#KiligMoments: Iba’t ibang mukha ng pag-ibig

Kapag tinamaan ka na raw ng sibat ni Kupido, maging sino ka ma’y lulukuban ka na ng misteryong tinatawag na pag-ibig.

Isang araw bago mag-Valentine’s Day, niyaya ng YouScoop — ang citizen journalism arm ng GMA News — ang mga magsing-irog na magbahagi sa Twitter ng mga paborito nilang couple photos gamit ang hashtag na #KiligMoments.

Narito ang mga larawan ng ilan sa mga tumugon sa panawagan. Tunghayan ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig.

Continue reading “#KiligMoments: Iba’t ibang mukha ng pag-ibig”

Ang katarantaduhang pumatay kay Tado

Arvin "Tado" Jimenez (DAKILA)

Kabilang ang komedyante at aktibistang si Arvin Jimenez — mas kilala bilang Tado — sa 14 kataong namatay sa Bontoc, Mt. Province noong Biyernes matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus.

Ang biyahe ni Tado ay kaugnay ng isa niyang proyektong nagsusulong  ng pagkalinga sa kalikasan, ayon sa DAKILA Philippine Collective for Modern Heroism, isang organisasyong kinabibilangan niya.

Continue reading “Ang katarantaduhang pumatay kay Tado”

Rakrakan at classical music, pagsasamahin sa Pambansang Muziklaban

Muziklaban shirt (image from redhorsebeer.com)Dadalo ako mamayang gabi sa Pambansang Muziklaban ng Red Horse Beer sa World Trade Center. Inanyayahan ako ng pinsan kong nagtatrabaho sa San Miguel Brewery Inc. na manood para naman makapag-bonding kami. At dahil nasa concert na ito ang mga tinitingala kong haligi ng musikang Pilipino gaya nina Pepe Smith at Ely Buendia, nagdesisyon akong huwag palampasin ang Muziklaban ngayong taon.

Continue reading “Rakrakan at classical music, pagsasamahin sa Pambansang Muziklaban”