Parke ni Bonifacio

Lagi naming nadaraanan ang monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Balintawak kapag pabalik kami sa Maynila galing Pampanga. Ngunit di gaya ng bantayog ng ibang mga bayani — gaya ng kay Gat Jose Rizal sa Luneta, halimbawa — o ng mas malaking Bonifacio monument sa Grace Park, Kalookan, ang nasa may Balintawak ay parang hitsurang napabayaan. O pinabayaan.

Hindi nililinis ang paligid. Luma ang mga watawat. Parang monumento limot na bayani. At tinatambayan ng mga walang matirhan sa lunsod. Sa unang tingin, parang kawawa ang monumento. Pero kung pakaiisipin, di nga ba’t sa kanyang buhay, ang kasama ni Bonifacio ay ang masa? Di ba’t ayos lang na ang kanyang bantayog ay maging pahingahan at kanlungan ng mga kinakawawa ng lipunan?

Ano sa palagay ninyo? Ang ganitong kalagayan ba ng munting parke ni Bonifacio sa Balintawak ay pambabastos o pagbibigay-pugay sa kanyang alaala?

Singapura

Noong di pa ako nakatira sa apartment namin ngayon sa Quezon City, nasa first floor ng building ang restaurant na Singapura Rasa. Parang minsan lang ata ako nakakain doon dahil may kamahalan at kailangang maghintay nang may katagalan bago makakain. Nang wala na roon ang restaurant — di ko alam kung lumipat o nagsara — saka naman kami nakakahanap ng space roon.

Welcome to SingaporeThese past weeks, lagi kong naaalala ang Singapura Rasa. Halos isang buwan na rin kasi akong nandito sa Singapore. May training ako para sa bagong trabaho ko as editor sa Yahoo! Philippines.

Sa isang hotel ako nag-i-stay, at nilalakad ko lang pauwi sa gabi. Safe naman daw rito. Saka nasanay na rin ako nung nasa GMA pa ako, kasi madalas din kaming naglalakad pauwi noon. Pagdating sa hotel, kadalasan ay lumalabas ako ulit at kumakain sa Kopitiam at pagkatapos ay tumatambay ako roon o sa Nanyang Academy of Fine Arts para sa libreng WiFi.

Continue reading “Singapura”