Destined To Be Yours

Bukod sa nakakikilig, nakawiwiling panoorin ang unang teledrama ng Aldub.

Matapos ang ilang panahong paghihintay, dumating na ang pinananabikan ng mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza. Siguradong nagbubunyi ang AlDub Nation dahil nagsimula na ngayong gabi ang teledramang “Destined to be Yours” sa GMA-7.

Sa unang episode (na mapapanood sa ibaba), ipinakilala ang mga tauhang ginagampanan ngĀ  phenomenal loveteam at ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Continue reading “Destined To Be Yours”

#UgalingThirdWorld: Ingay

‘Pag may bagong bukas na kainan, kailangan ba talagang napakalakas na ingay ang pantawag sa mga customer?

Malakas na ingay mula sa labas ng bahay ang unang narinig ko pagkagising kaninang umaga. Matapos bumangon at alamin kung saan galing ang dumadagundong na tugtugin, nalaman kong nagbukas na pala ang bagong restaurant sa tapat ng aming gusali.

Continue reading “#UgalingThirdWorld: Ingay”

“Vow,” “Crush,” at “Date” ng Jollibee

Basahin mo ‘to kung marami kang Facebook friends na biglang nag-Jollibee today.

UPDATED: Pinag-uusapan ngayon sa iba’t ibang sulok ng social media world ang mga video ad ng Jollibee para sa Valentine’s Day.

Sa isang video, tampok ang isang nerd na binata (Enrico Cuenca) na laging nagbibigay ng burger na may kasamang sweet Post-It messages sa kaniyang crush (Ash Ortega). Kaya lang, ang kaniyang sinisinta, may boyfriend na pala.

Pagkalipas ng maraming taon, sa kanilang alumni homecoming, muling binigyan ng lalaki ang babae ng burger na may nakadikit na mensahe, at magugulat ka sa sasabihin niya sa babae.

Continue reading ““Vow,” “Crush,” at “Date” ng Jollibee”

Nanay Diding, 89

Noong Nobyembre 22, 2016, tuluyan nang lumisan si Nanay Diding.

Nang hagkan ko si Nanay Diding bago ako umalis pa-Maynila noong Oktubre, dumampi rin ang pangambang maaaring iyon na ang huli kong pagpapaalam sa kaniya. Sa kabila nito, nanaig ang aking pag-asang lalakas pa si Nanay at muli pa kaming magkikita.

Subalit dahil sa kaniyang edad at sakit, ilang panahon na ring mahina si Nanay. Noong Nobyembre 22, 2016, tuluyan na siyang lumisan. Sa pagpanaw ni Nanay, naging ulilang lubos na ako, na panganay niyang apo.

Continue reading “Nanay Diding, 89”