Blogging from home

May mga dalawang oras na mula nang makarating ako rito sa bahay namin sa Marinduque, pagkatapos ng may kalahating araw na biyahe. Umalis ako sa Kamuning around 8am: Jeep -> bus -> tambay sa port kasi naiwan ng barko -> barko -> jeep -> tricycle, at nakarating sa bahay around 8pm.

Nakahiga na si Nanay Diding nang dumating ako. Patulog na yata sila, pero nabulabog sa pagdating ng panganay niyang apo. Nung birthday pa niya earlier this year ako huling nakauwi. After kong ibigay ang mga pasalubong kina Nanay, kumain muna saka kami tumawag sa mga tiya ko sa Germany.

Sa ngayon, nakadapa ako sa banig na nakalatag sa sahig na kawayan ng munti naming bahay. Ayoko sanang magkulambo pero mukhang mapipilitan ako dahil nagpapakitang gilas na ang mga lamok. Tila gusto pa ngang makipag-agawan ng kanilang ugong sa huni ng mga kuliglig sa paligid.

Share ko lang: Dati’y pangarap ko lang siguro na balang araw ay magkakaroon ako ng Internet connection at makakapag-blog habang narito’t padapa-dapa nang ganito. Nagkatotoo rin. Salamat sa Yahoo! at sa Smart Bro! 😀

Continue reading “Blogging from home”

Bakit dapat mag-sorry?

Sana nga, totoong nagbibiro lang si Pangulong Cory Aquino nang mag-sorry siya kay Erap dahil sa naging papel niya sa pagpapatalsik sa dating pangulo noong EDSA 2.

Noong 2005, nang sabihin ni Tita Cory na pinagsisisihan na niya na nakatulong siya sa pagkakaluklok ni Gloria Arroyo sa puwesto, ganito ang bahagi ng isinulat ko:

Pero kahit naiintindihan ko ang feelings ng iginagalang na dating Pangulo, bilang bahagi ng People Power 2 ay wala akong pinagsisisihan. Katulad ng ipinaglalaban ng mga mamamayan sa mga pagkilos upang paalisin si Gloria ngayon, katotohanan at katarungan din ang sigaw natin sa EDSA at Mendiola noong 2001. Tumalikod sa interes ng masang kanyang ipinangakong pagsisilbihan — at kumita pa mula sa kanilang barya-baryang taya sa jueteng — ang noo’y nakaupong pangulo. Hindi mali at hindi dapat pagsisihan ang pagpapaalis sa kanya.

Ganyan pa rin ang paniniwala ko, kaya nga sumali ako sa grupong ito sa Facebook.

Bloggers' Kitaan (Singapore Edition) 2

Leonard, Ederic, Alex, Anna, and JR sa Clarke Quay
Leonard, Ederic, Alex, Anna, and JR sa Clarke Quay
Biyernes noon, isang araw bago mag-a-trese. Pagkagaling sa opisina, kumain muna ako, umuwi sa hotel, at pagkatapos ay sumakay na sa MRT papuntang Clarke Quay.

Ito na ang araw na pinakaaabangan ng isang segment ng Pinoy blogosphere sa Singapore (at least lima katao ang part ng segment na yun, hehe) — ang Blogger Friday Riot Night.

Naunang dumating sa kitaan sina JR at Anna. Pagdating ko, naghihintay na sila sa amin. Sabi ko, dahil late kami,mag-date muna sila, hehe. Naglakad-lakad muna kami para maghanap ng makakainan.

Maya-maya, nag-grand entrance na sina Leonard at Alex. Sinalubong sila ng banda (na may tatlo katao na walang dalang instrumento). Nagkasundo na rin sa kakainan. Hooters! Hooters! (Naalala ko tuloy ang paborito kong pelikulang Big Daddy ni Adam Sandler.)

Continue reading “Bloggers' Kitaan (Singapore Edition) 2”

Nung isang linggo…

Sa tradisyon ng sinaunang blogging, noong mas ginagamit itong personal journal (gaya ng ginagawa ni Jon), narito ang mga kuwento ko para sa nakalipas na linggo.

Matapos naming maligaw noong Martes, kinabukasan ay naganap ang malungkot na pangyayari sa kumpanya. Bakit ba laging may mga pamamaalam?

Kinabukasan, binusog ang sarili sa masarap na pagkain sa Pepper Lunch kasama ang isang katrabaho’t kaibigan. Hahanapin ko ang branch nito sa Maynila pag-uwi ko para makakain kami ni Mhay roon.

Continue reading “Nung isang linggo…”