Kabaligtaran ng People Power

Maaari bang umusug-usog sa bus?
Maaari bang umusug-usog nang konti? Mula sa pinakalikod na upuan ng bus, nakunan ko ang mga taong ayaw umusog sa loob.
Habang nakapila sa hintayan ng bus sa ibaba ng opisina namin kanina, nasaksihan ko ang isang kabaligtaran ng isa sa mga pundasyon ng People Power.

Depende sa oras at suwerte, mga 15 hanggang 30 minuto ang pagitan ng mga biyahe. Kaya naman nang dumating at tumigil ang bus, pinakiusapan ng konduktor ang mga pumapasok na dumiretso lamang sa dulo para mas marami ang makasakay. But no, ang gusto talaga ng mga kababayan natin ay laging makababa agad. Nagkatrapik-trapik sa malapit sa pinto, pero anluwag-luwag sa dulo ng bus.

Continue reading “Kabaligtaran ng People Power”

Feb 25 Blog Action Day: Real Heroes of EDSA

Kabataan Partylist's Feb 25, 2010 Blog Action Day on the Real Heroes of EDSABilang bahagi ng paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolt, inaanyayahan ng Kabataan Partylist ang mga kabataang blogger sa isang blog action day sa Biyernes, Pebrero 25, tungkol sa mga tunay na bayani ng EDSA — ang mga karaniwang tao gaya ng ating mga kapamilya.

Magandang sumali sa gawaing ito upang makatulong tayo sa pagbubuo ng kolektibong kasaysayan ng EDSA 1 mula sa pananaw ng mga di-sikat na taong sumama sa pagbawi ng ating kalayaan mula sa diktaturyang Marcos.

Ang lagi kasi nating nababasang mga tala ng EDSA 1 ay galing sa mga kilalang historyador, pulitiko, peryodista, at iba pang mga personalidad. Ngayon — salamat sa Internet at blogging — maaari na nating isalaysay ang mga pangyayari noon mula sa alaala at perspektiba ng mga taong malalapit sa atin.

Continue reading “Feb 25 Blog Action Day: Real Heroes of EDSA”

#YellowEDSA

Yellow Yahoos
Laban! Joey Alarilla, Ederic Eder, Thea Alberto, Janie Octia, at Pia Garcia. (Photo by Izah Morales)

Bilang pakikiisa sa pagsisimula ng paggunita sa ika-24 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolt, nagsuot kami ng ilang mga kasamahan ko ng damit na kulay dilaw kanina.

Bukod sa pagpapatugtog ng “Handog ng Pilipino sa Mundo,” “Bayan Ko,” at iba pang mga awit na sumusundo sa mga alaala ng pag-aalsa, nagpakuha rin kami ng larawan habang naka-Laban sign.

Sa Twitter, sinimulan na rin naming gamitin ang hashtag na #YellowEDSA upang tipunin ang tweets tungkol sa Yellow Revolution of 1986.

Continue reading “#YellowEDSA”

Balik-blogging

Na-interview ako nitong nakalipas na linggo sa isang TV station dahil sa aking pagiging blogger at editor ng Tinig.com. Medyo nahiya naman ako sa mga taong naliligaw rito at sa Tinig dahil laging walang bago. Tapos kagabi, related sa blogging ang panaginip ko.  Kanina naman nagkita kami ng isang blogger-friend — na naging kaibigan ko na rin sa tunay na buhay — kasama ang kanyang asawa. Kailangan ko na ngang magbalik-blogging kahit masyadong okupado sa trabaho.

Nauna ko nang tinanggal ang paid ads dito sa blog na ito. Ngayon naman, siguro’y babalik ako sa journal-style para mai-record ang mga karanasan ko sa bawat linggo gaya ng ginagawa ko noon. Siyempre, di pa rin naman mawawala ang mga komentaryo ko sa iba’t ibang bagay.

Nariyan pa ba kayo?