Sunog sa Antipolo

Habang nasa Antipolo Cathedral kami kahapong hapon sa kasal ng dalawang kaibigan, may nangyaring sunog na ayon sa mga naroon ay dulot daw ng mga tangke ng LPG. Kaya pala may mga naririnig kaming pumuputok. May tumalsik pang piraso ng bakal sa may tapat ng simbahan. Napatakbo nga ako, eh. Eto ang kuha ko noong paalis na ang sasakyan namin:

Benazir Bhutto

Posted by mobile phone:
Nagulat, nalungkot at nabagabag ako noong isang gabi nang mabalitaan ko ang pagkamatay ng Pakistani opposition leader na si Benazir Bhutto, ang naging kauna-unahang babaeng prime minister sa Pakistan at sa alinmang bansang Muslim. Kilala si Bhutto sa pagsusulong ng demokrasya sa kanilang bansa. Sa kabila ng mga kaso ng katiwalian sa kanya–na di ko pa napag-aaralan ang istorya–nakakapanlumo ang pagkawala ng isang pinunong lumalaban sa mapanupil na liderato sa kanyang bansa.

Di ko maiwasang isiping kung titigil ang tayong mga Pilipino sa pagiging mapagmatyag, maaaring muli tayong umabot sa sitwasyong gaya ng sa Pakistan–may mapanupil na diktador at ang kultura ng karahasa’y nagpadali sa pagpaslang sa mga sumasalunga. Base sa kilalang katangian at naunang karanasan natin sa nakaupong puno ng bansa, di ba’t kung makakalingat tayo’y baka tayo magaya sa Pakistan?

Sa habag ni Bathala, huwag naman sana!

OFWs na nakulong sa Saudi, humihingi ng tulong

May mga kababayan tayong OFWs sa Saudi na nakulong dahil hindi ipina-renew ng kanilang amo ang kanilang working permit doon. Narito ang liham (na unang nai-post sa   Tsikot.com) ng asawa ng isang kasama nila na nauna nang nakalabas:

A group of OFWs are currently unjustly imprisoned in Saudi Arabia in Cel# 6 Simisi Main Office of Jawasat because their employer had failed to process their eqama (work permit).

The OFWs, a team of automobile designers headed by Enrico Salgado Luga (tsikot nick – ehnriko), was originally recruited by their employer to design and build a truck, a first for Saudi Arabia. They initially arrived there last August 30, 2006 for a six month contract and proceeded to work for their employer.

The employer was initially kind to the team and paid their salaries on time. However he apparently soon encountered financial difficulties as project components weren’t procured promptly, causing significant delay. The team consequently had to extend their stay. However he gradually started delaying payment of their salaries as well and has not paid them for the last seven months. Moreover, their working hours were also extended to the point they hardly were given time off to rest.

Continue reading “OFWs na nakulong sa Saudi, humihingi ng tulong”

Maligayang Pasko!

Sa kabila ng kabi-kabilang kabalintunaan dito sa pugad ng ating luha’t dalita, nawa’y ang pagdiriwang natin ng araw ng kapanganakan ng ating Panginoon at Tagapagligtas ay magdala ng pag-asang magtatagumpay rin ang katotohanan at daratal din ang pagbabago at kapayapaang inaasam para sa ating bayan.

Maligayang Pasko sa inyong lahat!