Bahasa Maynila

Ah, hindi iyan ang bagong pangalan ng pambansang wika. Hindi rin iyan bagong wikang pantapat ng Pilipinas sa Bahasa ng Malaysia at Indonesia. Iyan ay isang description ng kalagayan ng Kamaynilaan ngayon: baha sa Maynila!

Antindi ng buhos ng ulan mula pa kahapon. Anlamig. Sarap matulog. May mga taong nangangaligkig pa sa lamig sa kanilang mga kama. Yun nga lang, may pasok ako kaya nasa office pa rin ako’t nagmo-monitor ng mga balita.

Ayon sa radio reports, as of this posting ay tatlo na ang namatay sa magkakaibang insidenteng may kaugnayan sa baha. Nagsuspindi na rin ng klase ang maraming mga kolehiyo at pamantasan, pati ang ibang mga kumpanya. May mga sasakyang tumitirik sa gitna ng binahang kalsada gaya ng Espa?a. (Speaking of kalsada, bawal na nga palang mag-left turn sa EDSA mula ngayong araw na ito).

0 thoughts on “Bahasa Maynila

Post a reply