Reunion

Unang nalathala sa Pinoy Gazette

Noong nasa high school pa ako, gaya ng karaniwang teenager ay ninais ko ring mapabilang sa isang grupo o barkada. ‘Yun bang mga kasangga, kasama sa pagtambay at sa pag-aaral na rin. Lahat yata ng mga kabataan ay ganyan. Naghahanap ng “belongingness” o pagiging kabahagi ng isang grupo.

Minsan, naiisip ko ngayon na kung tutuusin, dapat ay mayabang ako noong high school. Kahit kasi pinagkaitan ako ng kaguwapuhan, ako naman ang nangunguna pagdating sa academics. Pero sadyang kapag high school, tila mas sikat talaga ang mga may hitsura at aktibo sa sports. Kahit pa magaling ka at aktibo rin naman sa extracurricular activities, negative pogi points talaga kapag di ka pogi. Read more »

Tondominium death trap

From GMANews.tv:


What is it like to live in a condemned building?
Tondominium death trap
CONDEMNED
Howie Severino’s I-Witness Documentary
Airing Monday night: June 25, 2007,
midnight or after Saksi GMA7
(delayed by a day or two on Pinoy TV overseas)

Paano nga ba ang buhay kung ang iyong tahanan ay idineklarang “condemned” ng gobyerno, o hindi na maaring tirahan?

Ang Macapagal Tenement Building sa Tondo, maaari raw gumuho anumang oras. Ang problema, hanggang ngayo’y libu-libong katao ang nakatira sa loob nito.

Binagtas ni Howie Severino at ang kanyang grupo ang mga mapanganib na sulok ng tenement. May mga madidilim itong tauhan, may mga kriminal na naninirahan. May puno ng balete na nakayakap sa limang palapag ng gusali. Ang musikang nangingibabaw sa lugar ay mga kabataang sama-samang nagra-rap tungkol sa brutal na buhay-Tondo. Continue reading “Tondominium death trap”

Tips sa pagsusulat ng sanaysay

May ipinadalang tanong sa akin ang isang bisita ng ederic@cyberspace, si Aryan: “Ano ang paraan o pamantayan sa pagsulat ng isang sanaysay?”

Eto ang mga personal na tips na ipinadala ko sa kanya:

  • Kapag nagsusulat ng sanaysay, makatutulong kung gagawa ka ng balangkas (outline) para maisaayos mo ang daloy ng mga ideyang nais mong ilagay sa sanaysay.
  • Isaaalang-alang sa pagpili ng ng tono ng iyong pagsusulat ang iyong mga mambabasa.
  • Laging tiyaking tama ang iyong grammar. Tiyaking tama ang pagbaybay at wasto ang paggamit ng mga bantas, gayundin ang angkop na paggamit ng mga salita.
  • Continue reading “Tips sa pagsusulat ng sanaysay”

Bagong PBB top 4 ko

Pagkatapos ng mga pangyayari sa Pinoy Big Brother nitong mga nakalipas na linggo, at dahil wala na si Dionne sa PBB, eto na ang bagong top 4 bets ko:

Mickey

Bea Geann Buddy

Opps, aso nga pala si Buddy. Sige si Nel na lang!

***

By the way, happy birthday, Jose. Kahit nanonood kami ng PBB sa halip na pagkuwentuhan ang iyong mga paglalakbay sa Europa at pagpaslang sa ‘yo sa Luneta, di ka pa namin nalilimutan!