Ang magpapasya at ang panlilinlang

Ayon sa Inq7 report na ito, ang mga undecided ang magpapasya sa election. A friend just told me na lately lang siya na-convince na bomoto kay Bro. Eddie. Ganun din ang kaso ni Winnie Monsod at iba pang mga kamakailan lang nagpahayag ng suporta. Sa ganitong trend, mababalewala ang impact ng suporta ng ialng mala-kultong sekta sa ibang nangungunang kandidato.

Siyanga pala, hindi ako naniniwalang sumuporta kay Gloria ang Philippine Independent Church. Sa aking pagsasaliksik, nalaman kong ang Armando dela Cruz palang nagpapakilalang supreme bishop ng Aglipayan Church na napaulat na sumuporta kay Gloria ay pinuno ng isang faction na humiwalay na sa totoong Iglesia Filipina Independiente.

Gamitin ba ang pananampalataya upang malinlang ang sambayanan?

0 thoughts on “Ang magpapasya at ang panlilinlang”

  1. Pingback: Ederic@CyberSpace

Leave a Reply