#Puso

Hindi man ako basketball fan, nitong nakalipas na mga linggo ay napadalas ang panonood ko ng basketball sa TV nang may kasama pang pasigaw-sigaw. Naging kapanapanabik kasi ang mga laban ng ating pambansang koponan, ang Gilas Pilipinas.

Noong high school ako, tinuruan ako ng best friend ko na maglaro ng basketball. Tumakbo-takbo, tumalon-talon, at nagsikap akong maka-shoot sa basketball court ng aming barangay. Ang ilan sa mga kaklase naming babae, naroon din para sumuporta. Akala ko, iyon na ang maglulunsad sa aking basketball career. Pero walang nangyari.

Hindi ako natutong mag-basketball. Nagkakaroon lamang ako ng pakialam sa laro noon kapag may laban ang Añejo na naging Ginebra—at kalaunan, kapag may laban ang UP Fighting Maroons.

Continue reading “#Puso”