Para sa mga ‘di natuloy na World Youth Day delegates at sa mga kaibigang concerned:

Pumunta kami sa opisina ng Alab ng Kabataang Pilipino (AKAP) noong Huwebes at nag-demand ng refund. Out of $400 na naibayad namin, ang $50 ay sa airline reservation at di na mare-refund. Ang $125 ay para sa WYD registration. Most likely, kalahati lang nito ang mare-refund, as per info sa WYD website. Pero tingin ko buo, dahil di naman kami umatras kundi na-deny ng visa. Binigyan kami ng AKAP contact number ng tao na papag-follow-up-an ng refund for that.

Pero yung $225, di pa nila ma-explain kasi wala pa raw yung receipts, etc. I was asking for a breakdown ng kung saan mapupunta yung $225, pero ayaw magbigay ni Tita Charie Zarate, nanay ng leader ng AKAP. Di pa rin daw niya alam dahil nga wala pa raw ang mga resibo. Ayaw kong maniwala na puwede ang ganoong excuse. Bakit ka maniningil ng isang amount kung di ka sigurado kung saan ito pupunta o kung paano ito gagastusin? Sabi ko since di nila ma-explain ang $225, dapat ibalik na nila dahil kailangan namin ng pera. Maghintay raw kami ng one month, pero I insisted na makuha ‘yun. After a long argument, nagkompromiso kami na ibalik muna ang kalahati ng pera, so we got $175, at ang usapan, after ma-account ang lahat-lahat, kung sino ang
may kulang, magdadagdag na lang.

May mga ‘di magagandang bali-balita na hindi ikatutuwa ng mga delegate. Pero since hindi ko personal na na-confirm ang mga ito, hindi ko na lang muna ipo-post.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts