Nakakagalit

Galing sa buwis ng mga magulang ng mga kabataang ito ang walang patumanggang nilulustay sa pagpapakabundat ng mga nakatira sa palasyong sinugod nila. Nang sila’y pumalag, ito ang kanilang napala:


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Continue reading “Nakakagalit”

Darna

Marian Rivera as Darna (GMA Photo)
Marian Rivera as Darna (GMA Photo)
Simula ngayong gabi, muli na namang lilipad si Darna — ang Filipina superhero na tagapagtaguyod ng kapayapaan at katarungan at kalaban ng kasamaan.

Pareho kong paborito ang dalawang lead star sa bagong Darna ng GMA-7: si Marian Rivera bilang Narda/Darna, at si Mark Anthony Fernandez bilang Eduardo, ang katipan ni Narda. Unang pagtatambal nila ito.

Si Marian, na unang nakilala at minahal ng mga manonood bilang Mari Mar, ang siya ring gumanap bilang Dyesebel, isa pang obra ng dakilang nobelista sa komiks na si Mars Ravelo (na mas karapatdapat maunang maging national artist). Sidekick ni Marian sa Dyesebel ang batang si Robert “Buboy” Villar, na siya namang gaganap ngayon bilang Ding.

Continue reading “Darna”

Paghahatid kay Pangulong Cory

Bumuhos ang ulan nang paalis na ako papunta sa Manila Cathedral noong Miyerkoles para sumama sa paghahatid kay Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park. Sa kabila ng malakas na ulan, hindi ako tinanggihan ng driver ng taxing pinara ko. Titiisin daw niya ang baha at trapik dahil papunta ako kay Cory. Hindi kasi siya makakasama dahil sa kanyang pasada. Kumbaga, yun na lang ang sariling sakripisyo at kontribusyon niya.

Pumarada muna kami sa isang Jollibee store para makabili ako ng almusal namin. Doon pa lang, may mga nakita na akong nakadilaw rin. Nang nasa Luneta na kami, nakita ko kasama ng maraming tao, mga bandila, at mga dilaw at lobo ang mga pamilyar na banner ng mga aktibistang grupong sumama sa People Power 2 noong 2001. Doon na lang kako ako maghihintay dahil siguradong may mga kaibigan akong naroon.

Photo_080509_012 Photo_080509_019

Continue reading “Paghahatid kay Pangulong Cory”

Mga dilaw na laso para kay Tita Cory

Sa kanyang paglisan, ihinatid natin si Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan ng mga dilaw na laso . Noong Agosto 1983, yellow ribbons din ang ipinansalubong ng mga Pilipino sa kanyang asawang si Ninoy.

Pinangunahan ni Salvador Laurel — na pagkatapos pagsapit ng 1986 ay magiging vice-president ni Cory — ang pagsalubong kay Ninoy. “Tie a Yellow Ribbon ‘Round the Ole Oak Tree” ang naging theme song ihinandang welcome, ayon kay Angela Stuart-Santiago, may-akda ng EDSA: The Original People Power Revolution.

Nagtali ang mga tagasuporta ni Ninoy ng yellow ribbons sa airport, sa mga poste at puno sa gilid ng kalsada para makita ni Ninoy kung gaano kasaya ang mga Pilipino sa kanyang pagbabalik. “It was sad that Ninoy never saw those ribbons,” ani Stuart-Santiago said. Pinatay si Ninoy pagbaba niya sa eroplano.

Ginamit ni Cory ang dilaw bilang kulay ng pagsalungat. Ito na rin ang naging kulay ng kanyang presidential campaign at ng unang EDSA Revolution na nagpabagsak sa diktaturang Marcos.

Continue reading “Mga dilaw na laso para kay Tita Cory”

Mga pamana ni Pangulong Cory Aquino

Sa paglisan ni Pangulong Cory, pag-ibig, pananampalataya, at pag-asa ang iniiwan niya sa atin.

Kagabi, in-overtake ang sinasakyan kong taxi ng mga motorsiklong may wang-wang. Kasunod nila’y ilang magagarang kotseng may wang-wang din. Napilitan pang huminto ang isang bus para bigyan sila ng daan. Malamang ay may sakay na VIP—posibleng opisyal ng gobyerno.

Naalala ko si Pangulong Cory Aquino. Marahil ay hindi niya magugustuhan ang ganoon. Nang papunta siya sa Club Filipino noong 1986 para manumpa bilang bagong pangulo, ang kanyang sasakya’y “maingat na tumitigil sa bawat pulang ilaw kahit halos walang trapiko,” ayon sa aklat na “Walang Himala” ni Angela Stuart-Santiago.  Pagkatapos ng seremonya ng paglilipat ng pagkapangulo kay Gen. Fidel Ramos noong 1992, tinanggihan ni Tita Cory ang presidential car na dapat sana’y maghahatid sa kanya sa bahay. Ganyan sana ang mga lider natin ngayon.

Dahil sa paglala ng kanyang kalagayan, gaya ng maraming Pilipino’y lagi ko ring naiisip ang dating pangulo nitong mga nakalipas na araw. At kaninang umaga, balita ng pagpanaw niya ang gumising sa akin. Umuwi na si Pangulong Cory, at siguro’y dilaw rin ang nangingibabaw na kulay sa lugar na kanyang pinatunguhan at masaya siyang sinalubong ng kanyang asawang si Ninoy. Nakakaharap na niya ang Lumikhang naging bukal ng kanyang lakas at pananampalataya.

Continue reading “Mga pamana ni Pangulong Cory Aquino”