Sa ika-144 na kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, watak-watak pa rin ang kanyang mga tagasunod.
Kahapon, ang mga rebeldeng sundalong tagahanga niya’y nagprotesta. Kinubkob nila ang Peninsula Manila at nanawagan ng panibagong pag-aalsa. Ngunit iilang dosena ang sumama. Sinundo sila ng mga tangke ng sundalong tapat sa rehimen at nakaposas na binitbit ng mga pulis.
Ang mga elitistang galit kay Gloria, naglalaro ng golf nang pumutok ang balita.
Kanina, inalala ng mga aktibista ang kaarawan ng Supremo. Wala sila sa mga kalsada kahapon sa kabila ng panawagan. Kanina ang araw nila.
Kanina, naglabas ng pahayag ng suporta at pakikiisa sa mga rebeldeng sundalo ang mga rebeldeng komunista. Atrasado nang isang araw ang reaksyon nila. Continue reading