Ateneo Blue Eagles rookie Kiefer Ravena topped last week’s trending searches on Yahoo! Philippines. Also on the list is NBA superstar Kobe Bryant, who visited the country twice this month.
Read more on Yahoo! Philippines.
Ateneo Blue Eagles rookie Kiefer Ravena topped last week’s trending searches on Yahoo! Philippines. Also on the list is NBA superstar Kobe Bryant, who visited the country twice this month.
Read more on Yahoo! Philippines.
Video mode pa rin tayo. Share ko lang itong videos ng “Azkals, We Believe,” ang official chant para sa ating pambansang koponan sa futbol, at ng chant version ng “Go, Azkals, Go!” Gamitin natin ang mga ito sa darating na laban ng Azkals sa Kuwait.
Maraming salamat kay Mr. Juan Miguel Salvador, ang lead singer ng bandang The Authority. Siya ang nag-compose ng “Go, Azkals, Go!” at siya rin ang nagbigay sa atin ng pahintulot na gamitin at ikalat ang mga video.
Nasa balita ngayon si Colonel Generoso Mariano, deputy chief ng Philippine Navy Reserve Command, matapos kumalat ang kanyang video na nanawagan ng pagpapalit ng gobyerno.
Sabi ni Col. Mariano sa video, nararamdaman din daw nilang mga sundalo ang hirap na dulot ng pagtaas ng bilihin at nakikita raw nilang ang pamahalaan “ay walang kakayanang gumawa ng mga hakbang upang iiwas tayo sa kagutuman at kamatayan.”
Ayon kay Mariano, “It is the right of every Filipino, including soldiers, to replace the government.” Inulit pa niya for emphais: “I repeat: Replace the government.”
Noong mas bata pa ako, may ilusyon akong reincarnation ako ni Jose Rizal. Gaya niya, ninais ko ring maging doktor, manunulat, pintor, makata — at babaero. ‘Yun nga lang, ang nakuha ko sa kanya ay ‘yung parteng laging basted — o nauunsyami ang love life.
Pero sa bandang huli, nakilala ko si Myla, isang binibining sa murang edad ay nangako sa sariling ang mamahalin niya’y isang lalaking kagaya ng ating pambansang bayani. Yun nga lang, hindi ko maipaliliwanag kung paano ko siya nakumbinsing ako ang hinahanap niya. Siguro, dahil gaya ni Rizal, di ako kalakihang tao. O baka naman nakalimutan na lang niya ang lumang pangako niya.
Neil Etheridge and Phil Younghusband of the Philippine Azkals and the national rugby team Philippine Volcanoes and their controversial Bench billboards are among this week’s trending topics on Yahoo! Philippines Search.
Mula sa CBCPNews.com, narito ang full text ng pastoral statement ng Catholics Bishops Conference of the Philippines hinggil sa kontrobersiyal na usapin ng “Pajero Bishops.” Nasa link na ito ang English version. Sa mga susunod na araw ay magpo-post ako ng mga saloobin ko tungkol sa isyu:
Nagulat ako nang mabasa ko ‘yan sa Twitter ni Rep. Teddy Casiño ngayong gabi. Wala na pala si Perry — isang makabayang manunulat at aktibista mula sa Kabikulan.
Bagama’t hindi kami nagkakilala ni Perry nang personal, isa siya sa mga nakasalamuha’t nakasama ko sa matagal-tagal ko na ring paglalakbay sa cyberspace. Ang kanyang Kaiba News and Features ay naging katropa ng aking Tinig.com. Inilathala namin sa Tinig ang mga isinulat nila sa Kaiba. Isang artikulo tungkol sa Bikolanong bayaning si Simeon Ola ang pinagtulungang sulatin nina Perry at ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alex Remollino, na pumanaw rin noong isang taon. Mababasa pa rin sa Tinig.com ang iba pang akda ni Perry.
Si Pangulong Aquino at ang mga Azkals na dumalaw sa Malakanyang matapos makapasok sa semifinals ng Suzuki Cup. (Alfredo Francisco/ PCOO-NIB Photo)
Ang paborito kong si Chieffy Caligdong ang unang naka-goal. Naka-score din ang Fil-Spanish player na si Angel Guirado at nakadalawa naman ang Fil-British heartthrob na si Phil Younghusband, na ayon sa mga balita ay kasintahan na ni Angel Locsin.
Pati si Pangulong Noynoy Aquino, bumati rin sa Azkals. Para sa iba pang detalye, basahin ang report ni Sid Ventura sa Yahoo! Philippines.