Amoy Martial Law?

Inaresto kanina ng mga pulis si Ninez Cacho-Olivarez, publisher at editor ng pro-Erap na pahayagang Tribune. May warrant of arrest naman na ihinain sa kanya para sa dalawang kaso ng libel na isinampa sa kanya ng abogado ni Pangulong Arroyo kaya wala itong kinalaman sa mga kasalukuyang isyu. Pero parang ang pangit ng timing. Sa panahon ng state of rebellion, isang peryodistang identified sa oposisyon ang hinuli. Pangit pakinggan–nakakapagpaalala ng Martial Law. O baka praning lang talaga ako.

0 thoughts on “Amoy Martial Law?”

Leave a Reply