay na wala ang mga kano sa sarili nating bansa. Sa totoo lang kaibigan, love and hate ang relasyon ko sa bansa natin.

    Do you think our nationalism and idealism can save us from our present status?

  4. Johanna at Mhay: Sige, magbalitaan na lang muna kayo. 🙂

    Chinito: Sa ating panig, ang magagawa natin ay magsulat, magbunyag, magsulat, magmulat, at sumalungat.

    wideyeshut: Actually, we’re not for complete cutting off of relationship with the US. What we protest is the unfair relationship that we currently have with US. A truly independent republic must have an independent foreign policy, di ba? Parang ‘yung nasa kantang “Kasarinlan” na may lyrics na “Hindi habang panahong aasa sa iba/Ang bayan ko ay tatayo rin sa sariling paa…”

    Sa tanong mo na “Do you think our nationalism and idealism can save us from our present status?” hayaan mong pasagutin ko sa iyo si Canis Lupus Fidelis, ang sikat na BIR-TIN boy:

    Ito ang panahon na mas dapat na piliin mo ang self-respect at nasyonalismo kahit na nangangahulugan ito ng pagkagutom o pagkasawi. Dahil pag nagsimula ka nang sumuko, talo ka na. Kapag bumigay ka sa pressure, basag ka na. Kapag lumuhod ka na, mas patay ka pa sa patay. Ngayon, sa dinami-dami ng mga pilipino na may potensyal na mag-isip nang ganito, sino ang maniniwala na wala tayong kakayahang maging self-reliant?

    More of his thoughts at http://www.tinig.com/v17/v17canis.html

    mart: sama ‘ko! 😀

  5. Tungkol sa kakayahan ng nasyunalismo na iligtas tayo sa kasalukuyan nating kalagayan, dapat nating itngnan kung ano ba ang lagay natin bago masagot ‘yan.

    Malinaw nang nasagot ni Ederic na tayo ay walang sariling foreign policy. Dikta ng mga taga-White House ang paraan natin ng pakikitungo sa international community. Kapag sinabi ng US na magpadala tayo ng mga sundalo sa Vietnam, magpapadala tayo kahit wala tayong papel do’n. Kapag sinabi ng US na dapat giyerahin ang Iraq, sasang-ayon ang Malaca?ang kahit na wala tayong kinalaman sa mangyayaring giyera.

    At sa kasusunod natin sa ganitong mga dikta ay wala tayong napapala–liban sa mga kaso ng pananarantado ng mga sundalong Kano sa ating mga kababayan na hindi malutas-lutas dahil malaya silang pauwiin ang kanilang mga tauhan sa sandaling lilitisin na sana sila. Ngayo’y meron pang probisyon sa VFA na hindi natin malilitis ang tauhan nilang nagkakasala sa atin nang wala nilang pahintulot.

    At kapalit nito’y ang kawalan ng kasiguruhang mutual ang defense na tulad ng sinasabi sa Mutual Defense Treaty. Iniwan nila tayo nang sumalakay ang Hapon. Noon pa mang bago ang VFA, sinabi nilang hindi siguradong makalalahok sila sakaling mapaaway tayo sa Tsina dahil sa Spratlys.

    Maliwanag na tayo’y nasa basurahan sa kasalukuyan nating kalagayan. At ang alternatibo riyan ay nasyunalismo. Hindi lang dahil mas patay pa tayo sa patay kapag hindi natin niyakap ang nasyunalismo–higit pa riyan, dahil nasyunalismo ang gugupo sa bulok na bilangguang kinasasadlakan natin.

  6. salamat po sa iny.. marami po talaga akung natututunan sa mga mungkahi ninyo… matanong ko lang po sana .. sang -ayon po ba kayo na ibalik ang base militar sa pilipinas?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *