Streaming habang bilangan

Habang isinusulat ko ang entry na ito, nanonood (o nakikinig) ako ng Eleksyon 2007 special coverage ng GMA-7. Pero hindi naka-on ang TV ko. Sa halip, ang live video streaming ng GMANews.tv ang nakabukas sa computer ko. Kung hindi ka pa nakapanood gamit ito, subukan mo.

Ito naman ang top 12 sa AMA Quick Count ngayon galing sa Inquirer.net:

1. Escudero, Francis Joseph (Chiz) 651,709
2. Legarda, Loren (Loren) 601,393
3. Aquino, Benigno Simeon III (Noynoy) 559,884
4. Lacson, Panfilo (Ping) 558,304
5. Villar, Manuel Jr (Manny) 526,715
6. Pangilinan, Francis (Kiko) 524,322
7. Cayetano, Allan Peter (Companero) 460,885
8. Arroyo, Joker (Joker) 444,328
9. Angara, Edgardo (Ed) 410,541
10. Honasan, Gregorio (Gringo) 404,591
11. Trillanes, Antonio IV (Magdalo) 397,428
12. Pimentel, Aquilino III (Koko) 394,759

Kabataan Cyber-Fever

mong_palatinoSa Internet tinapos ng party-list group na Kabataan Party ang kanilang kampanya. Tinawag nilang Kabataan Cyber-Fever ang kanilang huling hirit sa Internet.

Bilang paghahanda sa Kabataan Cyber-Fever, nakipagkita noong Huwebes si Mong Palatino, pangulo ng Kabataan Party, sa mga kapwa niya bloggers.

Kabilang sa mga dumalo sina Shari Cruz (misteryosa.com), ang nanalo ng Best Personal Blog Award sa unang Philippine Blog Awards; Victor Villanueva (bikoy.net), na naging finalist sa parehong kategorya; at Jhay Rocas (Four-eyed Journal), estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas.

Naroon din sina Vencer Crisostomo (Student Strike) at Sarah Katrina Maramag (Adarna’s Attic) ng Young Radicals blog, na naglunsad noong 2005 ng matagumpay na Pekeng Pangulo Googlebombing laban kay Pangulong Arroyo. Layunin ng Cyber-Fever na mapagbuklod ang mga Pilipinong blogger sa pagsuporta sa Kabataan Party. Continue reading

Gabay Halalan 10-149

Noong bagong salta ako sa Maynila, paborito kong paglaruan ang mga PLDT toll-free access numbers na ginagamit para makapag-collect call sa ibang bansa. Kapag idinayal mo ang 105-12, halimbawa, may operator na sasagot sa ‘yo ng ganito: “AT&T USA Direct Mabuhay service, ano pong number ang nais nilang tawagan?”

Marami ‘yang mga access numbers na ‘yan: 105-15 para sa MCI para rin sa US, 105-49 para sa Deutsch Telekoms papuntang Germany, at marami pang iba. ‘Yung 105-49 lang ang talagang nagamit ko dahil may mga tiya ako sa Germany. ‘Yung mga ibang access code, niloloko ko lang–ibinababa ko agad pagkatapos sumagot ng operator.

Ngayong eleksyon, may bagong toll-free access code ang PLDT: ang Gabay Halalan 10-149. Pero hindi ito dapat paglaruan, gaya ng ginagawa ko dati sa mga collect call access numbers. Sa halip, dapat itong seryosohin dahil lubos itong makakatulong sa mga botante sa pag-unawa sa proseso ng halalan at sa pagpili ng dapat iboto. Isa itong initiative ng Simbahang Lingkod Bayan at Life Academy sa pakikipagtulungan ng PLDT. Narito ang iba kumpletong impormasyon mula sa VforCE website: Continue reading

Marky Cielo, gaganap bilang Shaider

Si Marky Cielo raw ang gaganap na Shaider sa Filipino version ng paborito nating pulis pangkalawakan na ipapalabas sa GMA-7, ayon sa report ng Philippine Entertainment Portal/ GMANews.tv.

“Ang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo ang nakatakdang gumanap sa papel na Shaider. Ang StarStruck 4 Ultimate Female Survivor namang si Kris Bernal ang napipisil na gumanap na Annie,” ayon sa ulat.

Si Dominic Zapata ang magiging direktor, at kasama rin sa case sina Jay Manalo, Bianca King, Isabel Oli, Arci Muñoz, at Iwa Moto.

Isang Tanong ng GMA-7



For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

May mga nagtatanong sa akin kung maaari bang mapanood sa YouTube ang palabas na “Isang Tanong,” ang senatoriables forum ng GMA News and Public Affairs. Magandang balita. Naka-upload na sa GMA News.tv ang videos at transcript ng Isang Tanong. Upang makapanood o mabasa ang transcript, pumunta lamang sa http://www.gmanews.tv/isangtanong.

Websites ng mga kandidato sa Senado

May isinusulat akong isang article at para rito’y kailangang kong ang websites ng mga kandidato sa Mayo 14. Narito ang listahan ng mga gustong maging senador at ang kanilang mga website o blog, kung mayroon akong nakita:

ANGARA, Edgardo J. – www.edangara.com
AQUINO, Benigno Simeon III C. – www.noynoy.ph
ARROYO, Joker P.
BAUTISTA, Martin D. – mbautistamd.blogspot.com
CANTAL, Felix C.
CAYETANO, Alan Peter S.
CAYETANO, Joselito P.
CHAVEZ, Melchor G.
COSETENG, Anna Dominique M. www.nikkisasenado.com
DEFENSOR, Michael T. – www.mikedefensor.net
ENCISO, Ruben C.
ESCUDERO, Francis Joseph G. – www.chizescudero.com
Continue reading