Bagong Thumb Drive

hosted by PhotobucketMay bagong thumb drive ako: isang Twinmos USB2.0 Mobile Disk Z4. Ibinenta sa akin sa murang halaga ng isang kaibigan ko. Dagdag ito sa nabili ko dating second hand na memory card reader. Ayan, madadala-dala ko na kung saan-saan ang digital files ko. Masaya na ang pack rat na ito. Ang kulang na lang ay tig-isang memory card para sa mga Palm namin ni Mhay.

May mga kuwento ba kayo tungkol sa pagbibitbit ng inyong files? Convenient ba ito, o dagdag lamang na bagahe para sa inyo?

0 Replies to “Bagong Thumb Drive”

  1. anong klaseng files?

    hehehe kung paper files with file box…huwag na uy..
    parang nakakairita madalas. madalas ako magdala ng
    madaming files sa bag ko…hehehe polyetos para sa rali.

    don’t you think na kapag bitbit mo ang files, digital files,
    whether flash drive o floppy disk, parang bitbit mo sa
    bahay lagi ang trabaho..

    workaholic!

  2. hi ederic,
    para sa mga journalist na tulad natin, ang “pagbitbit” ng files ay napaka-importante. naisip ko na rin dati na bumili ng thumb drive pero medyo namahalan ako. buti na lang may nakita akong MMC card reader na kasing laki din ng thumb drive, so ang ginagawa ko ngayon, sinasaksak ko na lang ang MMC card ng treo ko sa MMC card reader and, voila!, thumb drive!. mura lang ang MMC card reader. nabili ko yong sa akin ng 300 lang yata.
    caloy

  3. Hi Caloy, musta?

    Yung card reader ko rin, 300 lang. Maraming size ng MMC/SD na pwedeng ipasok. Pero second hand ‘yun at may isang slot daw na sira. Ok lang kasi ‘yung MMC lang naman ng cell ko ‘yung inilalagay ko. 🙂

Leave a Reply