ALT+F9

Sumakit na ang ulo ko sa kakaisip kung paano papalitan ang view ng hyperlinks sa Word Document na tinatrabaho. Sa halip kasing underlined text ang lumabas ay ganito ang nakikita ko: {
HYPERLINK “http://www.google.com” }

Ilang minuto na akong nagsi-search at medyo suko na ako. Wala akong makitang sagot sa Microsoft help center. Tumatawag na ako sa aming mga IT expert pero kinansel ko dahil sa hiya.

ALT+F9 lang pala ang solusyon kung anu-ano pa ang ginawa ko. Salamat sa dokumentong ito. Ang search words na ganamit ko ay change “hyperlink view” word.

Kung may matagpuan kayong ganitong tips, sana ibahagi rin ninyo. 🙂

Leave a Reply