Web 2.0 at iblog 4 sa News on Q

Speaking of the Internet, ipinalabas kagabi ang bagong tech segment ni Michael Josh Villanueva a.k.a Cyberprince, tech guy ng News on Q. Dati ay may sikat na podcast si Josh, ang Hot Interesting Topics (HIT). Sa unang labas ng bagong segment ay ipinaliwanag niya ang Web 2.0. Itinampok dito ang panayam sa ilang bloggers na dumalo sa iblog 4.0, na dinaluhan din namin noong Sabado. Abangan ninyo ang mga susunod na labas ng segment na ito sa News on Q, which airs weeknights, 9:30pm, on QTV-11.

Mhay, Ederic and Josh at iblog 4Nakapagsimula na ang iblog nang dumating kami ni Mhay (na nag-liveblog) sa UP College of Law Auditorium. Napakinggan namin sina Karlo Licudine (student to problogger), Juned Sunido (photoblogging), at Jonas Diego (web comics). Kinailangan naming umalis nang maaga upang mamili ng mga gamit sa apartment.

Continue reading “Web 2.0 at iblog 4 sa News on Q”

Asteeg ang Internet

Kakatapos ko lang makipag-chat gamit ang pinakabagong feature ng Facebook kay Ate Dory, pinsang buo ng Mama ko na sa United Kingdom na naninirahan.

Hindi pa kami nagkita kahit kailan. Kahit sila ng Mama ko, di rin nagkakilala masyado dahil ang isa’y sa Marinduque lumaki, at ang isa ay sa Mindoro. Pero sabi ko nga sa kanya, lagi siyang nababanggit sa mga kuwento sa bahay, lalo na kapag tungkol sa mga nasa kamag-anak na nasa abroad ang usapan. So kahit di kami magkakilala talaga, parang kilala ko siya.

Continue reading “Asteeg ang Internet”

Oyayi sa Mundo

Oyayi sa Mundo
Buklod/Noel Cabangon

Sa duyan ng kalawakan
Hayaang maghilom ang mga sugat sa ‘yong dibdib
Na likha ng mga tao

At itigil nang ‘sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay

At itigil nang ‘sang saglit ang iyong paggalaw
Pagkat sa muli mong pag-inog ay may bago nang buhay

Aking mundo
Ihimlay ang pagal mong katawan

* Pakinggan ang version ni Noel Cabangon sa JoeyAyala.com

Populasyon ng Pilipinas

November 1, 2014 update:

Narito ang estimate ngĀ Commission on Population ng populasyon ng Pilipinas:

Samantala, base sa 2010 Census of Population and Housing ng National Statistics Office, ang total population of the Philippines as of May 2010 ay 92,337,852.

Ang bilang ng census hanggang sa barangay level ay ginawang opisyal ng paglagda ni Pangulong Noynoy Aquino sa Proclamation No. 362 noong March 30, 2012.

Sa mga naghahanap ng populasyon sa bawat rehiyon, lalawigan, bayan, at baranggay, i-click ang link na ito.

'Nang dahil sa pag-ibig', Palm Centro at PBA

Bukas muna ang sari-saring kuwento. Plugging muna ako. Ngayon ko lang nai-upload sa Titik ni Ederic ang “Nang dahil sa pag-ibig”, na noong Pebrero ko pa naisulat para sa Pinoy Gazette.

Sa MakaPalm naman, bagong balita ang pagdating sa Pilipinas ng Palm Centro.

At nabalitaan na rin ng Manila Blog Times, ang pagbubukas ng nominations sa Philippine Blog Awards.