Blog launch ni Jun Lozada mamaya

Jun Lozada

June 1 update: Nasa www.jlozada.com na ang blog ni Engr. Rodolfo Noel “Jun” Lozada. Ang una niyang post ay isang mensahe para sa kabataan.

Sana’y mapaunlakan ninyo ang paanyaya ng Bloggers’ Kapihan sa paglulunsad mamaya ng blog ni Jun Lozada — ang pangunahing saksi sa pagdinig ng Senado sa ZTE deal.

Gaganapin ito ala-una ng hapon mamaya sa Kape Tasyo sa 2nd Level Anonas Commercial Complex, Project 3, Quezon City.

Dadaluhan ang blog launch ng Bloggers’ Kapihan Crew at mga kaibigang bloggers. May libreng kape at wifi Internet connection sa Kape Tasyo, kaya’t makakapagsulat at makapag-post sa blog niya si Jun Lozada, at makakapag-live blog ang mga dadalo. Inaasahan din siyang magbigay ng talumpati.

Ang Bloggers’ Kapihan ay sinimulan ng ilan sa mga kabataang bloggers sa Pilipinas. Sa Bloggers’ Kapihan, maaaring pag-usapan ang iba’t ibang isyung kinakaharap di lamang ng Pinoy bloggers kundi pati ng lipunang Pilipino. Pagkakataon din ito upang magkita-kita at magkasama-sama ang mga blogger, na kadalasa’y sa Internet lamang nakakapagtalastasan.

Imbitado kayo sa blog launch nina Jun Lozada at Among Ed Panlilio

Mula sa Bloggers’ Kapihan:

Malugod kayong inaanyayahan ng Bloggers’ Kapihan sa magkasunod na blog launches sa dalawang susunod na Sabado. Sasamahan ng BK Crew sa paglulunsad ng kanilang blog sina Jun Lozada – ang pangunahing saksi sa pagdinig ng Senado sa ZTE deal — at Among Ed Panlilio — ang gobernador ng Pampanga na iniluklok ng “people power” noong nakaraang halalan.

Samahan ninyo kami sa Sabado, May 31, 2008, 1pm sa Kape Tasyo sa Anonas, Quezon City sa blog launch ni Jun Lozada.

Sa Hunyo 7 naman, 30 bloggers ang dadalhin ng Bloggers’ Kapihan sa Among Ed blog launch. May libreng sakay, pagkain at pamamasyal sa Pampanga para sa mga sasama.

Abangan sa BK website ang kumpletong detalye ng mga gawaing iyan. Samantala, pakimarkahan na ang inyong kalendaryo para muli namin kayong makadaupang-palad sa susunod na dalawang Sabado.

May isinulat na rin tungkol dito si Shari, kasama ko sa BK Crew.

UP@100: Capturing 100 UP Moments

Inilulunsad ng ilang bloggers na taga-UP, sa pangunguna ni Coy, ang isang proyekto para sa Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas ngayong Hunyo — ang “UP@100: Capturing 100 UP Moments”. Isa itong music video project na mag-iipon ng may 100 larawan at video mula sa mga alumni at mag-aaral ng UP. Layunin nitong maipakita ang 100 kakaibang sandali sa UP mula sa 100 iba’t ibang pananaw sa nakalipas na isandaang taong pag-iral ng Pamantasan.

Inaanyayahan namin kayong sumali sa gawaing ito. Narito ang mga panuntunan:

Continue reading “UP@100: Capturing 100 UP Moments”

Si Prof. Luis Teodoro at ang pananagutan sa blogging at peryodismo

Luis TeodoroNitong mga nakalipas na araw, sunud-sunod na batikos ang ipinukol ng ilang bloggers kay Prof. Luis V. Teodoro matapos iulat ng abs-cbnNEWS.com na sinabi niyang dapat mag-blog ang mga peryodista upang maging halimbawa ng iba sa Internet.

Si Dean Teodoro o LVT ay dating dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas, at guro’t idolo ng maraming peryodistang sinanay niya sa UP, kabilang na ako.

Unang pumutak si Dean Jorge Bocobo ng Philippine Commentary. Sa isang malinaw na halimbawa ng walang tuos at di-makatotohanang panulat, iniugnay niya sa CPP-NPA at sa publikasyong ng Ang Bayan si Prof. Teodoro at tinawag na “leftist” ang Center for Media Freedom and Responsibility — na dati kong pinagtatrabahuhan.

Inatake rin nang todo ni Bocobo ang mainstream media at ang corruption dito. Pinaliguan din niya ng papuri ang blogosphere samantalang sinabing nagiging extinct na ang media.

Continue reading “Si Prof. Luis Teodoro at ang pananagutan sa blogging at peryodismo”

Ang "Pagbabago" ni Mr. Shooli

Nakakairita yung patalastas sa telebisyon ni Jun Urbano — na mas kilala bilang Mr. Shooli — tungkol sa pagbabago. Sumunod daw sa batas at magbayad ng tamang buwis. Nang mapanood ko ang bahaging nagsasabing ang mga negosyante’y dapat magbayad ng tamang buwis, ang naisip ko’y maski magbayad sila ng tamang buwis, kung mga kurakot ang mga nakaupo, wala ring kuwenta.

Pero may idinagdag din naman siyang dapat daw huwag maging corrupt ang mga pulitiko. Sabihin niya iyan sa mga nakaupo. Ewan ko kung pakikinggan siya.

Continue reading “Ang "Pagbabago" ni Mr. Shooli”