Cybersenti (2)

Kagabi, pagkauwi namin galing Trinoma ay may natanggap akong text mula kay Karla. Siya at si Rick daw ay nasa isang kainan na malapit lang sa amin. Pinuntahan ko sila, at nalaman kong kasama pala nila sina Andrei at Bob. Hindi na ako nakikain, pero sa ilang minutong itinambay ko kasama sila ay napag-usapan namin ang mga lumang blogs, mga dating kachokaran sa Internet, at iba pa. Naikuwento ko rin kay Andrei na lately ay nagsusulputan ang Peyups.com cyberfriends ko.

Pag-uwi ko sa bahay, muli kong binalikan ang ihinahanda kong lahok sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2007 ng Digital Filipino. Sa kaka-click, napadpad ako sa timeline of Philippine blogs ng Philippine Internet Review, na gaya ng Digital Filipino ay proyekto rin ni Janette Toral. Eh, wala sa listahan ang blog ko. Bago ko hilinging maidagdag ito, naisip kong balikan muna ang kasaysayan ng aking personal blog at i-upload ang mga lumang files nito na nasa PC ko.

Continue reading “Cybersenti (2)”

Google Checkout already available in RP

Google CheckoutLooks like this isn’t a breaking news, but I decided to to write about it anyway.

When Google Checkout–Google’s payment processor–was first offered to Internet users, it was available only to those with a United States billing address. I was able to register using my Citibank Visa and an imaginary US address, which I fixed as soon as I was able to login.

Since I was able to register, I became a Checkout member member with a saling-pusa (tag along) status because I was using a Philippine issued credit card and a Philippine billing address. I tried ordering books and CDs from various sites–including Buy.com–and was surprised to find out that my Google Chekout account was actually working. There’s a twist, however, because while Checkout processed my order, I was told that the store does not ship to the Philippines. Continue reading “Google Checkout already available in RP”

May load ka pa ba?

Noong isang buwan, nakatanggap ako ng imbitasyon mula kay Karla ng Pinoycentric.com para sa isang tanghalian ng mga blogger sa Shangri-La Hotel sa Makati. Syempre, kahit jologs ako at takot sa mga kubyertos sa mga hotel, pumunta pa rin ako para makadaupang-palad ang iba pang mga blogger.

Pagdating ko sa pagtitipon, nakilala ko sina Aryty.com CEO Nils Johnson at Creative Director Daniel Neumann. Mula sa New York, sinadya nila ang Pilipinas at nakipag-EB sa ilang bloggers upang ipakilala ang kanilang kumpanya.

Natuwa rin ako’t ilan sa mga kaibigan kong bloggers ang mga naroon sa kita-kits na ‘yun. Nakadalo si sina Markku, Aileen, Sasha, Gail, Mike, Jayvee, Ajay, J. Angelo at Caren, at Venorica.


Ako kasama sina Daniel, Aileen, Markku at Karla. (Ang larawan ay ninenok ko sa Multiply ni Sasha)

Sa pakikipag-usap ko kina Nils at Daniel, natuwa ako nang maramdaman kong ang interes nila sa Pilipinas ay di lamang dahil sa negosyo nila. Mukhang nagigiliw sila sa mga Pilipino, at si Nils ay nag-aaral pang mag-Filipino. Sinusubukan nila ang mga pagkaing Pilipino, at di gaya ng ibang balahurang Kano, di nila pinagtatawanan o ininsulto ang Jollibee. Kilala nila si Weng-weng, at nanonood daw sila ng Chika Minute sa Internet. Gusto nilang lakbayin ang Pilipinas. Pinag-usapan pa nga namin nina Daniel ang tarsier. Continue reading “May load ka pa ba?”