Balik-blogging

Na-interview ako nitong nakalipas na linggo sa isang TV station dahil sa aking pagiging blogger at editor ng Tinig.com. Medyo nahiya naman ako sa mga taong naliligaw rito at sa Tinig dahil laging walang bago. Tapos kagabi, related sa blogging ang panaginip ko.  Kanina naman nagkita kami ng isang blogger-friend — na naging kaibigan ko na rin sa tunay na buhay — kasama ang kanyang asawa. Kailangan ko na ngang magbalik-blogging kahit masyadong okupado sa trabaho.

Nauna ko nang tinanggal ang paid ads dito sa blog na ito. Ngayon naman, siguro’y babalik ako sa journal-style para mai-record ang mga karanasan ko sa bawat linggo gaya ng ginagawa ko noon. Siyempre, di pa rin naman mawawala ang mga komentaryo ko sa iba’t ibang bagay.

Nariyan pa ba kayo?

7 Replies to “Balik-blogging”

  1. Andito pa din, bro! Ako din medyo nagpahinga sa blogging nang kasagsagan ng blogging mania noong 2007. Medyo na burnt-out. hindi ko na din mahanap ang mga kasabayan ko noon. siguro may .com na sila o anu pa man. Pero patuloy pa din…

Leave a Reply