Ang Mga Bata

Tumatanda na talaga ako. Malalaki na ang mga bata.

Sila ‘yung batang dati’y inosenteng high school students na gustong makalathala ng kanilang akda sa Internet kaya’t naligaw sa Tinig.com at sa patuloy na pakikipagtalastasan ay naging mga nakababatang kapatid ko sa cyberspace.

Kakalunsad lang ng Pinoy Book Reviews–isang site “para sa Pinoy na ma-book”–ni Angela Solis. Kakalipas din lang ng kaarawan niya. Kamakailan, inilabas niya ang kanyang e-book. Nagkakilala kami ni Angela dahil sa pagiging jologs ko. Dati’y bumibili ako nung mga booklet na may textmates at ring tones. Habang tinitingnan ko ‘yung mga nasa list ng naghahanap ng textmates, nakita ko ang profile ng isang dalagitang mahilig magsulat. Nakipag-textmates ako sa kanya, at mula noon, ako na ang kanyang Kuya Ederic. Isa siya sa mga nag-ambag sa pinakaunang isyu ng Tinig.com. Kilala rin bilang Handyfemme, tinatawag siyang prinsesa sa Tinig.com Forums at ngayo’y isa nang kolumnista, di lamang sa Tinig, kundi pati sa Peyups.com. Sayang nga lang at ‘di na siya nakakadalo sa mga eyeball dahil sa Canada na siya nag-aaral ngayon.

Samantala, nagkita naman kami ni Jason Laxamana, na mas kilala sa Internet bilang Lagsh, sa lobby ng GMA-7 noong isang araw. Labing-apat na taon pa lamang siya nang unang mag-ambag sa Tinig. Hindi ko pa nga nagustuhan kaya’t hindi nailabas ang unang kuwentong ipinadala niya sa amin. Tungkol sa pagiging weirdo ang unang article niya sa Tinig. Ngayon, bukod sa kanyang sariling website na dinarayo ng marami, kolumnista rin siya sa Peyups.

Samantala, nasa kolehiyo na rin si Aika Pascual. Tula ang una niyang ini-ambag sa Tinig. Isa siya sa mga batang kasakasama namin sa mga Tinig.com EB. Adik siya sa blogging at pati na rin sa moblogging.

Tulad ni Aika, nasa kolehiyo na rin sina Marj Calzada at Bonn Monzon na mga kabarkada at kakabit ni Aika sa mga EB. Tulad ng tatlong nauna, mga regular na kakulitan ko rin sila sa Internet, lalo na sa Tinig.com Forums at sa text.

0 thoughts on “Ang Mga Bata

  1. ^ Natawa ako sa hirit ni Aika. 😀

    Kuya salamat nga pala sa pagpromote ng PBR. Gaganti ako, malapit ko na matapos yung article ko, hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *