Masamang biro tungkol kay Tolits

Biktima si Tolits — BJ Forbes, batang commercial model ng Tide — ng masamang text joke na kumakalat ngayon. ‘Di pa ako nakatanggap nito, pero may mga tumatawag daw sa newsdesk ng GMA-7 upang alamin kung totoo ba ito. Sabi raw sa text, pumanaw si Tolits dahil na-tetanus sa kakabura ng kalawang! Balasubas talaga tayong mga Pinoy!

0 Replies to “Masamang biro tungkol kay Tolits”

  1. Minsan din naman talagang gumagawa lang ng gimmick ang ilan kahit na masamang news – kasi sumisikat sila sa pamamagitan nito. Posibilidad lang naman yan, pero masama talagang magpakalat ng tsismis na namatay na ang isang tao. Nakakapangilabot.

Leave a Reply