Babay, Inday Badiday

Pumanaw na raw si Inday Badiday, kilalang Reyna ng Intriga ng pinilakang tabing at telebisyon sa Pilipinas, ayon sa report ng Front Page ng GMA-7.

Noong bata pa ako, lagi akong nanonood ng Eye to Eye ni Inday Badiday. Sa katapusan ng programa, lagi niyang sinasabi ang mga katagang “Saranghamida Bo.”

May public service segment ito. Minsan, may isang batang nawawala at gaya ng lagi’y tinanong siya ni Ate Luds: “Kilala mo ba ako, iho?” Ang sagot ng bata: “Opo. Bakla ka!” Susme, akala ng bata ay si Inday Garutay, isang impersonator, si Inday Badiday!

Babay, Inday Badiday.

0 thoughts on “Babay, Inday Badiday”

  1. d fact na malungkot ung news about her, u still end up lightenin’ d subject. well, that’s what a great writer is all about.
    nwei, condolence sa family ni ms. inday.

  2. salamat, anne. sa mga sitwasyong ganiyan kasi, naniniwala akong mahalagang banggitin ang masasayang alaala tungkol sa lumisan, lalo na sa gaya niyang nagbigay aliw sa masang pinoy.

  3. Nakakalungkot isiping nawala na si Inday Badiday, ang isa sa mga kilalang personalidad sa larangan ng telebisyon at serbisyo publiko.

    Naway ang buhay na lamang sana niya ang pagusapan ng bayan, bukod kay Kris Aquino. Sa kadahilanang si Inday ang tunay na “Queen of Talk”, at hindi si Kris.

    Hindi ko malilimutan ang mga katagang: “Nay, Tay, sunduin na ninyo po ako dito”.

    Si Inday ay sinundo na ng Maykapal, naway maging masaya siya sa kanyang bagong tahanan.

    Hindi ka namin makakalimutan.

  4. nung bata ako, yung ‘mata ng bayan’ segment lang ng eye to eye ang inaabangan ko. nakakatuwa kasing mag-interbyu si ate luds ng mga batang nawawala.

    pero mas na-hook ako dun sa feature niya tungkol sa isang babaeng nanganak ng dalag. hanggang sa binyagan yung dalag (na isa sa mga ninang si inday) hanggang sa namatay yung dalag (na si inday din ang sumagot sa pagpapalibing). siya lang ang nakagagawa nun with grace and poise.

    nakakamiss talaga.

  5. Parang ang hirap ngang isipin na wala na si Inday Badiday. Napakalaking fixture niya sa mga television sets natin mula noon pa.

    Pakikiramay sa mga naiwanan niya.

    At oo nga, nakakalungkot mang isiping namatay na siya, di naman buong buhay niya ay kalungkutan. Natural naman saten na sa mga ganitong pagkakataon e naaalala natin ang lahat tungkol sa yumao… masaya at malungkot.

  6. I feel a great loss at Inday Badiday’s death, and she has been to me a very significant icon in Philippine TV. However, since it is God’s will, all we have to do is to pray for her…

  7. inday di kita malilimutan habang akoy may buhay i love you inday sana kahit saan kaman naroroon ay ipag patuloy mo parin yung programa mo na eye to eye at sana ibulong mo sakin ang lalabas sa lotto649 puwede ba inday ?

Leave a Reply