Bagong taon na naman

Taghirap at puno ng kontrobersiya ang lumipas na taong 2007. Pero nagdala rin ito ng magandang pagbabago sa akin. Eto na ang long-delayed (parang Palm Web OS, kay tagal nating hinintay) New Year Entry ko. Simulan natin sa kategorya ng Buhay at Pag-ibig:

Noong Enero, magkakasama kami ni Mhay at ng kanyang parents na um-attend sa kickoff ng UP Centennial celebration. Magkakasama naming pinagmasdan ang makukulay na fireworks habang taas-kamaong umaawit ng UP Naming Mahal.

Nang sumunod na buwan, sinamahan namin ng tiyo ko si Nanay Diding sa isang ospital sa Lucena para ipatanggal ang tubig na nagpapasakit sa kanyang tuhod. Nakauwi rin ako sandali sa Marinduque ang ihatid ko si Nanay.

Sa Marinduque rin ako nag-Holy Week noong Marso. Nag-senti pa nga ako nang todo. Nang buwang ito rin nagkaroon kami ng aksidente sa kabilang apartment — nang dahil sa kapraningan ko sa ideya ng sumasabog na LPG.

Mayo naman nang medyo napikon ako sa kabi-kabilang atake ng ilang bloggers at new media enthusiasts sa mahal kong mentor na si Dean Luis Teodoro.

Noong Hunyo, naging praning naman ako sa health ko. Inatake ng hirap sa paghinga. Marahil, dahil sa stress sa trabaho.

Nang sumunod na buwan, nakiisa sa kaligayan ng mga kaibigan naming ikinasal — sina Lou at Kim. Pero di kami nakadalo sa kasal nina Jon at Ayah noong 080808. Naging madalas din ang pakikipag-communicate ko sa mga high school classmates kahit di ako nakapunta sa alinman sa mga kitaan ng batch.

Pagdating ng Setyembre, maaga kong naramdaman ang kasiyahang dala ng Kapaskuhan. For the first time, nakapag-publish ako ng article sa isang refereed journal — ang Philippine Journalism Review. At hindi lang ‘yan, pinalipad pa ako sa Singapore para sa isang job interview! Nang buwan ding iyon, natanggap ko ang magandang balita.

Lumipad ako sa Singapura pagdating ng Nobyembre para sa training sa bagong trabaho sa Yahoo! Philippines. Namalagi ako roon ng halos dalawang buwan, at bumalik bago mag-Pasko. Nag-Noche Buena ako kasama si Mhay at ang kanyang pamilya, at umuwi sa Marinduque bago matapos ang taon.

Leave a Reply