Manny Pacquiao vs David Diaz

Update: Panalo si Pacquiao. bagsak si Diaz sa ikasiyam na round!

Nanonood kami sa Smart Mobile TV ng laban nina Manny Pacquiao at David Diaz habang nasa biyahe papunta sa birthdayhan.

Nagsisimula na ang boksing! Suntukan na! Sana naman, manalo ulit si Pacman para maibsan kahit katiting ang masakit na pag-knockout ni Frank sa ating mga kababayan.

Para sa latest updates sa laban, laging i-refresh ang front page ng GMANews.TV.

Trahedya at alaala

Kahit nagtatrabaho ako ngayon sa isang estasyon ng telebisyon, at kung tutuusin ay sanay nang makaranas at makarinig ng mga trahedya, minsa’y iniiwasan ko pa ring mapanood ang mga balita tungkol sa mga nagdadalamhating kaanak ng mga nasawi at nawawala sa paglubog ng M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines.

Pamilyar sa akin ang pagkapagal, ang kawalan ng katiyakan at kawalan ng pag-asa, at ang sa huli’y napakasakit na pagharap sa katotohanan ng kanilang paglisan. Ang bawat palahaw ay tila sarili kong sigaw ng pighati; ang bawat hikbi ay sarili kong hagulgol.

Sa bawat trahedyang ganito, muli at muling ibababalik ng pagbabalita namin alaala ng sarili kong pagluluksa nang kunin ng dagat ang buhay ng aking ina habang lulan ng M/V Viva Antipolo VII mahigit 13 taon na ang nakakaraan.

Sa hotel

This is a DigitalFilipino.com Club sponsored post for Budget hotels in the Philippines.

Noong nagtatrabaho pa ako sa isang wire agency, may mga pagkakataong pinatitigil ako nang isang gabi ng boss ko sa isang maliit na hotel na malapit sa aming opisina sa Makati. May kalayuan at matrapik kasi ang biyahe sa tinutuluyan ko noong bahay ng tiyo ko sa Novaliches, kaya’t kung maaagang-maaga ang coverage, posibleng mahirapan ako. Ambait, di ba?

Aliw na aliw ako kapag tumutuloy sa hotel na iyon, at wala akong pakialam kung sinu-sino ba at anu-ano ang ginagawa ng mga kalapit-kuwarto ko. Parang bata akong naglalaro ng tubig sa banyo at naglulunoy sa bath tub — wala kasing ganoon sa bahay namin. Sisilipin ko ang Makati skyline sa bintana, titingnan ang palabas sa TV, at kapag nagsawa’y matutulog nang nakatalukbong dahil sa lamig ng aircon. At dahil nasa sentro ng kalunsuran, kinabukasa’y agad akong nakakapunta sa coverage. Kapag sinusuwerte, nakaka-scoop pa.

Ngunit di lang mga tulad kong spoiled na empleyado (noon) ang nakikinabang sa ginahawa ng pansamantalang pagtuloy sa hotel, lalo na sa mga abot-kaya ngunit maganda ang serbisyo. Tinutuluyan din ang mga ito ng mga negosyanteng galing sa probinsiya at mga lokal na turista, at malaking tulong sa mga balikbayan at OFW na walang matutuluyan sa Kamaynilaan. Budget hotels in the Philippines, gaya ng Legend Hotels, ang siguradong hahanapin nila pag-uwi sa bansa.

Iskolar ng Bayan sa I-Witness

Tatlong mag-aaral mula sa public school na papasok ng UP Diliman ang sinundan ni Howie Severino para sa I-Witness. Dala-dala ng bawat isa ang pag-asa ng kanilang pamilya at komunidad, at ang tatak bilang miyembro ng centennial batch ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang isa ay anak ng pulis mula sa Leyte, ang isa ay anak ng fishball vendor sa Maynila, at ang pangatlo ay anak ng jeepney driver. Sila ang mga kabataang tunay na maituturing na iskolar ng bayan, sa isang pamantasang unti-unting napupuno na ng mga maykayang mag-aaral mula sa mga exclusive high school.

Continue reading “Iskolar ng Bayan sa I-Witness”

UP Sentenaryo

UP centennial logoIka-100 taong anibersaryo ng Unibersidad ng Pilipinas kahapon. Gusto ko sanang pumunta sa campus para mailahok sa pagdiriwang, pero nang magising ako’y nasa kalagitnaan na ng selebrasyon sa Diliman. Sinundan ko na lang ang live updates ni JM sa Twitter (tingnan ang mga larawan sa blog niya; sa mga galing sa Google, sorry, walang oblation run pictures, hehe). Itinuloy ko rin ang pangongolekta ng URL ng UP bloggers para sa blog directory ng UPAlumni.net.

Balak ko sanang yayain si Mhay sa kampus pagkauwi ko galing opisina kagabi, pero kahapong umaga ko lang nalaman na ang Pamantasang Hirang centennial concert pala ay hindi sa UP gagawin, kundi sa Cultural Center of the Philippines. Eh kung sumugod man kami roon kagabi, baka pagdating namin ay puno na lahat ang 1,800 na upuan. Di na nga napagbigyan ang lahat ng mga hinihinging tiket ng mga opisina sa Diliman. Sabagay, hanggang bukas na gabi pa naman iyan.

Continue reading “UP Sentenaryo”