Bagong video ni Katrina

Kung nabasa mo ang naunang entry ko, ang “Ibang Klaseng video ni Katrina,” heto ang naman ang bagong video niya. Follow-up ito sa naunang video. At may ilang oras pa para tayo makaboto sa entry niya sa 48 Hour Youtube Cannes Young Lions Ad Contest 2009. Just go to www.youtube.com/canneslions and search for LEAD by thecheshirecatgrin.

Continue reading “Bagong video ni Katrina”

Ibang klaseng video ni Katrina!

Punung-puno ang blogosphere ng entries tungkol sa sex video nina Hayden Kho at Katrina Halili nitong mga nakalipas na araw. Ayaw humupa ng balita, ang bogus download links ay bumabaha, at busy pati mga pirata.

Pero kung sawa ka na sa Katrina-Hayden video at cellphone scandals, siguro’y magiging intresado ka ibabahagi kong video ng kaibigan kong si Katrina Encanto. Iba ito!

Continue reading “Ibang klaseng video ni Katrina!”

Ako Mismo

Ako Mismo

Agad akong nag-sign up nang makita ko ang AkoMismo.org — hindi lang dahil Ely Buendia fan ako, kundi dahil nagustuhan ko ang kampanya.

Hinihiling ng Ako Mismo sa mga Pinoy netizens na isulat ang kanilang pangakong gagawin — maliit man o malaki — “tungo sa muling pagbangon ng Pilipinas.”

Sabi nga nila, ang pagbabago’y mag-uugat sa ating sarili. Upang maisulong ang isang rebolusyon, dapat ay magkaroon muna ng pagbabago sa atin mismong pagkatao.

Continue reading “Ako Mismo”

NUJP: 'Nothing to celebrate' on World Press Freedom Day

Below is the statement of the National Union of Journalists of the Philippines on World Press Freedom Day 2009:

NOTHING TO CELEBRATE

Again, the working journalists of the Philippines mark World Press Freedom Day not in celebration of its vibrant existence but by renewing our vows to continue struggling to bring it to full fruition and remembering our many colleagues who have lost their lives in its pursuit.

Continue reading “NUJP: 'Nothing to celebrate' on World Press Freedom Day”

Panalo na naman si Pacman

Kanina, habang nakikinig sa radyo — wala kaming pay-per-view at di ako makagamit ng Internet — ng coverage ng laban ni Manny Pacquiao, naalala ko ang namayapa kong lolo na si Tatay Andoy. Nakakaaliw siya kapag nanonood ng boksing noong bata pa ako. Medyo maingay siya, at napapasuntok pa sa hangin. Kanina, para siguro akong si Tatay Andoy.

Paano ba namang di ka mapapahiyaw sa pakikinig — hindi pa yan panonood, ha — kung sa unang round pa lang ay dalawang beses bang natumba ang kalaban? At sa ikalawang round pa lang, na-knock out na agad ni Manny Pacquiao si Ricky Hatton.

Panalo na naman si Pacman. Napasama pa nga siya sa Trends o popular keywords ng Twitter kanina. Pati mga artista sa Hollywood, namangha. Nasa mapa na naman tayo. Dininig ng langit ang mga dasal ni Aling Dionesia. Masaya na naman ang bayan ng Pambansang Kamao. Congrats, Manny; congrats, Pinas!