Ang mga dapat maipabatid sa social media users

Pananalita sa Social Media for Social Change Forum ng Kabataan Partylist para sa pagdiriwang ng World Social Media Day
June 30, 2013
Social Media for Social Change

Magandang hapon po at happy social media weekend sa inyong lahat. Kahapon ay nagkita-kita na ang ilan sa atin. Dumalo ako sa #fwdPH ng TweetUp Manila, at ikinagagalak kong maging bahagi ng social media forum ng Kabataan Party, na matagal nang nakaka-partner sa iba’t ibang gawain ng ngayo’y lulubog-lilitaw kong Tinig.com, at ng inactive na ring Bloggers Kapihan — na sana’y maibalik natin ngayong taon.

Ngayong araw, nagsasalita po ako hindi bilang empleyado ng kumpanyang aking pinagtatrabahuhan kundi bilang isang matagal-tagal na ring blogger at isa sa mga naunang sawsawero sa mundo ng social media.

May 10 taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw tayo sa pagba-browse ng latest pictures ng mga kaibigan natin. Para sa mga kaedaran ko rito, hinanap natin at inalam kung ano na ang hitsura ng mga kaibigan at mga crush natin noong elementary. Excited tayong naghintay, at minsa’y nangulit pa — na bigyan ng testimonial ng Friendster friends natin. Hanggang sa nailang na tayo sa kakaibang themes sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan, dumating na rin ang Twitter. Sinundan pa yan ng Google Plus, Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.

Continue reading “Ang mga dapat maipabatid sa social media users”