Harangan

Pinapanood namin sa TV ang mga balita tungkol sa panghaharang ng mga pulis sa Laguna sa mga relihiyoso at estudyanteng gustong sumama sa rally sa Makati nang tumawag sa akin si Jhay. Ang grupo raw nila mula sa La Salle Dasmariñas ay hinaharang din ng mga pulis sa Cavite.

Saan pa kaya may harangan?

Hindi tayo naglalaro ng chess…

… pero marami ang nag-abang kahapon sa galaw ng bishops tungkol sa kalagayan ng queen.

Mayroon sa ating mga nag-isip na baka poposisyon na ng black or white ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa lumalawak na panawagang magbitiw ang Pangulo dulot ng umano’y katiwalian sa kanyang pamumuno. Pero nabigo ang mga umasa.

Basahin ang kanilang pastoral letter na Seeking the Truth, Restoring Integrity. Continue reading

Naging Cory ‘campaign leader’ ako noong 1987

Posted by mobile phone:
Ang pinakamaagang alaala ko ng unang EDSA People Power Revolution ay hindi pa tungkol sa mismong pag-aalsa, kundi sa kampanya para sa halalang pampanguluhan ng 1986.

Ang tinutukoy ko ay ang maliit na sticker na bilog ng UNIDO, ang alyansang naglunsad sa kandidatura nina Pangulong Cory Aquino at Pangalawang Pangulong Doy Laurel. Naaalala kong may nakadikit na ganoong sticker sa sasakyan ng mga pinsan ko. Marahil ay nabigyan din ako ng sticker na iyon o kaya nama’y sadyang milyon-milyong piraso ang ginawa para makita ito noon kung saan-saan. Kung hindi, bakit di ko ito malimutan kahit di na malinaw ang eksaktong detalye ng sticker?

At noong nasa Grade 2 ako — isang taon pagkalipas ng unang EDSA — gumanap naman ako sa isang dula bilang campaign leader ni Cory. Nakipagdebate ang aking karakter sa mga tagasunod ng diktador na si Ferdinand Marcos. Kung tama ang pagkaalala ko, nakumbinsi namin ang mga loyalista, at sa huli’y nagkasama-sama kami sa likod ng bagong pangulo.

Gusto kong makakita ulit ng sticker na dilaw — o yellow orange — ng UNIDO. Gusto ko ring mahanap ang script ng dulang sinalihan ko.

Dahil may pasok sa opisina, hindi ako makadalo sa alinmang paggunita o pagtitipon upang alalahanin ang unang EDSA at isulong ang isa pa. Magpapatugtog na lang muna ako ng “Handog ng Pilipino sa Mundo,” “Magkaisa,” at “Heal Our Land.”

Nursing Board Exam Results, lumabas na

Inilabas na ng Professional Regulation Commission kamakalawa ang resulta ng December 2007 nurse licensure examination.

Narito ang listahang ng mga bagong nurse na naka-post sa GMANews.tv:

» List of New Registered Nurses Full
» List of New Registered Nurses A-G
» List of New Registered Nurses H-M
» List of New Registered Nurses N-S
» List of New Registered Nurses T-Z
» List of New Registered Nurses Retakers

Congratulations sa mga bagong nurse. Sana’y maglingkod muna kayo sa ating bansa. 😉

Marc Nelson, Rovilson Fernandez at ang mga binibini ng Amazing Race

Noong Valentine’s Day, pagkahatid kina Nanay ay bumiyahe na ako pabalik sa Maynila. Bad trip sa biyahe dahil sobrang traffic. Dahil medyo gabi na ako nakarating — at dahil may ginagawa rin siya para sa school, hindi na kami lumabas ni Mhay. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain — at nanood ng huling episode ng The Amazing Race Asia (TARA) 2.

May ilang episodes ng Amazing Race na napanood ko noon. Naalala ko pa yung naroon si Maui Taylor, opps, si Luli Arroyo pala, at nagsabing “Mabuhay, Welcome to the Philippines.”

Nang magkaroon ng TARA, gusto ko rin sanang manood dahil nakasali si Aubrey Miles. Kaya lang, siya at ang kanyang partner ay agad na natanggal. Sa ikalawang season, nabalitaan kong nakasali sina Marc Nelson, isang modelo at TV host, at Rovilson Fernandez na TV host din at magazine editor, pero di ako kaagad nanood.

Continue reading

Maospital ay di biro

Hindi nga pala biro ang pagpapaospital kung wala kang Philhealth o Medikard — at wala ka ring masyadong pera. Sa totoo lang, matutuliro ka.

Sinimulan kong sulatin ito noong nasa United Doctors Hospital sa Lucena City kami nina Nanay (lola ko) at Tito Rod. Ipinayo kasi ng doktor ni Nanay na ipatanggal ang tubig sa kanyang namagang tuhod na  nagdudulot ng matinding sakit kapag tumatayo o naglalakad.

Continue reading

Nasaan na ang mga payapay?

Posted by mobile phone:
Akala ko’y wala na ang mga payapay sa lalao
na aking inahabol, inahuli noong bata pa ako.
Pero naro’n pa pala sila kasama ang mga suso.
Natakbo’t napasok sa butas pag naramdaman ako.
Parang lumiliit sila at di na
singkulay ng dati.
O baka lumaki’t tumangkad laang ako at lumabo ang mga mata
at gumulang na rin ngani
kaya di ko na makita na gaya noong una
ang napakaliliit na mga katang na may yanong lalaking sipit.

Simbahan

Simbahan

Simbahan ng Parokya ng Banal na Krus

Kanina pa ako nanonood ng testimonya ni Jun Lozada sa Senado. Naaawa ako dun sa tao. Kapag pumasok ka talaga sa sistema, lalamunin ka. Kapag sumalunga ka naman, dudurugin ka. Sana dumating ang panahong hindi na ganoon ang sitwasyon.

Nakakaiyak ang kuwento ni Lozada. Nakakaiyak sa iba’t ibang dahilan, sa iba’t ibang antas. Nakita ko ngang may isang madre sa likod niya na nagpupunas ng mata. Yung isa naman, nagpupunas ng ilong. Ewan ko lang kung naapektuhan din sila ng kuwento ni Lozada.

Noong Disyembre, habang sinusubaybayan ang usapin ng magsasaka ng Sumilao, may isinulat akong artikulo tungkol sa pagkalinga sa kanila ng Simbahang Katoliko. Ganito muli ang naramdaman ko nang makita ko kahapon ang mga madre at paring nagsilbing guwardiya ni Lozada. Narito ang artikulo:

Simbahan

Noong bata pa ako, mas relihiyoso ako. Regular na nagsisimba ang Nanay at Tatay (lolo at lola ko) at coordinator ng mga katekista ang aking ina. Mistulang playground ko ang compound na kinalalagyan ng simbahan ng parokya, ng kumbento ng mga madre, at ng tirahan ng mga pari. Isa sa mga paborito kong laruan noon ang stuffed toy na kabayo mula sa kaibigan naming madre na si Sister Paula. Nakarating pa nga sa bahay namin ang isang dating obispo ng Diyoseses ng Marinduque.

Ang Simbahan ang unang nagturo sa akin ng pakikisangkot at pakikialam sa mga nangyayari sa lipunan. Mula sa mga kanta gaya ng Pananagutan (Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang… / Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa / Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling N’ya); sa mga aral ng Panginoong Hesukristo (Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw) na itinuturo ng Simbahan; hanggang sa aktuwal na paglaban ng mga pari sa pagtatapon ng Marcopper Mining Corporation ng nakalalasong basura sa aming dagat, nakita ko ang kahalagahan ng pakikialam at pakikisangkot.

Ngunit habang lumilipas ang panahon, nagbabago tayo. Aminado akong bagamat di ako bumitaw, may ilang panahon na rin akong nagkulang sa mga tungkulin ko bilang Katoliko.

May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit tayo nalalayo sa Simbahan. Ang iba, nahahatak ng ibang relihiyon. May mga nagiging abala sa mga concerns sa mundo. May mga iba namang naiilang lang.

Sa isang entry sa kanyang blog, ganito ang isinulat ni Gang Badoy ng RockEd Philippines:

“Sometimes we recoil from the hypocrisy of what we think is ‘the church.’ Sometimes we let weaknesses of those who stand as representatives of her majesty ruin it for us. Sometimes we crack under the pressure of the whips of supposed discipline and order. And we cringe at the narrowmindedness of those who proclaim themselves — it. And maybe, just maybe, we drive away from it with the fuel of our unmet expectations.”

Ang grupo ni Gang ay sumusuporta sa pakikibaka ng mga magsasaka ng Sumilao para mabawi ang lupa ng kanilang mga ninuno. Noong Disyembre, nasaksihan niya ang buong pagkalinga ng Simbahang Katoliko sa mga magsasaka ng Sumilao at pagsusulong nito sa kanilang kapakanan. Dagdag niya sa isinulat niya:

“..I realized a small part of why it maintains its majestic robes and arched ceilings. When the weary walk in and say, ‘Help me.’

“And when they are welcomed with trumpets and numbers and symbols of nobility, sometimes that is most comforting. When you are up against the high and mighty and the powerful, the fist that will defend you should be equally powerful, if not more.

“…You go where you are safe, as children we know that. As adults, we sometimes forget. Because of the lapses of all parties involved. I have never doubted, I merely forgot.”

Minsan, dahil sa maraming pagbabago, nakakalimot tayo. Ngunit ang mga eksenang tulad ng nakita ni Gang nang akuin ng Simbahan ang pakikibaka ng mga taga-Sumilao ay nakapagpapaalaala sa atin at muling nakapagpapasigla ng ang ating paniniwala.

(Pinoy Gazette)