Monthly Archives: July 2008

WordCamp Philippines 2008

WordCamp PhilippinesSasali ako sa WordCamp Philippines 2008 — ang pinakaunang WordCamp sa bansa at sa buong Southeast Asia. Isa itong pagtitipun-tipon ng users at developers ng WordPress, ang nangungunang blogging software sa mundo, na gaganapin ngayong  Setyembre 8, 2008 sa Augusto-Rosario Gonzalez Theater, College of Saint Benilde sa Manila.

Layunin ng WordCamp Philippines na maparami pa ang mga blogger na gumagamit ng WordPress, gayundin ang mga developer na gumagawa ng plugins at themes (o disenyo) para sa WordPress.

    Continue reading

    Malacanang admits attempt to deceive people over P0.50 promo text rate — TXTPower

    PRESS STATEMENT
    July 30, 3008

    Today, Malacanang indirectly admitted that President Arroyo deliberately lied to the public in her SONA speech when she announced the alleged new P0.50 price of text messaging.

    Malacanang’s press office today released separate statements coming from Smart, Globe and Sun that separately say that the P0.50 price announced by the President is ONLY A PROMO OR A GIMMICK.

    Continue reading

    Bench Blackout at mini-EB ni McBilly

    Larawan Mula sa Bench website

    Larawan Mula sa Bench website

    Sa gabi ng Biyernes, Hulyo 25, na ang Bench Blackout, ang denim and underwear fashion show ng Bench. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

    Isa sa mga modelong sasali sa palabas na ito ang Cebu-based blogger na si McBilly, at nais niyang samantalahin ang pagkakataong ito upang makasamang gumimik ang mga blogger na narito sa Kamaynilaan.

    Dahil dito, isang bloggers’ mini-EB ang in-organize niya sa Hulyo 27, Linggo — dalawang araw matapos ang Bench Blackout — 7 p.m., sa SM Megamall. Dahil di pa nag-o-offer ang Bench na i-sponsor ang blogger’s EB, KKB muna ito.

    Continue reading

    Subok ng Bloggers' Kapihan sa high-tech na pagboto

    Ipinakita kahapon ni Comelec spokesperson James Jimenez sa Bloggers’ Kapihan ang mga bagong teknolohiyang gagamitin sa 2008 ARMM elections inaasahang magagamit sa pambansang halalan sa 2010.

    Sinusubukan ni Carl Marc ang direct recording electronic

    Sinusubukan ni Carl Marc ang direct recording electronic machine habang kinukunan siya ni Mong.

    Kasama ang ilang estudyante at guro ng UP Manila at DLSU-Dasmarinas, sinubukan ng Bloggers’ Kapihan crew — naroon kami nina Mong at Tonyo — ang high tech na pagpili ng kandidato gamit ang Direct Recording Electronic (DRE) method.

    Sa mas high-tech na paraang ito, gamit ang voting pad na kinalalagyan ng pangalan at larawan ng mga kandidato, diretsong maiipasok ng mga botante sa mala-ATM na device ang kanyang boto.

    Continue reading

    Eraserheads reunion concert ngayong sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas

    Gaya ng maraming kabataan ng dekada 90, naging bahagi ng aking mga karanasan ang mga awitin ng Eraserheads. Minsan ko nang naisulat na “ang mga awitin ng banda ay parang soundtrack ng aking buhay, lalo ng ng aking college life: ‘Minsan’, ‘Sembreak’, ‘Pare Ko’, ‘Yoko’, ‘Overdrive’, ‘Harana’, ‘Para sa Masa’, ‘Tuwing Umuulan at Kapiling Ka’, at marami pang iba.”

    Kapag naririnig ko ang kanilang mga kanta, sinusundo ng himig at tinig ng E-heads ang mga alaala ng aking buhay sa Unibersidad ng Pilipinas: ang Kalayaan Residence Hall at mga nakabarkada ko rito, ang mga bakasyon, ang nangagkawala nang college friends; ang masaya ngunit puno ng pakikibaka, makulit at magulong mga kuwentong Peyups; ang mga gunita ng ‘good old days’.

    Kaya naman ngayong ipinagdiriwang ang sentenaryo ng UP, isa ako sa mga naghahangad na makitang muling tumugtog nang magkakasama sina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro, na pawang mga taga-UP rin.

    Continue reading