Ang Pinaka…

Insecure ba tayong mga Pinoy? Bakit kaya ang hilig-hilig natin sa mga pinaka?

Kanina, palabas sa Unang Hirit morning show ang paggawa ng pinakamalaki raw na buko pie sa buong mundo. Ang world’s biggest buko pie na ito raw ay may timbang na 1,236 kg at diameter na 15 piye. Limanlibo katao naman ang puwedeng makakain nito.

Kung anu-ano nang pinaka ang ginawa natin: pinakamaraming naghahalikan, pinakamahabang longganisa, pinakamaraming nagsesepilyo, at iba pa.

Sabagay, narito rin ang siguro’y masasabing pinakamalulupit na pulisya sa buong mundo. Ayon nga sa 2005 Country Reports on Human Rights Practices ng US State Department, “The constitutionally mandated Commission on Human Rights (CHR) described the Philippine National Police (PNP) as the worst abuser of human rights.”

Kung ganyang ang inaasahang tagapagtanggol ng katahimikan ay siyang nangunguna sa paglabag ng karapatan ng mga mamamayan, aba’y tayong mga Pinoy ay hindi nga secure.

0 thoughts on “Ang Pinaka…”

Leave a Reply