Abu Sayyaf Reviving Its Ideology?

Sa isang analysis na inilabas ng Strategic Forecasting, mukhang nagbabagong anyo raw ang Abu Sayyaf Group–tila muli raw nitong niyayakap ang orihinal na simulain nito bilang isang ideological militant organization upang makaakit ng mga bagong kasapi at makasulong sa kanilang mga atake sa katimugang Pilipinas. Tinukoy ng Stratfor ang pambobomba kamakalawa sa lunsod ng Zamboanga na pumatay sa isang sundalong Amerikano at dalawang sibilyang Pilipino bilang basehan ng ganitong pagsusuri. Naganap ang pambobomba matapos manawagan ang lider ng Abu Sayyaf, si Khadaffy Janjalani, sa “lahat ng mga naniniwala sa pagiging iisa ni Allah” na atakehin ang mga lokal at dayuhang kaaway ng Islam.

Mula sa pagiging ideological group na naglalayong magtatag ng isang pure Islamic state sa Mindanao, naging mumunting grupo ng mga bandidong kidnapper ang Abu Sayyaf, at sa huli’y tinawag na terorista ng diyus-diyosan ng mundo, ang United States. Mula sa pagiging terorista, makababangon ba ang “Bearers of the Sword” upang muling maging tunay na armadong pulitikal na kilusan?

Leave a Reply