Will TCL’s Alcatel resurrect Palm?

Repost ito galing sa blog ko tungkol sa Palm. Naaliw ako sa resulta ng kaadikan at panghahalungkat ko online. Share ko na rin dito para sa mga gaya kong adik sa cellphone.

TCL Communication may be the company behind the new webpage that has been teasing loyal fans of mobile-computing pioneer Palm.

“Smart move”—a slogan that appears in a looped video on mynewpalm.com along with the orange Palm logo—is the brand platform of Alcatel One Touch, TCL Communication’s mobile brand.

The name of TCL Communication’s senior vice president Nicolas Zibell also appears on a document formalizing the transfer of Palm trademarks from HP to another company in October.

Continue reading “Will TCL’s Alcatel resurrect Palm?”

Balik-Maynila

Naaliw ako sa pagtatala ng mga naiisip ko at mga nangyari sa biyahe ko pauwi sa Marinduque, kaya’t ikukuwento ko rin ang biyahe ko pabalik sa Kamaynilaan.

6:20 a.m. Nasa tricycle na ako papunta sa bayan (Sta. Cruz poblacion). Mula sa bayan, sasakay ako sa van na biyaheng Balanacan Port.

6:32 a.m. Dumaan muna ako sandali sa simbahan. Hindi pa nagsisimula ang susunod na Misa, pero may mga tao na.

Continue reading “Balik-Maynila”

Biyaheng Marinduque

Bumibiyahe ako papuntang Marinduque ngayon para sa binyag ng panganay ng pinsan at kaibigan kong itago na lang natin sa pangalang Jay.

Bumibiyahe ako papuntang Marinduque ngayon para sa binyag ng panganay ng pinsan at kaibigan kong itago na lang natin sa pangalang Jay. Ito na rin ang pagkakataon kong dalawin si Nanay bago mag-Pasko dahil ‘di ako makakauwi ngayong taon.

Pero lilinawin ko lang na ‘di ako nagrereklamo na magtatrabaho ako nang Pasko kasi ginusto ko ito. Pinili ko ito. Noong tinanggap ko ang trabahong ito, alam ko ang pinasok ko. Alam kong ang mga sakripisyong ganito, bahagi ng buhay sa media na niyakap ko.

So ‘yun. Dahil sa nitong mga nakalipas na araw ay liveblogging at social media aggregation ang inasikaso ko sa office para sa coverage namin ng Bagyong Ruby, naisip kong i-liveblog din ang biyahe ko. Ia-update ko ang entry na ito hangga’t nakikisama ang baterya at Internet signal ng aking smartphone.

2:19 p.m. Home sweet home! Kuwentuhan muna kami ni Nanay. 🙂

Salamat sa pagbabasa!

1:51 p.m. Tricycle na pa-Ipil. Tama na muna. Baka malaglag ang phone ko kapag nalubak kami. Hehe.

1:44 p.m. Ang simbahan ng Parokya ng Banal na Krus (Holy Cross Parish):

IMG_0565.JPG

12:47 p.m. Now in Sta. Cruz poblacion. May ilang daraanan lang, tapos sasakay na ako sa tricycle papuntang Ipil.

11:51 a.m. Nakasakay na ako sa van papuntang Sta. Cruz. Biyahe na ulit.

11:42 a.m. Nasa Balanacan Port na kami!

Ito ang Our Lady of Biglang Awa, patron ng lalawigan.

IMG_0561-0.JPG

11:29 a.m. Malapit na kami sa Balanacan. Kita na ang mga isla. 🙂

10:07 a.m. Nagsimula na ang biyahe ng ferry!

10:06 a.m. Umaandar na ang makina ng barko. Mukhang aalis na kami.

May taga-Coast Guard na pumasok kanina at nag-video.

10:02 a.m. Ang schedule, 10 a.m. Pero siyempre, Filipino time. Siguro aalis ito pagkatapos ng mga ilang minuto pa.

Natuwa naman ako nang makita kong may seat numbers na. Dati, labo-labo na pagsakay sa barko. Improving, di ‘ba?

Tapos, GMA-7 pa ang palabas sa TV nila. 🙂

9:36 a.m. Nakasakay na ako sa M/V City of Dapitan ng Montenegro Lines. A few minutes ago, tinawag na ang mga pasahero ng fast craft. Binilisan ko ang pagpunta sa barko. Bale pangatlo ako sa mga pasaherong pumasok.

IMG_0559-0.JPG

9:23 a.m. ‘Di naman ako lumipat ng building, pero sobrang bagal na ng Internet connection ko. Mamaya na lang ulit.

9:00 a.m. Isang oras na lang! 🙂

8:50 a.m. Nagkakape.

May nag-on kanina ng TV rito sa terminal. Nanonood ngayon ‘yung mga nagtatrabaho rito at ilang pasahero. Mga eksena sa basketball ang ipinakikita. Tawa nang tawa ang mga nanonood.

Continue reading “Biyaheng Marinduque”