Published October 28th, 2008
Joc time at bolahan muna
Luma na ito, pero napapanahon naman:
Anong joke ang di nakakatuwa?
Eh, di… Joke-Joke Bolante!
Luma na ito, pero napapanahon naman:
Anong joke ang di nakakatuwa?
Eh, di… Joke-Joke Bolante!
Kahapon ginanap ang DigitalFilipino.com Club and Bloggers Manila Networking Event, pero kahapon din lang ako nakapag-confirm ng attendance. Kahit nakabakasyon, medyo puno schedule ko ngayong mga araw na ito.
Sa Starbucks 6750 ang kitaan, kaya bago mag-5p.m. ay pumunta na ako roon. Di ko man hilig bumili ng napakamahal na kape nila, napilitan din ako. Wala kasi akong nakitang ibang blogger sa mga table, maliban kay BillyCoy, na mukhang di naman ako nakita o nakilala. Pero paglabas ko bitbit ang isang basong kape, saka ko nakita sina Janette at Tonyo. Doon na kami naghintay ng bus na magdadala sa amin sa Casino Filipino sa Paranaque, ang venue ng kitaan.
Kinunan ang larawan namin ni Among Ed Panlilio noong bumisita ang Bloggers’ Kapihan sa Pampanga upang ilunsad ang blog ng butihing paring ngayo’y gobernador ng Pampanga.
Isa rin siya sa mga pinili ko sa Top 10 influential bloggers ng Digital Filipino.
Nalaman ko ngayong umaga lang na ang kuwento niya pala ay itatampok mamayang gabi sa Reporter’s Notebook ng GMA-7. Malalaman natin kung bakit gusto siyang i-recall ng mga pulitikong Kapampangan.
Narito ang mga buod ng palabas mamaya sa RN, GMANews.tv
Ang ambag ko sa Blog Action Day sa Pilipinas at sa buong mundo:
Kung nag-aaral ka pa lang, lagi mong maririnig sa mga matatanda: “Mag-aral kang maigi. Magsumikap ka upang makaahon tayo sa kahirapan.” Tama lamang na sundin ito, sapagkat tunay na ang edukasyon ay makapagbubukas ng maraming oportunidad.
Sa kabila nito, hindi dapat kalimutan ng bawat isa — mag-aaral man o hindi — ang kahalagahan ng pakikisangkot at pagsusuri sa mga problema ng bansa, gaya ng kahirapan. “Huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay makasagabal sa inyong edukasyon,” ang paghahalaw ng isang kanta sa musical tungkol sa buhay ni Lean Alejandro sa isang sikat na quotation ng dakilang manunulat na si Mark Twain.